epilogue

11 8 2
                                    


Epilogue





Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagsusulat sa diary ko. Hindi ko nga namalayan na nakakasampung page na pala ako!



"Mommy, si Daddy po may kausap na babae."




Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin ni Air ng magsalita ang anak namin. Nakasimangot siya habang nakahalukipkip na nakatayo sa pinto.




"Talaga, baby?" Nakakunot noo kong tanong sa kaniya. "Sige, yari si daddy sa atin mamaya."




Six years old na si Amure at six years na rin kaming kasal ni Air. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisulat ang storya naming dalawa.




Napakatagal na pero bawat detalye nasa memorya ko pa rin. Kung paano niya hiningi ang kamay ko kay Lolo at sa pamilya ko, at kung paano niya walang pakundangan na sinabing aanakan niya raw ako, ang kapal lang ng mukha.




Napasimangot agad ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto. Naamoy ko rin ang pabango niya kaya mas lalo akong nainis.




"Nagsumbong na naman si Amure, 'no?" rinig kong tanong niya.




"Tigilan mo 'ko babaero!" naiinis na sabi ko.




"Ikaw lang babae ko..." Hinampas ko 'yung braso niya dahil sa biglaang pang yayakap niya. "Si Mrs. Gozon ang kausap ko kanina..."



Napabuntong hininga ako ng makilala ang kausap niya kanina, si Tita Geina lang pala.



"You will always be my queen and Amure as my princess."




I may not be the queen of Hervania but for him I am more than just a queen with a crown.




I smiled as I closed my diary.








END


The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon