"One carbonara and one ice tea" tipid kung sabi sa tindera na agad naman inasikaso ang order ko."Libre naman jan dash kahit pizza lang" sabi ni troy na nasa likuran ko.
"Lakas mong manlibre sa mga babae mo tapos ngayon para kang pulubi jan" sabi ko rito habang naghihintay ng inorder ko.
"Grounded eh" napapakamot sa ulo na sabi nito na ikinangisi ko .
"Pero mamaya sama ka sakin? Cutting tayo" sabi nito na agad kong binatukan.
"Wag mo nga akong demonyuhin troy galit na nga sa akin si mama dadagdagan ko pa" sabi ko at kinuha na ang order ko.
"Sige na nga, tinatamad na rin ako" sabi nito at sumunod nasa akin papunta sa madalas pwestuhan namin dito sa cafeteria.
bukod sa dalawang pinsan ko, si troy din ang masasabi kung kaibigan na palagi naming kasama ni jaxon sa katarantaduhan.
"Asan pagkain mo?" tanong ko rito habang nagsisimula na akong kumain.
"Edi iyan" sabay turo ng pagkain ko.
"Gago wala ka talagang pera?" usisa ko dito habang sya nilalantakan na ang inorder kong carbonara.
"Wala nga bente pesos pamasahe ko pa" punong puno ang bibig nito habang nagsasalita.
napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang wallet sa bulsa na ikinalaki ng mata nya.
"I love you Dash napakabait mo talaga" sabi nito na kunwaring naiiyak pa.
"Oh, Dagdagan mo pagkain natin , bayaran mo yan pag nagkapera kana. allowance ko yan gago ka" pagalit na sabi ko at agad naman itong nawala sa harapan ko.
Malawak ang Cafeteria namin dahil dito rin kumakain ang mga college student na mamaya ay pupunta na rin dito.
Hindi nag aaral dito ang pinsan kung kambal dahil nasa kabilang school sila pinag aral ng tito ko habang ako naman ay dito na simula kinder palang.
Napatingin ako sa mga estudyanteng nakapila sa counter ng mahagip ng mata ko si quinn na naghahanap ng pwesto bitbit ang tray na puno ng pagkain ng bigla syang patirin ni britney na ikinqgulat naming lahat na nakakita.
"Oww, Sorry hindi ko sinasadya" maarteng sabi ni britney na tinawanan naman ng mga kaibigan nito.
kaagad namang umupo si quinn sa pagkakadapa at pinapagpagan ang damit na narumihan na rin ng pagkain nito.
hindi ko makita ang reaksyon nya dahil ang mukha nito ay natatakpan na rin ng buhok nya.
akala ko ay titigilan na sya ng grupo ni britney ng buhusan ito ng fruit shake sa ulo na ikinatayo ko na.
agad akong lumapit sa kanila naikinatahimik nila sa pagtawa.
na kay quinn lang ang atensyon ko na parang wala lang sa kanya ang lahat dahil tuloy tuloy pa rin sya sa pagpunas ng uniform nya na ikinainis ko.
"You will pay for this britney" seryoso kung sabi kay britney na ikinatigil nito sa pagtawa at nagtataka sa inasta ko sa kanya.
Hindi na ko naghintay pang magsalita ito dahil kaagad kung hinila palayo si quinn papuntang washroom.
"Bakit hinayaan mo lang sila na gawin iyon sayo?! " galit na sabi ko sa kanya.
hindi siya kumikibo o tumingin man lang sa akin. Abala pa rin siya sa pagpunas ng damit niya habang ako ay naiinis na dahil sa nangyari.
sa inis ko ay pina harap ko sya sa akin handa ng pagalitan siya pero ng makita ko na malapit na siyang umiyak ay na tigilan ako.
"wala akong laban sa kanila, at sanay na ako sa ganoong trato ng mga tao sa akin" umiiyak na sabi nito.
"I'm sorry, hindi ko alam" mahinang sabi ko rito.
Umiiyak pa rin ito kaya kinuha ko na ang tissue na hawak niya at ako na ang nag punas ng uniform nito na ikinatigil ng pag-iyak niya at agad na inagaw sa akin ang tissue.
Doon lang ako na tauhan sa ginawa ko at halos hindi na makatingin sa kanya ng maayos.
"S-Salamat sa pagtulong sa akin. ikaw pa lang ang unang taong tumulong sa akin" sabi nito sa gitna ng pag-iyak niya.
"wala iyon" nahihiyang sabi ko at hindi parin makatingin sa kanya.
"pwede mo akong maging kaibigan kung gusto mo" pahabol na sabi ko at ngayon ay nakangiti nasa kanya.
"bakit mo ba ako tinutulungan at ngayon gusto mo pa akong maging kaibigan?" tanong nito sa akin na ikinatigil ko sa pag ngiti.
"dahil ba sa magkaibigan ang pamilya natin?" pahabol pa nito na ngayon ay seryoso na ako sa kanyang nakatingin.
pinagmasdan ko siyang mabuti at bukas pa rin sa kanya ang pagtataka.
Bakit ko nga ba sya inaalok na maging kaibigan?
Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa na hanggang natigil ang tingin ko sa uniform nya na ngayon ay marumi na.
Sinimulan kung alisin ang uniform ko na ikinagulat nya.
"A-anong ginagawa m-mo?" bakas ang takot sa mukha nya habang ako naman ay nagtataka sa inaasta nya.
Hindi ako umimik at iniabot nalang sa kanya ang uniform ko habang ang natira nalang sa akin ay ang pang loob kung sando.
Napatingin sya sa katawan ko at saglit na napalunok.
"Magpalit ka, at uuwi tayo" seryoso kung sabi at lumabas na ng washroom ng makapagpalit na sya.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin sya sa washroom na suot- suot ang uniform ko.
"Hintayin mo ako rito, kukunin ko lang yung gamit natin" sabi ko at agad na umalis.
"Saan kaba galing? bakit nakasando ka nalang?" tanong ni troy sa akin na kanina pa pala nag aabang sa pintuan ng room namin.
Hindi ako kumibo at agad na kinuha ang bag naming dalawa ni quinn.
"Oh, bakit dala mo na yang bag mo saka kanino yang bag na ya!" nagtataoang tanong nito na ikinaharap ko nasa kanya.
"Dami mong tanong, uuwi na ako sabihin mo kay maam sumakit ang ulo ko" sabi ko rito at akmang aalis ng hawakan nya ang braso ko.
"Sama ko" parang bata nitong sabi na ikinairita ko.
"Ginagawa mo troy? Di ako pupunta sa kung saan para sumama ka. uuwi ako narinig mo? uuwi" may diin kung sabi na ikinabitaw nya sa braso ko.
"Sabi ko nga di ako sasama" sabi nito at kaagad na ibinaba ang hawak na bag.
hindi na ko nagsalita pa at umalis na.
"Sorry natagalan nagpa excuse pa kasi ako" sabi ko kay quinn at inabot ang bag nya.
" Talaga bang uuwi na tayo? may klase pa diba?" tanong nito sa akin.
" Oo dahil alangan namang pumasok ka pang ganyan na ang itsura mo?" pagsusuplado ko para lang sumunod na ito.
Hindi naman na kami inusisa pa ng guard sa school dahil nakita naman nya ang itsura ni quinn kaya agad na rin kaming sumakay sa jeep para makauwi.
Inalalayan ko sya pababa ng jeep ng nasa tapat na kami ng subdivision na tinitirhan namin.
"Tungkol pala sa inaalok mo kanina" sabi nito na ikinalingon ko habang naglalakad kami.
"Pumapayag na a-ako" nahihiyang sabi nito.
napangiti ako dahil namumula pa ang pisnge nya.
" Friends?" nakangiting sabi ko at nilahad ang kamay sa harap nya.
"Friends"