CHAPTER 5
Gabi na nung pauwi kami ng tropa..
Sila Jeff.. Henry.. Baj.. at Nicholas.
Galing kasi kami sa school, deretso sa bahay nila Mon dahil birthday ng kapatid niya..
"Tol, ganda ni Riza no?" sabi ni Baj.
"Gago ka. Sumbong kita kay Mon, para hindi ka na magising." sabi ni Jeff.
"Protective brother masyado yuneh." sabi ni Henry.
"Joke lang naman eh. -____- " sabi ni Baj..
Nakatahimik lang ako habang naglalakad.. iniisip ko si Jen..
I love seeing her smile each day.
Alam mo yung, sa isang ngiti niya lang eh napapangiti na rin ako?
Tinitingnan ko lang siya, sumasaya na ako.
Yung parang may mahikang taglay sa bawat ngiti niya.
Seriously? She has the sweetest smile I've ever seen.
"Kevin? Bakit ang tahimik mo? Madami ka atang iniisip ah?" sabi ni Nicholas.
"Bakit? Madami ba si Jen? HAHAHAHAHAHAHAH. " sabi ni Baj.
"Nakakatakot yun no? Pero ang ganda niya.. tapos matalino pa." sabi naman ni Henry
"Lagot ka oyy! Vin oh!" sabi ni Baj
"Hala? Bakit? Pinuri ko lang naman ah! Wala naman ibig sabihin yun. Gago to. -___-" sabi ni Henry.
Sabay tawanan sila..
Patuloy lang silang nagtuksuhan at nakikinig lang ako sa daldalan nila..
at biglang..
"Tol, speaking of Jen.. si Jen ba yun? Yung kasama nung anim na lalaki?!" tanong ni Jeff.
Bigla akong nabuhayan ng diwa.. pero may kasamang anim na lalaki? Bakit?
Tiningnan ko agad kung si Jen nga ba yung tinuro ni Jeff..
si Jen nga!
"O____________________________O A-anong ginagawa niya dito? Gabi na ah!"
"Shh. Tol, wag kayong maingay.." sabi ni Jeff..
Pinakinggan namin yung usapan nila..
"Sige na kasi Miss, number mo lang.." sabi nung lalaki.
"Damot mo naman, parang number lang.. " sabi nung isa pang lalaki.
"Mga pare, pinagdadamutan tayo oh. Kiss nalang. >:))))))" sabi ng isa pa nilang kasama.
"Sige sige, gusto ko yan." sabi ng isang lalaki.
"Lumayo kayo sakin. Tulooooooooooooooong! TULOOOOONG!" sabi ni Jen habang lumuluha..
Sumigaw na si Jen.. at umiiyak na siya sa takot..
Maya maya.. lumapit na din kami..
"Ako na lang hingan niyo ng number mga papa =))))" sabi ni Baj
"O kaya ako na lang i-kiss niyo." sabi ni Henry
"Mga pare, wala naman ginagawa sa inyo yung tao, bitawan niyo na." sabi ni Jeff
"Itigil niyo na yan." Sabi ni Nicholas.
Hindi ako nagsalita..
Nakatingin sakin ang mga mata ni Jen..
Yung tipong nanghihingi ng tulong.. nahihirapan.. umiiyak..
Hindi na ako nakapagpigil..
Sinimulan ko na ang pagsuntok at pagsipa sa dalawang lalaki at sumunod na sila Baj, Henry, Jeff at Nicholas sa pagsuntok at pag sipa sa ibang kasamahan..
Maya maya, nagtakbuhan na rin yung anim na lalaki dahil napuruhan namin sila sa sikmura at sa iba pa.
Nagdugo ang bandang kaliwa ng labi ko..
Sila Jeff at Henry naman sa pisngi..
Si Baj naman yung braso..
at si Nicholas naman sa bandang sikmura..
Pero.. hindi ko na inisip ang sarili ko.. inaalala ko si Jen..
Hinanap ko si Jen, nakita ko siya sa gilid..
Nilapitan ko siya..
Bigla niya nanaman akong niyakap at umiyak..
"Salamat *huk* Kevin.. Akala ko *huk* hindi na ako *huk* makakauwi ng ligtas. :'((( " sabi niya..
"Tara na Kevin! " sabi ni Jeff.
"Mauna na kayo, ihahatid ko lang si Jen." sigaw ko sa kanila..
"Ha? *huk* Wag na. Kaya ko na. *huk*" sabi niya..
"Sira ka ba? Delikado.. paano kung balikan ka ng mga tarantadong yun?!" sigaw ko sakaniya.
"Ikaw bahala, Vin. Mauna na kami. " sabi sa akin ni Jeff.
Mas maganda ng umuwi ng may dugo sa bibig, basta kasama siya♥