chapter 2

40 13 4
                                    


2




2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




"Spread out we need to find the princess!"



I dont know where I would hide myself so that they wouldn't find me. I'm tired for being a prisoner by my own family. Hindi ko alam kung bakit kailangan nila akong itago kahit hindi naman ako ang kokoronahan bilang prinsesa ng Hervania.




Inilibot ko ang tingin sa paligid, naabot ng tingin ko ang isang bar kung saan pumupunta ang mga kabataan ngayon. I'm a bit familiar what they called restaurant? fast food chains, mall? But I have never been mostly because I would rather waste my time to surfing internet.


Kusa akong dinala ng paa ko papasok sa sinasabi nilang bar. Luckily, may kinakausap yung lalaki na siyang nanghihingi ng I.D. sa mga pumapasok kaya naka lusot ako.


Bahagya kong itinaas ang gown na suot-suot ko bago naglakad lakad dito sa loob. Paulit ulit ko na tinitignan ang mga bagay na hindi kailan man 'di ko naranasan.


"I wish I could be like them," I whispered, while staring at those teens who are laughing and smiling as if they doesn't have a problem at all.


"Boss, may nakita ka bang babae na pumasok dito? She's wearing a pink gown."


Malakas na kumalabog ang dibdib ko ng makita ang isa sa mga bodyguards ko na humahabol sa akin. Mabilis akong tumakbo kahit na medyo masikip sa lugar dahil sa dami ng tao. Nakatulong din siguro na wala akong suot na sapatos!


Muli kong nilingon ang entrance ng bar, nakita kong luminga linga siya sa paligid. Hindi ko napansin na sa comfort room pala 'yung napuntahan ko.

"Babe, baka may makakita sa atin dito."

"Just relax, hmm..."


Nanlaki ang mata ko ng maabutan 'yung dalawang tao na halos maghalikan na doon!


"K-kadiri kayo!"

Sabay na lumingon sila sa akin. Mukhang nagulat pa 'yung babae kaya inayos niya yung strap ng sandong suot niya at lumabas. Umiwas ako ng tingin ng mapansin ang titig ng lalaking kahalikan ng babae. Kaming dalawa ang naiwan dito.

"Such a noisy," sabi ng lalaki at lumawak ang ngisi na nakaguhit sa kaniyang labi.

Pinunasan niya yung lipstick mark sa gilid ng kaniyang labi bago naglakad papalapit sa akin.

"Don't you even dare to touch me or else," sigaw ko sa kaniya. Pero parang wala naman siyang paki alam sa aking sinigaw na pagbabanta dahil patuloy pa rin siyang naglakad papunta sa direksyon ko.


"Or else what?" mapanghamon niyang tanong sa akin. Bahagya tumagilid ang ulo niya at sinuyod ng tingin yung gown na suot ko.

Tumigil yung tingin niya sa paa kong walang kahit na suot na sapatos pagkatapos ay ngumiti. Ano naman nginingiti ngiti niya? Masaya pa siya na wala akong sapin sa paa?

"Paano 'yan? Naistorbo mo na kami."

Natigilan ako saglit sa kaniyang sinabi. Bakit ba hindi ko naisip 'to kanina?

Tumalikod na ako at mabilis na tumakbo palabas ng comfort room. Narinig ko pa siyang tumawa pero hindi ko na lang 'yun pinansin. Baka nababaliw na siya.

Nakakita ako ng isang pinto na sa tingin ko ay backdoor. Hingal na hingal ako paglabas kaya napasalampak ako sa lupa ng wala sa oras!

"Nakita niyo na?"


"Patay tayo nito pag hindi pa natin nakita ang prinsesa!"


"Shit!" mahinang mura ko ng marinig ang boses ng bodyguards na humabol sa akin. Maingat akong tumayo at dahan-dahan na naglakad para hindi maagaw ang atensyon nila.


Isang pag-singhap ang lumabas sa bibig ko nang may biglang humatak sa kamay ko. Napapikit ako ng idiin niya ako sa pader. Gusto kong imulat ang mata ko kaso mas napapikit ako ng mariin nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hininga na lang ang pagitan ng mga labi namin. Sinubukan kong magpumiglas pero mas hinapit niya lang ako papalapit sa kaniya.


"Stay." Napaka-husky ng boses niya na kapag narinig mo ay biglang manlalambot ang tuhod mo.


Iminulat ko ang mata ko, nagulat ako sa taong kaharap ko ngayon. "I-ikaw 'yung manyak kanina, 'di ba?" tanong ko sa kaniya. "A-anong ginagawa mo?"


"I don't know the reason why men in black are haunting you but you owe me one for helping you."


Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang idampi ng tuluyan sa akin ang labi niya. Naramdaman ko pa ang unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya na siyang nagbigay sa akin ng kung anong pakiramdam. Akala ko ay kalakohan lang 'yung butterflies na sinasabi nila pero hindi pala.

Ito ba 'yung tinatawag nilang first kiss?


"Quits na tayo."


Lumayo na siya ng tuluyan sa akin at naglakad palayo. Nanatili akong gulat na nakatayo habang nakatingin sa likod niyang papalayo.


I dont know what will happen next but I'm sure that he can help me.


***

Vote and comment guys! :))

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon