Chapter 10

1.7K 57 5
                                    




Ten.

J.K. Rowling was right when she told that numbing the pain for a while will make it worse when you finally feel it. We, people, love to hide what we're feeling, especially if it is a pain. Ayaw kasi nating makagambala ng ibang tao kaya mas pinipili na lang natin itago sa ating sarili kung ano man ang ating pinagdadaanan, at minsan nagsisinungaling tayo sa sarili natin na ayos na tayo para ipakita sa kanila na hindi na tayo apektado.

We really like to show to other people that we're strong. Yeah, right, for people, showing your emotions to someone is a sign of being weak— but it's normal. Ayos lang na maging malungkot ka. Ayos lang na ilabas mo ang lahat ng 'yang dinaramdam mo... dahil hindi dapat natin kinakawawa ang sarili natin.

Please always be gentle to ourselves. We're precious. We are a gem.

Sinasaktan na tayo ng ibang tao, kaya huwag sana nating hayaang saktan din tayo ng sarili natin.

"Nag-review ka?" I asked my friend because I feel so nervous since I got here in our classroom.

"S'yempre..." She answered, whispering.

Nag-aral din naman ako pero hindi ako confident. Alam ko naman kasi kung hanggang saan ang makakaya ko. Alam ko rin kung ano ang abilidad ko. And being the Elvira Itzel Fonsesca, just an average student, gave me a mixed emotions. Lagi kong hinihiling sa lahat ng santo na kahit hindi na kagandahan, basta utak ang mayro'n ako.

Kaso ano'ng magagawa ko kung mayro'n ako no'n parehas?

Funny me, lifting myself up, even if I think of myself too low. Siguro, 'yon 'yong isa sa toxic trait ko. May mga pagkakataong gandang-ganda ako sa sarili ko. May mga pagkakataong gustong-gusto ko ang mindset ko, ngunit minsan dinadalaw rin ako ng pagkakataong mababa ang tingin ko sa sarili ko dahil sa epektong ibinigay ng mga taong nakaaligid sa akin.

The exams have started. Pilit kong inaalala ang lahat ng inaral ko noong nakaraang linggo at gabi. May mga iilan pa akong naririnig na nagbubulungan mula sa aking likod ngunit kahit ang paggalaw ng aking ulo ay mas'yado kong kinatatakutan. Hanggang sa matapos ang oras ng exam, hindi pa rin ako makahinga nang maluwag dahil sa matinding kaba.

"You look sick. You're pale. Ayos ka lang ba?" Margarette asked me worriedly when we're both done with the exam. I smiled and shook my head. Inayos ko ang mga gamit ko at inaya na siyang lumabas.

While walking, we were exchanging answers. Tinatanong ko sa kan'ya 'yong mga sagot niya roon sa mga questions na hindi ako sigurado sa naging sagot ko. Luckily, we have the same answer, then little by little, I'm starting to feel that my head is spinning. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang pagsikip nito.

Mahigpit akong napahawak sa kan'yang braso nang kumirot ang ulo ko. Parehas kaming natigil sa paglalakad nang maramdaman niya ang bigat ko. I asked for a support. Her eyes were filled with mixed emotions— but fear is very evident. Umiikot ang paningin ko at unti-unting kinakain ng panghihina ang buong katawan ko.

For a moment, I inhaled and I exhaled. Margarette is helping me to calm myself, until minutes later, everything went black.

Unti-unti kong naimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag ng ilaw na tumatama sa mata ko. Mabilis akong napabangon nang maaalala ko ang nangyari. I look around to check my surroundings. Namilog ang mga mata ko nang makita kong madilim na labas. What made my eyes widened more is I saw Zavion sitting on the hospital bed that is front of me. He's talking with Margarette who isn't aware that I've woken up already.

"Luh, gago, ano'ng nangyari sa akin?"

Agad na bumaling ang atensyon ng dalawa sa akin at natigil sila sa kanilang pag-uusap. Nataranta si Margarette sa kan'yang kinauupuan at mabilis akong dinaluhan. Zavion didn't move, he's just watching me. His eyes were saying something that I couldn't get. I tried to decipher what he's trying to say but I failed, so I look away and look at my friend instead.

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon