My Dream Last Night
Standing alone in the cemetery. Dark. Scary, and Danger. Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito. Feeling ko may hinahanap ang puso ko pero bakit nandito ako sa sementeryo na nag iisa?
Napatingala ako ng unti-unting nagbabagsakan sa mukha ko ang ulan. Sheyt, wala akong payong.
Tatakbo na sana ako ng may biglang lumapit sa'kin at pinayungan ako.
"I'm sorry, Babe. Kanina ka pa ba naghintay dito?" Biglang tumibok ang puso ko sa boses ng isang lalaki.
Alam kong panaginip ito pero bakit sa bawat pagtibok ng puso ko sa lalaking kaharap ko ay parang matagal ko na siyang kilala? At alam ko ang pakiramdam na 'to. Pagmamahal.
"A-Ah...oo" utal kong sabi at dumuko. Sheyt, gustong gusto ko siyang yakapin pero nahihiya ako dahil ngayon ko lang siya nakita at nakilala.
"Puntahan na natin ang puntod ni Mama. Mahina lang siguro ang ulan" sabi niya sabay tumingala sa kalangitang nagdidilim na.
Pinagmasdan ko lang siya habang nakatingala pa rin siya.
Nagliliwanag ang mga mata niya, ang itim at ang kapal ng kilay niya, ang tangos ng ilong niya, at ang labi niya... ang sarap halikan na para bang kay tamis.
Napalunok ako ng lumingon siya sa'kin.
"Babe, are you okay? Kanina ka pa walang imik" alalang tanong niya.
"Ang lamig k-kasi" palusot ko. Ngumiti siya sa'kin at binigay ang payong. Kinuha ko na ang payong at pinagmasdan siyang naghubad ng jacket niya.
Isinuot niya sa'kin ang jacket niya at lumitaw ang puting t-shirt na suot niya at bakat na bakat ang muscle ng braso niya sa tshirt niya.
"Let's go. Ipakilala na kita kay Mama" sabi niya. He gently grab my hand.
Wala akong ibang hiling kundi sana ay hindi na ako magising sa magandang panaginip na 'to.
Huminto kami sa harap ng isang puntod.
Theresa Marie Cruz
Born **-**-****
➕ June 13, 2020"Mama, si Janna, girlfriend ko." Pagpapakilala niya sa'kin.
Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya tinignan ko siya. I saw his eyes sparkling, anytime ay iiyak na siya.
Hindi ko alam kung paano siya patatahanin kaya niyakap ko nalang siya. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan ang tibok ng puso niya pero wala akong narinig. Dahil siguro sa ingay ng ulan.
Sa pagyakap ko sa kaniya ay parang namimiss ko na siya na parang matagal ko na siyang gustong yakapin.
Niyakap rin niya ako pabalik gamit ang isang kamay niya dahil ang isa ay may hawak na payong.
Tumingala ako sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Napatitig ako sa labi niya.
Wala akong alam sa paghalik kaya inilapit ko nalang ang mukha ko sa kaniya. Pumikit ako ng nagdampi na ang mga labi namin.