Wattpader Vs ML Player

374 15 1
                                    

Wattpader Vs ML Player

"Ayan na!" Napamulat ako sa ingay na 'yon. "Hahaha! Namatay na!"

Agad akong napalingon sa babaeng nakatabi ko dito sa bus. Napa-iling nalang ako ng naglalaro siya ng Mobile Legends. Kababaeng tao, naglalaro ng Mobile legend? Kahit nga lalaki ako, hinding hindi ako susubok sa online game na 'yan! Pero may ikina-aadikan akong App. Iyon ay Wattpad! Yes, may mga boy wattpader rin!

"Ano ba 'yan! Lagi nalang talo!" Pagrereklamo niya. Tutal, malayo pa ang byahe at hindi na ako inaantok, I open my cellphone and I immediately click the wattpad app. Magbabasa nalang ako.

Sabi nila, pag may lalaki daw na adik na adik sa wattpad ay bakla agad. Hell, no! Marami pa nga akong kakilala na mga basketballer na mahihilig magbabasa ng wattpad story! 'Yong katropa ko pa nga ay may sariling bookstore.

I continued what I'm reading yesterday. It's a romance by the way. •_< .

Nasa scene na ako na nakakaiyak na. Pinipigilan ko na ngang umiyak, e, nasa public kasi ako. Baka pag alaman akong bakla, which is not! Hindi mangyayari 'yon sa'kin! Hindi 'yon mangyayari sa Isang Captain na katulad ko!

"Wahhhhh... ang daya! Naka VPN siguro 'to!" Napapikit ako sa kaingayan ng katabi ko! What the fuck! Ang sarap pumatay pag may istorbo habang nagbabasa tayo! Ano bang makukuha niya sa pag-e-ML na 'yan! "Patay ka sa'kin, Aldous!" Malakas na sabi niya. Seriously? Babae ba 'to? Nakaspread legs pa nga habang nakaupo na parang nakalimutan na nakapalda lang.

"Excuse me-"

"'Wag ka munang istorbo. Did you see? Naglalaro ako!" Salita niya habang nakatutok sa nilaro niya. Napapikit na naman ako ulit. This time, sa inis na!

"Miss, did you see that I'm reading and you're so annoying! Your voice is too loud and you're disturbing me!" Pag-eenglish ko. Ang sarap kasi sa feeling na nageenglish ka habang nagagalit. Well, nabasa ko lang sa wattpad.

"Hell I care?" Sumbat niya na ikaiinit ng mukha ko. What the fuck is that?

Napalinga linga ako na may bakante pa bang upuan but so sad, wala na. Napakamalas naman na ito pa ang nakatabi ko. Napaka ingay.

Kinuha ko nalang ang earphone ko at pinlug agad sa cellphone ko and my music is ready. Finull volume ko rin kaagad dahil parang nangiinins lalo ang babae, mas nilakasan niya pa kasi ang nonsense niyang sinabi. At nagbabasa ako ulit.





Half hour passed, nastress ako! Hindi ko kayang magbasa ng may nakaplug na earphone with music! Ilang page na ang nascroll ko but fuck! Wala akong naintindihan! It's fuckin hard to be honest!

Binalik ko nalang ang earphone ko sa bag at natigilan ako ng may sumampa sa balikat ko. Ulo ng babaeng katabi ko, napangisi naman ako ng nakatulog pala ang halimaw na 'to. Nawala ang ngisi ko ng napadpad ang tingin ko sa kaniyang labi. Sheyt, her lips is wet, it's so red and kissable lips. Napailing ako sa inisip ko. What the fuck! What I'm thinking, geez!

Agad kong tinulak ang ulo niya, napatawa nalang ako ng nadikit ang ulo niya sa bintana ng bus. Napahinga naman ako ng maluwag ng hindi siya nagising. Nagflash na naman ang lips niya sa isip ko, what the! Umiling na naman ako. Stop thinking, Jenzen! She's crazy! Don't you dare!

Kalahati pa ng daan ang byahe, yes, malayo ang binyahe ko kasi uuwi ako ngayon sa probinsiya ng lola ko. Doon kasi kami magpapasko. Sila Mom and Dad ay susunod na lang daw dahil may tatapusin pa sila.

Nagbabasa ako ulit dahil wala ng istorbo.






"Welcome to mobile legend!" Natigil ang pagbabasa ko ng may ingay na naman. Napalingon ako sa katabi ko. What the fuck! Nagtitipod ba 'to ng oras? Ang ikli ng naitulog niya, ano bang pake ko? Sarili niya 'yan! "First Blood!"

Tagalog-OneShotStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon