Chapter Eight: Auction

4.5K 200 2
                                    

Chapter Eight: Auction

HINDI pa rin makapag-desisyon si Niezel kung pupunta ba ng auction. Nasa sala siya ngayon ng kanyang bahay at nakatingin sa kisame habang nakahiga sa sahig. Malamig ang sementadong sahig ng kanilang bahay kaya perfect iyong higaan kapag mainit ang panahon.

"Huy, Ate! Hindi ba may pupuntahan ka pa mamaya? Bakit hindi ka pa naliligo?" Bumungad ang mukha ni Emma sa paningin ni Niezel. She heaved a sigh. "Maliligo rin ako."

Ilang araw na ang nakakalipas at balisang-balisa si Niezel sa desisyon kung sino ang pipiliin. Gusto niya naman ang alok ng kaibigan pero lohikal siya mag-isip. Sa tingin kasi ng dalaga ay mas okay para sa lahat kung si Logan ang pipiliin. They both agree to the terms and most importantly, no emotions attached.

She released yet another exasperated sigh. Namilog ang mata niya nang si Ray naman ang bumungad sa paningin. Nagmadaling tumayo si Niezel at binatukan ang lalakeng kapatid. Napa-'aray' naman ang binatilyo sa ginawa ng ate nito.

"Ikaw kasi! Ang daldal mo! Ikaw dahilan kung bakit ako tuliro, letse ka!"

"Ate naman eh! Kinukwento ko lang naman sa kanila ang plano mo kasi baka sakaling magpakasal ka na."

Isang malakas na palo ang dumapo sa puwitan ni Ray mula kay Niezel.

"Ate, okay lang naman na gusto mong magkapamilya. Pangarap mo 'yun eh, kaya okay lang na kahit hindi pa ako tapos sa pag-aaral. Pagkatapos ng senior high ko this year, may scholarship na ako sa UP, kagaya ni Ate Emma na nakapagtapos naman ng college na walang hinihinging pera sa'yo."

Napabuntong-hininga si Niezel. Bakas kasi sa kapatid ang pag-aalala sa kanya.

"Lagi mo na lang kaming iniisip. Nakakainis lang, ate. Feeling namin ni Emma pinipigilan ka namin."

Tumikhim si Emma at inayos ang reading glasses nito sabay iwas ng tingin. "Ako ang nagsabi kay Ray na sabihan si kuya Toto tungkol do'n, Ate Izzy. Sorry."

Niezel pouted when she felt like a warm feeling touched her heart. Niyakap niya ang mga kapatid. "Ang tanga niyong dalawa."

Nagsitawanan na lamang silang tatlo.

"Nga pala, ate." Humiwalay sa yakap si Emma. "May dress ako kung gusto mong susuotin... para sa auction, hindi ba?"

"Hindi na kailangan, Em. Bisita lang naman ako eh."

"Pero sabi doon sa invitation mo, isa ka sa—"

"Ako na ang bahala sa susuotin ko. Maligo ka na." Nginuso ni Niezel ang banyo. "Male-late ka sa byahe mo sa Manila." Binalingan niya ng tingin si Ray na ngayon ay nakayakap pa rin sa kanya. "Hoy, Ray! Hindi ka pa bumibitiw!"

"Ate, ambango mo. Sarap mo yakapin."

Binatukan niya ulit nang marahan ang kapatid at niyakap ito ng mahigpit. "Takot ka lang na kumuha ako ng dos por dos eh."

"Ate naman eh. Ang sakit kaya no'n. Ang sakit pa nga ng mga pasa ko galing kay Jayden."

"Maligo ka na rin at ihahatid mo pa ang ate Emma mo sa maynila!"

Padabog na humiwalay sa kanyang yakap si Ray at nagtungo sa kwarto nito. Nakita niya rin na naka-hilera sa labas ang maleta ni Emma. Sa wakas ay mag-o-OJT na ito sa isang sikat na TelCo company sa siyudad. Nasa pangangalaga na ang kapatid ng kumpanya na Trivano Tech. Sila ang nag-po-provide ng matitirhan ng mga scholars na malapit na magtapos sa kolehiyo at nag-o-OJT. Malaki ang pasasalamat ni Niezel sa tulong ni Alexander Trivano sa kapatid na si Emma, lalo na't hilig ni Emma ang programming. Magtatapos na rin si Ray sa senior high school this school year. Scholar rin ito ng UP.

Isla De Fuego Series 2: Perfection (EROTIC-ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon