chapter 9

10 7 0
                                    


9




Matinding kaba ang nararamdaman ko ngayon ng makarating kami sa tapat ng napalaki at mataas na gate ng palasyo.




"Air, paano kung.. lumayo na lang tayo?" tanong ko dahil alam ko kung anong ugali ang meron sila Lolo.




"No, honey. We won't do that," he hold my hand and smiled.




"Ehem, respeto naman sa single!"




Mabilis na napabitaw ako sa hawak ni Air ng magsalita ang kaibigan niyang si Dos. Oo, may iba kaming kasama ngayon. Isinama siya ni Air dahil kaibigan niya raw si Dos. Galing nang dahilan niya, di ba?




Lumingon si Air sa kaibigan niya at binigyan si Dos ng matalim na tingin. "Panira ka talaga, bobo."




Naglakad ako papalapit sa tapat ng mansion at pinindot ang doorbell. Mayamaya bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mga lalaking naka itim sila ang mga bodyguards ni Lolo. Sila 'yung humahabol sa akin noon ng makaalis ako sa mansyon.




"Princess Heather.." Gulat silang nakatingin sa akin na para bang nakakita ng multo.




Ngumiti ako sa kanila at naglakad papasok sa mansion. Sumunod naman sa akin ang dalawa habang ang dalawang bodyguards ay nauna ng maglakad para ihatid kami patungo sa tapat ng pintuan. Nang makarating kami sa malaking pintuan ng mansion pinagbuksan kami ng kasama naming bodyguards.




Napatingin sa amin ang lahat ng tao sa loob maging ang dalawang tao na nakaupo sa trono. Tumigil ang tingin nila sa akin at napatayo dahil sa gulat.




"Princess Heather..."




"Andito na po ang prinsesa, King Baldy," Yumuko ang dalawang guards at naglakad papunta sa gilid para padaanin kami papasok.




"Lolo.. Lola..." Hindi pa ako nakakarating sa harapan nila ng may babaeng yumakap sa akin. Napakagat ako sa labi ng marinig ang pag-iyak niya. "Ate Sabrina..."




"Nakakainis ka! Iniwan mo ako dito sa mansion! Akala ko tuluyan ka ng lumayo sa amin!" umiiyak niyang sabi ramdam ko ang kamay niya na nakayakap sa bewang ko ay nanginginig.




Napangiti ako sa sinabi niya. "Ate, sorry kung umalis ako..." Humarap siya sa akin, mas lalo lang lumakas ang pag-iyak niya ng makita ang ngiti sa labi ko.




"Saan ka ba pumunta-" Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa likuran ko. "Sino 'yang kasama mo? Lalaki mo?"




Natawa ako ng mahina sa kaniyang sinabi. "Hindi, ate."





"Edi ano pala?" nagtatakang tanong niya.




"Yung lalaking tinititigan mo, siya si Dos."




Lumingon sa akin si Ate Sab. "Anong tinititigan? Ang pangit naman," bulong niya.




"Weh?" natatawa kong tanong. "Yung isa naman, siya si Air, minamahal ko."




Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Totoo?! Hala! Ang gwapo, sis-"




"Mga anak mamaya na kayo magkwentuhan diyan." Napatigil kami sa pag-uusap ng may magsalita sa harapan. Tinaasan kami ng kilay ni Mama. Nilibot ko ang tingin, doon ako natauhan ng makita ang tingin ng mga taong nasa loob ng mansion.




"Opa, Oma, Mama and Papa, es tut mir leid, diese Villa zu verlassen. Ich bin so glücklich, dass ich hier abreisen möchte, um die Dinge zu erleben, die ich tun möchte. " nakayuko kong sabi.




Tumayo si Lolo sa pagkakaupo niya at naglakad papalapit sa akin. Akala ko magagalit siya ngunit ngumiti lang siya.




"Ang dami naming ginawa para mahanap ka, at dahil sa magaling kang magtago, hindi ka namin makita kahit saan," natatawa niyang sabi sa akin. Natawa ang ibang tao na nasa loob ng mansion.




"Lolo..." Inilagay niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko at umiling.




"May hindi tayo napag-usapan, apo. May hindi ka naintindihan sa mga narinig mo noon." Napaawang ang labi ko ng marinig 'yon. "Apo, ikaw ang kokoronahan ngayon bilang isang Reyna ng Hervania-"




Napatigil si Lolo sa pagsasalita, pati ako ay natigilan din nang marinig ang boses ni Air.




"Bumalik po si Heather dito sa palasyo para sabihin na ikakasal na siya sa akin."




Napanganga ako sa narinig. "Lolo, ano po-"




"Buntis po si Heather at ako ang ama ng dinadala niya," taas-noong sabi ni Air. "Ako po si Air Castro."




Napatingin ako kay Lolo ng marinig ko siyang tumawa. "Er ist sehr unkompliziert, Heather. Ist er der Mann, der dein Herz höher schlagen lässt?"



(Translation: Napaka diretso niya naman magsalita, Heather. Siya ba ang lalaking nagpapatibok sa iyong puso?)





Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Lolo. "Opa, er ist Air. Er ist der Mann, der mich gelehrt hat zu lieben, von ihm habe ich auch gelernt zu lieben, Opa." nakangiti kong sabi at lumingon kay Air.

(Lolo, siya po pala si Air. Siya yung lalaking nagturo sa akin magmahal, sa kaniya ko rin natutunan kung paano magmahal, Lolo.)




Binigyan ko siya ng ngiti ngunit nginisian lang ako ng lalaki.



***

Vote and comment guys! :))

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon