"Dashiell bilisan mo na jan, nandito na ang tita veronica mo!" Sigaw ni mama na nang gagaling sa sala.
Kaagad kung sinuot ang itim na tshirt at hindi na pinansin ang basa at magulong buhok.
"Bababa na ma!" Sigaw ko pabalik at agad na tinakbo ang hagdanan.
Nasa huling palapag na ako ng marinig ko na ang ingay na nang gagaling sa sala kaya mas lalo kung binilisan ang paglakad ko.
"Mabuti naman at hindi kayo natagalan sa byahe di sana ay mamayang gabi pa kayo makakarating dito" narinig kong sabi ni mama habang nasa likuran na nya ako.
Nakaakbay si papa kay mama kaya hindi ko pa masyadong makita kung sino ang kausap nila.
"Paano ba kasi, kung magpatakbo ng kotse itong si Manuel eh akala mo nakikipag karera" sabi ng tinawag ni mama na veronica.
"Ma" mahinang sabi ko na ikinalingon ni mama sa akin.
"Oh, halika dito ipapakilala kita sa kanila" sabi ni mama at agad akong iniharap sa mga bisita.
Tumingin ako sa kanila para kilalanin na rin. Isang lalaki at babae na kasing edad lang ng magulang ko base sa itsura at napasulyap ako sa isang batang babae na sa tiningin ko ay kasing edad ko lang na nasa gilid ng upuan at matamang nakatingin sa akin.
Napakunot noo ako at pinagmasdan syang maigi.
Medyo madungis ang bibig nya dahil sa pagkain na hawak nyang chocolate. Pero makikitaan mo na may itsura din sya kahit na mataba.
"Yan na ba ang nag iisang anak mo marem? Ang gwapong bata!" Nakangiting sabi ni Tita Veronica.
"Hindi naman hahaha, Dashiell ang ipinangalan ko sa anak ko. Napakatamad nga nitong mag aral dahil puro basketball ang nasa isip" natatawang sabi ni mama na ikinatawa nilang lahat
Tipid akong ngumiti sa kanila at tinuon ulit ang tingin sa batang babae na ngayon ay nakayuko habang nagpupunas ng mukha.
Mas lalong dumungis ang mukha nya dahil sa ang kamay na ipinangpunas nya ay may chocolate na rin.
Hindi ko na napigilang mapatawa na ikinatigil nila mama sa pag uusap.
"Dashiell anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong ni mama na ikinatigil ko sa pag tawa at ng sulyapan ko ang batang babae ay nagsisimula na itong maluha na ikinakonsensya ko.
"W-wala po Ma, sorry" sabi ko rito.
Tinaasan ako ng kilay ni mama at humarap ulit sa kanila "yan na rin ba ang nag iisang anak mo? Aba'y kay gandang bata naman nito" sabi ni mama at nilapitan pa ang batang babae.
"Quinn ang pangalan nya marem, sa tingin ko magkasing edad lang itong si quinn at ang anak mo" sabi ni tita veronica.
"Grade 10 na rin pala, parang kailan lang ang liliit pa nila ngayon nag aaral na" biro ni mama.
"Baka nga itong si dashiell ko may girlfriend na" biro rin ni papa at ginulo pa ang buhok ko.
Kaagad na kinurot ni mama si papa na ikinatawa lang ng lahat.
"Magtanghalian muna kayo dito sa amin bago nyo puntahan ang bago nyong bahay manuel" alok ni papa sa kanila na sinang- ayunan din nito.
Base sa kwentuhan nila ay magkakaibigan sila noong kolehiyo pa sila at namalagi lang sila tita veronica sa maynila para sa trabaho at ngayon ay pinili nalang na manirahan dito sa Cebu.
Magkaharap kami ni Quinn sa hapagkainan. Ramdam ko na nahihiya sya lalo na at pinagsabihan sya ni tita veronica dahil sa dungis nito kanina sa pagkain ng chocolate.