Welcome to Mobile Legend
"Hoy, Lanny! Pakopya ng assignment mo, hindi ako nakagawa kagabi" sinamaan ko ng tingin si Jess ang tamad kong kaibigan.
"Gawa ka ng sa'yo!" Syempre. Kahit kaibigan ko pa siya ay hindi ako papayag. Napupuyat ako nito sa pag gawa tapos magpapakopya ako? Hell no!"
"Kahit pakopya lang, ang damot!" Tumabi siya sa akin at hinanda ang papel niya.
"Eh, bakit kasi hindi ka gumawa. Ano ba ang ginawa mo kagabi?" Tanong ko sa kaniya na nakasimangot ang mukha.
"Nag-e-ML kasi ako. Lagi akong Victory kaya napasarap ang laro ko. Madaling araw na nga akong nakatulog, e" napakamot siya sa ikinuwento niya sa'kin.
"Ang ML na 'yan ang problema sa lahat, e! Dapat nga mawala na 'yan. Mabuti pa ang Wattpad App, marami ang na-adik pero hindi nakakasira ng mga tao o studyante!" Pang-aral ko kay Jess.
"Ang boring kaya magbasa! At saka may mapupulot ba tayo diyan?"
"Eh, ang ML? May napupulot ka ba sa paglaro niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ikaw na teh! Ikaw na magaling! Layo ka nga, gagawa pa ako ng fuckin assignment na 'to" binatukan ko siya.
"Iyan! Iyang fuckin-fucking mo ang napulot sa pag e-ML! Labas muna ako."
"Mabuti pa! 'Wag ka na rin babalik! Inaaway mo 'ko, e!" Inirapan ko siya at lumabas na.
Mabuti nalang ay maaga pa. Napag isipan ko na maglalakad muna. Eksersays na rin.
"An enemy has been slained"
Napalingon ako sa tatlong lalaking na kay agang-aga ay naglalaro ng ML. Alam kong ML 'yon dahil pamilyar sa akin ang sound. Lagi ko iyon naririnig sa bahay dahil ang dalawa kong kuya ay ML ng ML.
Napa irap nalang ako sa inis. Walang araw na hindi ko maririnig ang tungkol sa Mobile Legend na 'yan!
Araw-araw talaga ako binubuweset ng app na 'yan. Kung ako talaga ang taga opertor sa App Store ay hindi ako magdadalawang isip ay iremove ko talaga sa list. Kainis!
Padabog akong naglalakad palayo sa mga lalaking naglalaro ng ML. Naiinis ako sa mga narinig ko.May mga gf na kaya ang mga 'yon? Hindi ba sila magalit pag ang Boyfriend nila ay abala sa ML at nagsasayang ng oras sa paglalaro kaysa makasama ang Girlfriends nila? Kung ako, Isisigurado ko talaga na hinding hindi ako iibig sa mga ML players! Like duhh!
Umupo ako sa may bench dito na nasa gilid ng punong mangga. Ang lamig dito dahil masisilungan ang mga upuan dito. Masarap pa sa pakiramdam dahil marami ring mga iba't ibang bulaklak na nakapaligid sa harap ng bench na inu-upuan ko. Ang ganda siguro kung dito ako magbabasa ng wattpad. Sayang nga lang dahil naiwan ko ang phone ko sa bag.
"Ang bubu!" Nagulat ako sa sigaw ng lalaki sa may likuran ko. Teka? Hindi ko siya nakita kanina dito.
"Excuse me? Sinong kausap mo? Ako, bubu? Ina-ano kita?" Nilingon ko ang lalaki habang nakatotok sa phone niya na hindi man lang ako nilingon.
BINABASA MO ANG
Tagalog-OneShotStory
Historia CortaTagalog-One-Shot-Story! |Published: JULY 22, 2020|