CHAPTER 3
Nakita ko siya sa MM Garden. Ayun, nakaupo sa ilalim ng puno. Ano akala niya? May music video siyang ginagawa? May paiyak iyak effect pa! Aish! Pero.. nagui-guilty pa din ako. Lumapit ako sa kaniya, pero hindi ko na inisip yung nangyari. Basta makapag sorry lang ako sa sinabi ko kanina. Alam ko naman nasaktan ko siya dun eh.
"Uh? Hey." sabi ko.
Tumingala siya. Grabe, ano ba ginawa ko? Namumugto yung mata niya. Magang maga kakaiyak! Ang OA naman nya.
"A-ano ginagawa mo dito?" tanong niya sakin.
Ts. Ang ayos ng approach ko sakaniya, tas ganun lang tanong nya? Hindi man lang ba siya mag-HI or HELLO? Angas netong babaeng to ah!
"Na-nakita kasi kita. Ha-ha-ha." Tangina. Nauutal ako. Bwisit.
"Otapos?"
"Uh, galing akong restroom :) Ha-ha."
"Doon ka nanaman galing? Ano ba ginagawa mo sa CR?"
Woooah. Oo nga no?! Tangina. Pahiya ako ah? Teka, ano ba nasa isip nya?!
"Eh- a-akala ko kasi-"
"Sabihin mo na kung ano kailangan mo. Magsosorry ka lang naman diba?"
Aba? Tae na yan! Mind reader ba siya? Bat alam niya?
"Ay, eh kasi.. sorry." tangina. Okay na yan! Sincere naman eh! HAHA!
"Sige. Okay lang." sabi niya.. mabait naman pala siya kahit papaano. Siguro mali lang impresyon ko sa kaniya nung una.
"Uh, Kevin nga pala :)" Nagpakilala ako sabay ngiti. OY MINSAN LANG AKO NGUMITI SA BABAE! Tas sabay..
"Ano naman?" sagot niya, tama ba yun!?
"Bat ba tuwing nagpapakilala ako, sinusungitan mo ko?! Ano ba problema mo?!"
"S-sorry."
"Okay."
Tumayo na ako. Nabwisit ako! Nakikipag ayos na nga tas tangina. Swerte niya nga kinakausap ko siya! :/ Sa dinami daming babaeng gustong kausapin ko sila. Ts. Pero bigla siyang nagsalita.
"Jennifer. Jen for short."
Huminto ako. Lumingon ako. Wth? Nakangiti siya sakin?! -___- Tae. Ang weeeeird nya! Creepy >.< Lumapit ako sakaniya. Sabay sabing, "Magpapakilala ka din naman pala. Dami mo pang arte!" tapos sabay tumawa siya. Hayst. Mga babae talaga! Hindi ko sila maintindihan. Iyak tawa tong babaeng to. At sabay ko ng inabot yung panyo niya na nahulog kanina na naging simula ng lahat kaya nasira araw ko. Aish! :/
"Oh! Panyo mo! Punasan mo luha mo! Iiyak ka tas tatawa. Baliw ka na. Dapat hindi dito sa school punta mo, dapat sa mental hospital!" sabi ko.
"Ba-bakit ka ba kasi nandito? Ano ginagawa mo dito? At ba-bakit na sayo tong panyo ko? *Huk*" tanong niya sakin.
"Hindi na mahalaga kung bakit ako nandito. Naalala mo kanina? Tinawag kita. ibibigay ko sana sayo yan pero nagalit ka sakin, nakakatakot ka nga eh." patawa kong sinabi sakaniya..
"Ha? So-sorry ulit kanina. akala ko-.. Madami lang talaga akong iniisip.. Salamat ulit. " sabi niya sakin.. hindi ko alam pero may dinadamdam siya.
"Bakit ka umiiyak? I mean, pwede mo ko share-an ng problema mo.."
Nagulat din ako sa sinabi ko. Ano ba pekalam ko dito sa babaeng to! Aish! Pero tumingala siya tapos tumingin siya sakin. Ang ganda ng mata niya. Teka, AKO BA TO? Erase, erase, erase!!
Tumayo siya sa inuupuan niya at bigla niya akong..
NIYAKAP.
Nagulat ako, hindi ko alam gagawin ko.. Parang may glue na may halong rugby, mightybond, superglue, at kahit anong pandikit na pinaghalo halo kaya hindi ko magalaw mga binti ko. Nangangatog ako. Ewan ko. Natatakot ata ako, na naawa na kabado! Aish!! I hate this feeling!! Hindi ko alam kung magsasalita ako, hindi ko din kasi alam sasabihin ko!! ANO BA TO!!
"Ke- *huk* kevin.." sabi niya..
Lalo nangangatog tuhod ko, wala akong masabi. Tinap ko likod nya, walang malisyo to! Grabe kayo! Kailangan nya lang ng comfort! Ts.
"Ba-bakit? Bakit ka ba umiiyak?" tinanong ko siya..
Bigla siyang kumalas sa pagkayakap. "So-sorry ha. Nabigla ka ba? Ha-ha-ha. Mukhang natatakot ka sakin. Weird ko ba? Sorry. Kailangan ko lang kasi ng kaibigan.. hindi ko na kasi mapigilan.." sabi niya sakin..
Sinubukan ko siyang patahanin, kaya sinamahan ko muna. Pero tangina. NAG CUTTING AKO, FIRST DAY NA FIRST DAY! Pero, ang mahalaga samahan ko muna tong clumsy girl na to! Pinatawa ko siya, binilhan ko siya ng ice cream sa canteen, nilibang ko siya. Hayy salamat. epektibo yung ginawa ko. tumigil siya sa pag-iyak.
"Okay ka na ba?"
"Oo naman. Masyado ka naman concern sakin."
"Eh kasi! Nakakatakot ka kanina. Kitang nag-away tayo tas bigla mo kong yayakapin."
"Hahahahaha. Sorry na :) Oo na. Ako na weird at nakakatakot! :)"
Okay naman pala siya eh. Mas okay siya kung nakangiti, mas maganda siya pag nakangiti at hindi namomroblema >//< Tangina. Ang landi ko. HAHA!
"Friends?" sabi niya..
Huminto ako.
Sabay sabi kong.. " Ayoko."
Kumunot ulo nya. HAHAHAHAHAHAHA! Ang cute cute nya =)))
"Joke lang. Ge. Friends :)"
Pero sa sandaling yon kanina.. hindi ko siya naintindihan. Wala akong ideya kung bakit niya ako niyakap at iniyakan. Parang may pinanghuhugutan talaga siya. Pero.. wala akong ideya kung bakit. Sino ba naman kasi ako? Kakakilala lang kaya namin! Ngayong araw lang din! Ts. Madami pa ako gustong malaman sakaniya. Iisa lang masasabi ko, 'She's interesting'.
Tinanong ko siya ng tinanong pero paulit ulit pa din niyang sinasabing..
"Wala yun"