Chapter 7

1.7K 55 9
                                    




Seven.

My heart thumps violently inside of my chest when I met my sister's gaze. Her eyes are making me nervous from my seat because she keeps on glancing on my side. Ang tunog ng kan'yang mga kubyertos ay umaalingawngaw sa bawat subo niya ng kan'yang pagkain. Mabigat at malalim ang aking paghinga. I can't even chew my food properly because of her stares! 

"Kumusta ang pag-aaral mo, Elaine?" Mahinahong tanong sa kan'ya ni Papa.

All of us were holding our breath. Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag nandito si Papa. Mas mabigat, mas madilim, at parang mas nakakatakot. Mama is afraid of him, too, even if he is her husband. She can't even talk, afraid that Papa might scold her, that's why she kept her mouth shut and continued eating her own food without making any noise.

Elaine took a deep breath before answering. "Ayos lang naman po, Pa," she can't look straightly into my Father's eyes.

Napaayos ako ng upo. Father never questioned me about my studies. Noon pa lang, alam nilang wala na silang aasahan sa akin at tinatak na nila 'yon sa kanilang isipan. Somehow, it's better to be in that kind of position. No expectations, no disappointments, and no pressure.

Nakuha ko pang tumingin muli kay Elaine na halos hindi mapakali sa kan'yang kinauupuan habang kumakain. If you are observant, you'd notice that Elaine is not in her usual self today. Tuliro, nangangamba, at animo'y ano mang oras ay hihimatayin siya.

"H'wag kang gagaya rito kay Elvira. Sapat na sa kan'ya 'yong average. You should always aim for more!" Father stared at me blankly.

Napangiwi ako sa kan'yang tinuran. Hindi naman masama 'yong maging average. Hindi ka kulang at hindi ka rin sobra. Nasa tamang linya ka lang, kumbaga– balanse lang ang lahat. I don't get it why people wants to achieve more, kung bakit hindi sila makuntento. I don't really get it– dahil sa totoo lang, mas maayos 'yong relaxed ka lang, mentally stable, hindi nape-pressure kaysa sa nakikipagkumpitensya ka.

"At least I'm happy, Papa," hindi ko na napigilang sumabat.

Father's lips parted in disbelief. "What? You're happy in what? Masaya ka na gan'yan ka lang? Kuntento ka na sa gan'yan? Ano'ng masaya sa pagiging boba?"

"Nasa hapag-kainan tayo, Emer. Hindi mo dapat pinagsasabihan ng gan'yan ang bata..." Mother interfered, halos hindi ako makapaniwala nang sumali siya sa usapan.

"Bihira ko na lang siya makita kaya dapat pinagsasabihan ko siya rito."

It's because you can't even check your own daughter. You're always busy looking for Elaine... dahil siya lang naman ang itinuturing na anak, 'di ba? Kung hindi dahil kay Lolo't lola, hindi niyo naman ako dapat gagastusan, 'di ba?

This is fuck up. Sa totoo lang, wala na akong pakialam kung ganito ang trato nila sa akin. If they can't treat me right, then so be it. Their actions reflect their personality. Hindi naman ako 'yong masama 'yong ugali kaya dapat hindi ko na pinoproblema 'yong gano'ng bagay.

"Elvira," Elaine called me when Mother and Father left us alone in breakfast area.

Tumigil ako sa pagliligpit at nag-angat ng tingin sa kan'ya. She's staring at me blankly. Napanguso ako. I thought she's leaving?

"Bakit?" I answered.

She walks slowly towards me. Napaatras ako nang kaunti dahil sa gulat. Kumurba sa linya ang kan'yang mga labi habang unti-unting inaabot ang aking distansya.

"Akala mo hindi ko alam na lagi kang nasa school namin?" She spoke using her cold tone.

I froze in my position. I breathe deeply. Iba ang dala ng kan'yang mga titig sa akin. Para bang galit na galit ito ngunit pilit niyang itinatago upang hindi ako magtaka kung bakit gano'n ang kan'yang nararamdaman. She looked away when she met my gaze my again. Nakakuyom ang kan'yang mga kamao na labis kong ikinagulat dahil hindi ko maintindihan kung bakit... bakit gan'yan na lamang kagalit ang kan'yang nararamdaman para sa akin.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon