" Salamat dashell dahil nandoon ka ng may mangyari kay quinn. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang hindi mabully ang anak ko" malungkot na sabi ni tita habang nandito kaming lahat sa sala nila.Hindi nagalit sa akin si mama ng maaga kaming umuwi bagkus natuwa pa sya dahil tinulungan ko si quinn.
"Walang ano man po tita, kaibigan ko po si quinn kaya responsibilidad ko na rin po sya" nakangiting sabi ko rito at saglit na nilingon si quinn na nakangiti na rin sa akin.
Masayang nagkikwentuhan na sila mama kaya inaya ko nalang si quinn na lumabas sa bahay nila.
"Ice cream?" alok ko sa kanya na ikinangiti nya lalo.
"Salamat, favorite flavor ko yan" nakangiting sabi nito at ngayon ay binubuksan na ang hawak nyang ice cream.
"Paborito mo rin pala ang rocky road" mahinang sabi ko habang sya ay abala nasa pagkain ng ice cream.
Gumaan agad ang pakiramdam namin sa isa't- isa na para bang matagal na kaming magkakilala. Hindi ako nagsisi na kinaibigan ko sya, at gusto ko pa syang makilala ng lubusan.
"Ginagawa mo jan?" sabi ko ng makita ko si quinn na nakasilip sa bintana at nakatingin sa katapat ng classroom namin.
Grade 12 na kami ngayon at pareho rin kami ng kinuhang strand.
"alis ka nga jan makita pa tayo eh" masungit na sabi nito at tinulak pa ang mukha ko palayo sa bintana.
"Ano ba kasing tinitingnan mo jan" sabi ko na napalakas na sa pagkakasabi dahil para mapatingin ang ibang kaklase namin.
nagulat ako ng hilain ako palayo doon at naupo napang kaming pareho sa upuan namin.
"Sinisilip ko si Raven yung transferee" kinikilig na sabi nito na ikinakunot noo ko.
"Ang bata mo pa kumekereng-keng kana" sabi ko rito at hindi na ako nabigla ng batukan nya ako.
"hindi na ko bata, 17 na ko oyy saka ang gwapo nya" pasigaw pa na sabi nito na hindi ko nalang pinansin pa dahil pumasok na rin ang subject teacher namin.
"Ano kaya ang gusto nya sa babae?" tanong nito habang pinapaypay ko ang iniihaw kong bbq.
"anong sabi mo chubs?" biglang singit ni jaxon na ngayon ay kinuha na ang isang stick ng bbq.
"hindi pa masyadong luto yan patay gutom ka talaga" sabi ko ng hampasin ko ang kamay nya ng hawak kong pamaypay.
kaagad na bumusangot ito at ibinalik ulit ang kinuha nyang bbq.
Naging kaibigan rin ni quinn ang dalawa kung pinsan na ngayon ay parang aso't pusa na silang dalawa ni jaxon habang si javier naman ay abala sa pagbabasa ng libro ngayon.
"Dash, wag mong bibigyan ng bbq yang si jaxon ah pangit nya kabonding" galit na sabi ni quinn na ngayon ay nasa gilid ko na.
"Pikon ka lang, blehh" sabi pa ni jaxon na sinikmuraan ko na para tumigil.
"Wag munang pansinin yang kulang-kulang na yan ito oh bbq luto na" sabi ko rito at ibinigay sa kanya ang tatlong piraso ng bbq.
"kulang pa yan kay chubs, kaya nyang ubusin lahat ng iniihaw mo kaya ang taba taba hahahaha" biro pa ng isa at hindi na ako nagulat ng bigla syang sakalin ni quinn.
"gusto mo? " alok ko kay javier na ikinaangat ng tingin nito sa akin.
"I'm full, thanks" sabi nito at nagbasa nalang ulit ng libro.
Saglit kong sinilip sila quinn at jaxon na ngayon ay nagluluto na ng bbq. Umupo ako sa tabi ni javier at sinilip ang binabasa nito.
"Tungkol sa medisina yan ah, akala ko ba mag aabogado ka?" tanong ko rito dahilan para agad nyang isarado ang libro.