chapter 10

9 6 0
                                    


10



Eight months later...




"Walang hiya ka talagang lalaki ka ang sabi ko sa 'yo bunga ng aratilis hindi cherry!"




Sigaw ko habang salo salo ang tiyan ko, tumingin ako sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Binato ko sa mukha niya 'yung cherry na dala niya.




"Aray! Pati ibon aagawan mo ng pagkain," pagdadahilan niya.




Nainis ako sa sinabi niya. "Buntis buntisin mo ako tapos hindi mo kayang alagaan!"



Napagod na 'ko kakatayo kaya naupo ako sa sofa. Tumabi naman siya sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.



"Let's break up."



Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na maririnig ko ang salita na 'yan galing sa kaniya. Paano na kami ng anak namin kung iiwan niya na ako?



"A-ano, Air?" pag-uulit kong tanong sa sinabi niya. Baka mali lang ang pagkakarinig ko.



Tumingin siya sa akin at ibinaba ang tingin sa tiyan ko. "Masyado ka nang moody, hindi ko na matitiis ang ugali mo. Lagi kang masungit kaya hahanap na lang ako ng iba, 'yung hindi ako susungitan. Pagod na rin akong maglaba ng underwear mo araw-araw."



Sunod sunod na tumulo ang luha sa mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Hinimas ko ang tiyan ko saka napahagulgol.



"Hahahahaha syempre joke lang!" natatawa niyang sabi. Niyakap niya ako sa bewang kaya sinapak ko siya.



"Yan ang napapala mo!" naiinis na sabi ko sa kaniya at pinaghahampas ang dibdib niya.




"Sorry na, wife." Hinalikan niya ako sa labi kaya tumigil ako sa pag-iyak. "I love you."



****


"Anong gusto mong lutuin ko, wife?" Tanong ni Air bago hinalikan ako sa labi, umupo siya para pumantay sa tiyan ko. "And for my baby, hmm?"



"I want tinola, hubby!" I giggled before I pinched his cheeks. Natatawa siyang tumayo sa harapan ko.



He nodded. "Okay, okay, tinola, sige." Naglakad na siya papunta sa kusina.



"Hubby, pwede bang sinigang na lang?" nakangiti kong tanong sa kaniya.



Sumilip siya sa pinto at ngumiti sa akin. "Okay, baby."




"Air! Manganganak na yata ako!" nakangiwi kong sigaw habang hawak hawak ang tiyan ko.



Nagmamadali pumasok ang asawa ko sa loob ng kwarto namin. Mukhang nagulat siya sa sigaw ko o sa sinabi ko? "Manganganak ka na?"



"Oo! Leche! A-ang sakit na, Air!" nahihirapan kong sigaw. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Naghalo halo kasi ang sakit, kirot, at saya dahil makikita na namin ang anghel namin. "Lalabas na yata-"



Agad niya akong binuhat at naglakad palabas sa kwarto.



"Peste ka, Air! Ayoko ng mabuntis! Ang sakit!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero parang wala siyang naririnig! Ilang beses ko na nga siyang nasabunutan dahil sa sakit na nararamdaman ko.



"Sorry, my wife," bulong niya. "Kapit ka lang, lalabas na si baby-"



"Air, bwisit ka, huli na talaga 'tong baby-" napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita 'yung doktora.



"Misis, ang dami nang nagsabi ng ganan habang nanganganak kaso 'di naman totoo, scam 'yan salitang 'yan!"


Nagtawanan 'yung tao dito sa loob ng delivery room.



"Ah, basta ayaw ko na talaga!" sigaw ko. Napa-iri ako ng malakas ng makalabas na ang bata na nasa loob ng tiyan ko. Napangiti ako ng marinig ang iyak ng baby namin ni Air.






***

first time ko magsulat ng may ganitong eksena kaya sana pag pasensyahan niyo na kung korni or what haha! thank you!

vote and comment guys! :))

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon