CHAPTER 11
Lumipas na ang dalawang buwan, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Halos araw araw ko siyang hinahatid pauwi.
Halos walang buwan na ang nakakalipas nung nahulog ni Jen ang panyo nya.. nakakatuwang isipin :">
Yung mga araw na kasama ko siya, naalala ko.. nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap si Jen ng masinsinan.
"Jen."
"Ano?"
"Uh, nabanggit mo saken na hindi ka pa nagkakaboyfriend. Bakit? I mean, nasa tamang edad ka naman. Ano ba gusto mo sa isang lalaki?"
"Bakit mo naman natanong yan? HAHAHA."
"Wala lang.."
"Wala lang din, ayoko lang. Hindi siguro pinagkaloob sa akin ni Bro ang magkaroon ng magandang relasyon sa isang lalaki. Balak ata sakin ni Bro, mag madre ako. HAHAHA. Pero gusto ko yung hindi ako iiwan kahit mawala ako."
"Hindi ka iiwan? Kahit mawala ka?"
"Oo."
Tinignan nya ako.. nakita ko yung mata nya. SHET. Ang swerte ko. :">
"Oh? Bakit?" sabi nya.
"Walawala. Iuwi na kta, gabi na."
"Iuwi? Saan?"
"Baka sa bahay namin Jen? Saan ka ba nakatira? Edi dun kita ihahatid."
"Ay sorry. HAHAHAHAHA. Oo. Sige."
"HAHAHAHAHA"
"Kev, salamat ha."
"Salamat saan?"
"Sa lahat :">"
"Sus. Ikaw pa, wala yon."
Linggo na nung pumunta ako kila Jen, para imbitahan sana siya pumunta sa mall . . . pero aalis daw si Jen sabi ng katulong nila ng biglang . . .
"Mr. Javier?"
O.O
Sino yung tumawag sakin? :O
Daddy ni Jen?? Kinakabahan akooooooo.
"Opo."
"Gusto kitang makausap.. pasok ka muna."
"Po? Sige po, sa salamat ho."
Kinakabahan ako.. baka alam nanya tungkol sa nararamdaman ko sa anak niya.. pero pag kakatao n ko na to para huimigi ng pahintulot na ligawan si Jen pero alam ko hindi papayag papa niya..
PERO KAILANGAN KONG SUBUKAN.