Mask
Kanina pa ako naghihintay ng bus dito sa waiting shed. Naiinis na ako dahil naiinitan na ako. Late na ako sa work ko.
Dahil malalate na ako, no choice kundi mag jeep nalang. Hindi ako maarte na ayaw ko sa jeep sumakay, sadyang natatakot lang ako may magnanakaw.
Mabuti na lang ay maluwag ang nasa loob at limang tao lang ang nasa loob. So, bali pang anim ako.
Tanging radyo lang ang ingay sa loob. Napasubsub kaming lahat sa malakas na preno ng jeep. Lahat ay nainip pero may tumawa rin dahil lahat nga kami ay napasubsub.
"Grabi naman ang driver na 'to. Nakalimutan yatang may pasahero" tawa ni Ali.
"Grabi maka preno. Takot makalagpas" tawa rin ng isa.
May pumara pala, kaya pala.
Hindi ko pinansin ang sumakay at humarap na lamang para baka sakaling may sendikatong pumasok.
Ang pumara kanina ay tumabi sa akin. Umusbong ako para maka-upo siya ng mabuti. Nilingon ko siya para malaman kong masamang tao ba. Naka mask siya ng white Pero Shaks! Ang gwapo naman ni kuya.
Hindi ko tinuloy ng pag-usbong. Ngayon ay mas lalo akong lumapit sa kaniya. Lumingon ang lalaki sa aking ginawa. Alam kong mapansin niyang nagpapansin ako kasi maluwag ang kaliwa kong space at sumiksik ako sa kaniya.
Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa akin. Kinilig naman ang shukla! Nakipagtitigan rin ako sa kaniya. Hanggang sa...
"Para!"
Napasubsub siya sa akin sa malakas na preno ng Jeep.
Mabuti nalang na may mask siya sa bibig niya dahil nahalikan ko ang mask niya. Pero gusto kong umiyak dahil bakit pa siya nag mask! E, di mahalikan ko na sana siya! Sayang!
Walang nakakita sa amin dahil napasubsub rin sila.
Maraming reklamo ang nasa loob ng jeep. Pati na ako, Sayang kasi! Bakit may mask pa!
Hindi ako makatitig ng maayos sa kaniya dahil kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig pa rin siya sa akin.
Laging naglilikot ang mata ko na gustong gustong tumitig sa lalaking nakatitig rin sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya titig ng titig sa akin dahil naiilang na ako sa mga titig niya.
Nilingon ko siya ng hinubad niya ang mask niya. Shhheeyyyttt!!! Mas lalong gumwapo!
Lord, sana may pumara ulit at magpreno ng malakas at mahalikan ko siya ulit na walang hadlang! Mayygghhaadds!! Naloloka na ako!!
Sinikop ko ng buo ang buhok ko at sabay nilagay sa left shoulder ko para maturn on siya sa batok ko. Ganun naman ang mga lalaki diba? Matuturn on sila sa mga batok ng mga babae!
Diniin ko talaga sa kaniya ang leeg ko. Maturn on ka na!
Sana may pumara na!
"Ahm... Roy" salita ng lalaki. Sino ba kausap nito? Nilingon ko siya at nakatitig pa rin sa akin.
"Ako ba tinawag mo?" Pabebe kong tanong. Tumango siya. Roy? "Hindi Roy ang name ko. I'm Rochelle. 18 years old.. ahmm ano pa ba? Nakatira ako sa... saan ba? Nakatira ako sa puso mo! Haha" pabebe ko ring tawa. "Bakit ka nga pala titig ng titig sa akin? Nainlove ka na ba sa akin? Hehe"
Mayghad! Kinilig ako kahit hindi niya ako sinagot. Alam kong na inlove ka na! Aminin mo na kasi! I love you rin naman kasi!
"Roy ka, e" pilit niyang sabi. Napakunot noo ako. Roy?
Sinong Roy ba?
Napalaki ang mata ko sa na alala ko.
"Ikaw si Roy diba? Sabay nga kayong nagpatuli noon ni kuya , e!" Pasigaw niyang sabi. Ang apat na ibang pasahero ay nakatingin sa amin. Sa akin. Nagbulong bulongan. Alam kong narinig nila ang sinabi ng katabi ko dahil biglang namatay ang radyo. "Babaeng babae ka na teh!" Masaya niyang sabi. Nginitian ko siya ng hiya. "Hindi mo na ba ako nakilala? Ako 'to! Ako ito si Pinky!" Gusto kong bumaba na sa pagpapakilala ng katabi ko.
Pinky! Ang ex girlfriend ko noon! Nagkahiwalay kami dahil iba ang gusto namin. Gusto ko ay boys. Gusto niya ay girls.
"Para!" Gulat kong sabi. Gusto ko nang bumaba sa hiya. Lalaking lalaki na siya! At sa kaniya pa ako na inlab! Tumboy pala 'yon!
Akala ko sa pagbaba ko ay matapos na ang kahihiyan ko pero hindi pala. Nakalimutan kong malakas palang pumreno ang Driver kaya napasubsub ako sa kaniya sa pagtayo ko palang at naghahalikan nga kami na walang takip na nakahadlang.
Parehong lumaki ang mata namin sa agad na nangyari.