chapter 8

12 6 0
                                    


8




"Air, nasaan na pala ang magulang mo?" Tanong ko sa kaniya ng pagbuksan niya ako ng pinto sa kaniyang kotse.



Maaga niya akong ginising dahil may pupuntahan daw kami. Na-excite naman ako dahil lalabas na naman ako ng kasama siya.



Napatigil siya sa kaniyang kinatatayuan at tumingin sa akin. "They're gone now."



Napaawang ang labi ko sa kaniyang sinabi. "Patay na sila?" paninigurado ko sa narinig. "Bakit?"



"Anong bakit?" tanong niya at tinulungan akong suotin ang seatbelt.



"Bakit sila namatay?" pag-uulit ko sa tanong.



Napatingin ako kay Air na nakatingin lang sa harapan ng kotse. Lumingon lang siya sa akin at tipid na ngumiti, hindi sinagot ang tanong ko.



"Matulog ka muna habang nasa byahe tayo medyo malayo layo 'yung pupuntahan natin." Tumango ako sa kaniya at tumingin sa labas ng kotse.


Siguro ayaw niyang pag-usapan ang nangyari sa magulang niya.

****




Naalimpungatan ako dahil naramdaman ko na tumigil ang sasakyan. Minulat ko ang mata ko at tumingin sa labas ng kotse. Nakunot ang noo ng makita ang kulay puting malaking bahay, halos kasing laki na rin ito ng mansion namin. Halatang walang tao sa bahay na iyon dahil sobrang tahimik ng lugar at patay din ang lahat ng ilaw.



"We're here," nakangiting sabi ni Air sa akin.




"Nasaan tayo?" nagtataka kong tanong.




"My parents house," tipid niyang sagot at lumabas na sa loob ng kotse. Sumunod ako sa kaniya palabas at tumabi sa kaniya. "Pamana sa akin nila Mommy and Daddy ang bahay na ito," he whispered.



Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay or should I say mansion. May matandang lalaki na sumalubong sa amin, siya si Mang Andoy. Siya ang care taker ng mansion nila Air, at matagal na rin siyang nagsisilbi sa mga Castro.



"The second princess of Hervania Trinah Heather Constantine has found out missing for four days. Until now the palace has no trace for abduction. There are some humors that the princess might intentionally run away from her mansion."



Agad na pinatay ni Air ang T.V. at tumingin sa akin. "Air..."



"You need to go back," hinawakan niya ang kamay ko na lalong nagpatindi sa kagustuhan na manatili na lang dito kasama siya.



Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang nanararadaman na namuo sa loob ko. "Paano kung hindi na tayo magkita?" Umiwas ako ng tingin.




Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. Paano kung hindi na kami magkita? Paano kung hindi na muli kami magkakasama? Paano kung ilayo ako nila Lolo sa kaniya?




"Paano kaya kung..." Nabalik ang tingin ko sa kaniya ng magsalita siya.



Nagtaka ako dahil hindi niya tinapos ang sasabihin niya. "Kung?" tanong ko, naguguluhan.




"Kung anakan kita?" nakangisi niyang sagot. Hinampas ko 'yung braso niya kaya mahina siyang natawa.




"Seryoso ako, Air! Paano kung hindi na tayo magkita? Siguradong ipapadala nila ako pabalik sa Hervania."



"And I'm serious too, love." Seryoso nga 'yung mukha niya habang sinasabi 'yon. Kaya tinampal ko 'yung bibig niya. Umangat ang kilay niya sa ginawa ko.




"Air naman, eh!" Napapadyak ako sa inis. "Gusto kitang makasama habang buhay!"



Seryoso ako na gusto ko siyang makasama pero parang siya ayaw naman! Tumayo na ako at iniwan siyang mag-isa sa sala. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at patagilid na humiga sa kama.



Paano kung bukas ay wala na ako rito?



"Hey!" Humiga siya sa tabi ko at niyakap 'yung bewang ko. Ipinatong niya 'yung mukha niya sa balikat ko kaya ramdam ko 'yung init ng paghinga niya.



"I'm sorry," bulong niya.



Bumuntong hininga ako, "O-okay lang."


"You are the only woman who taught me how to be serious, baby."



Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa narinig. Ayan na naman 'yung puso ko na ayaw tumigil sa sobrang bilis ng tibok.



"I love you in every way." Mas humigpit 'yung pagkakayapos niya sa bewang ko, "I can't let you go easily."




"Air..." kinagat ko ang ibabang labi. "I-ikaw 'yung unang nag-i love you sa akin."




Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa buong buhay ko ngayon lang may lalaking nagsabi kung gaano niya ako kamahal.




"I already love you when the 8.2 second start to count since we meet that night."




***

pabilisan ma-inlove pero kalaban mo si hangin. >.<

vote and comment guys! :))

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon