"Nice game elizalde" hinihingal na sabi ni zeke at inabutan pa ako ng isang gatorade
I smirk at him pagkatapos kong kunin ang inaalok nyang gatorade sa akin.
"Thanks" sabi ko at sinimulan ng inumin ito.
"Gigil na gigil kasa bola kanina ah, may problema ba?' tanong ulit nito habang nagpupunas ng pawis nya.
Matatawag kong kaibigan si zeke dahil mabuti rin itong makitungo sa akin sa labas man o loob ng gym pero ibang tao sya pag alam nyang may nagawa kang mali gaya ng nangyari noong isang linggo.
Kaya hindi na ako magtataka na maging team captain ulit sya pag nag collage na kami.
"Wala, nasa mood lang siguro ako" sabi ko at mahinang natawa.
" I gotta go bro, hahatid ko pa si trisha" sabay tapik nito sa balikat ko at nilapitan na ang isang babae na ngayon ay nakatayo nasa dulo ng bench.
Dumiretso na ako sa shower room para maligo ng sipatin ko ulit ang cellphone ko pero wala akong natatanggap na text o chat man lang ni quinn kong nakauwi na ba sya.
" Oh anak hindi kayo magkasabay umuwi ni quinn" sabi ni mama habang nakasunod nasa akin sa pagpasok ng bahay dahil sya ang nagbukas ng gate.
hindi ako kumibo at minabuti nalang na humalukipkip papasok ng bahay.
Pakialam ko sa kanina magsama sila ni raven.
Nasa sala palang ako ay naririnig ko na ang tawanan mula sa kusina.
Masayang nag uusap si papa at quinn na ngayon ay hindi pa nagsisimulang kumain.
Natigil sila sa pinag uusapan nila ng pumasok na kami ni mama sa kusina.
"Dashiell may nagugustuhan na pala itong si quinn" may pang aasar na sabi ni papa.
Inirapan ko sya at naupo sa tabi ni quinn na ngayon ay todo ngiti sa akin.
"Ngiti-ngiti ka jan, pangit mo" pang iinis ko dito na agad naman akong sinaway ni mama.
"Tita binu-bully na naman po ako ni dashiell' paawa nito habang si papa naman ay natatawa.
"Dashiell tigilan mo nga si quinn" sita ni mama sa akin na tinarayan ko lang.
"fine, fine" bored na sabi ko at nagsimula ng sumandok ng kanin.
natapos ang hapunan namin na silang tatlolang ang masayang nagkikwentuhan habang ako ay tahimk lang.
Na bangit din ni mama na kaya nandito ngayon si quinn ay dahil nasa trabaho pa rin sila tita kaya sa madaling salita dito sya matutulog sa amin.
"Walang tatabi sa akin" pagsusuplado ko sa kanya habang busy ako sa pagdadamit ng pantulog.
Kaagad nya akong binato ng hawak nyang unan na ikinaharap ko sa kanya.
"Attitude ka?" sabi nito at ibinagsak na ang katawan sa kama.
Wala ng malisya sa mga parent namin ang pagtatabi namin sa pagtulog dahil alam nila na wala kaming gagawing masama at alam nila na ang turingan namin ni quinn ay parang magkapatid na.
"tss" sabi ko rito at naupo nasa dulo ng kama.
"Inubos mo nga yung dala kong ice cream tapos nag a-attitude ka jan" sabi pa nito.
Hindi ako kumibo at minabuti na mahiga nalang sa tabi nya.
Pareho kaming nakatingin sa kisame at pinagmamasdan ang mga picture namin.
Sya ang may gusto na idikit lahat ng litrato namin sa kisame para daw palagi namin iyon mapagmasdan.
Maging sa kwarto nya ay ganoon rin kaya hindi na ako nakapag protesta ng simulan na nyang ilagay iyon sa kisame ko.