CHAPTER 9
Kinabukasan, pagkagising ko ng umaga, nasa isip ko pa din yung narinig ko kagabi habang kausap si Jen. Hanggang pagpasok ko sa school, nag-eecho pa din yung sinabi niya.
Nang may humarang saking mga lalaki.. yung mga lalaking nakaaway ng tropa kagabi.
"Long time no see, bro"
"Speaking of the Devil.."
"Scared?"
Yan yung mga sinabi nila.. at bigla na lang akong pinagsususuntok, at pinagsisisipa..
Hindi na ako lumaban dahil..
Naalala ko yung sinabi ni Jen..
Naalala niyo ba?
-___________-
Sabi niya, hwag na akong makikipag away.
Baka magalit siya sakin..
Pagkadilat ko..
Puro puti na nakikita ko..
Nasa langit na ata ako.
May nakita pa akong isang anghel sa gilid ko..
Je-jen? Bakit nandito siya? Patay na din ba siya?
HAHAHAHAHAHAHAHA.
Joke lang.
Bakit nandito siya? Dapat nasa school siya. Dapat si papa ang nandito..
Umiiyak siya..
NANAMAN -____________-
May sinasabi siya pero hindi ko marinig ng maayos..
nakatakip kasi tong bwisit na bandage na to sa tenga ko..
BADTRIP.
Nakayuko siya sa higaan ko habang umiiyak..
at nakahawak siya sa kamay ko.. :">
Gusto kong nang ibuka ang bibig ko pero ang hapdi..
parang may sugat sa ibaba na ewan..
"Jen?" sabi ko.
Tumingala siya habang pinupunasan ang luha niya.. ayoko siyang nakikitang ganun.. gusto ko na tuloy umalis sa ospital na to..pero di ko pa kayang tumayo.. For sure mag-aalala lang si Jen pag tumayo ako, kasi alam kong matutumba ako, kasi hindi ko pa talaga kaya. Nanghihina mga tuhod at nanakit ang mga braso ko. Pero, maraming nahihirapan.. ayokong manatiling ganito..
"KEVIIIIN. *huk* Bat ganyan kaaa? Ano ba ginagawa mo sa buhay mo?"
Nagulat ako..
"Ba-bakit? Ano ba ginawa ko?" .. wala akong masabi..
"Bat ang gago mo? *huk* Bakit mo hinayaan sarili mo na mabugbog at masaktan?"
"Hindi ko trip mambugbog kaninng umaga e."
"O____O *huk* "
"Jen, ayokong nakikita kang nagkakaganyan. Wag kang umiyak. :/ Kalma ka lang."
"ANO?! WAG AKONG UMIYAK? Nagbibiro ka ba?! Halos mag agaw buhay ka na, tas sasabihin mong kumalma lang ako?!!"
Aaaaaaaat, nagsisimula nanaman siyang sumigaw. :/ Alam ko na susunod nito. HAHAHA
.
"Uyy, wag kang sumigaw. Parang nasa kabilang kwarto kausap mo. Pero, aminiiin. Concern siya oh. HAHAHAHAHAHAHAHA."
"Gusto mo mamatay ng tuluyan?"
"To naman, joke lang. HAHAHA."
Ang sarap ng feeling na hindi man niya aminin sayo na concern sya, pero pinaparamdam niya sayo na espesyal at importante ako sakaniya. :">
Naalala ko yung sinabi nya kagabi.. pero nahihiya ako tanungin sa kaniya tungkol sa sinabi nya.
"I like you too.."
"I like you too.."
"I like you too.."
Nag eecho pa din sa tenga ko. Pero paano ko malalaman ang totoong nararamdaman ni Jen kung hindi ko tatanungin? Hmp. KALMA LAAAAAAAAAAAANG KEVIN. Kaya mo yan. :/ HAHAHA. Tatanungin ko na siya..
*inhale.. exhale..*
"Jen?"
"ANO?!"
"Bat galit ka. :/ May tatanong lang eh."
"ANO NGA YON!?"
"Wag ka sumigaw."
"Tanong ba yan?"
"Pilosopo to. :/"
"Joke lang kase. Ano ba yung tatanong mo?"
"Ts. Yung kaga-"
Hindi ko natuloy nang biglang..
*TO BE CONTINUED*