Chapter 8

1.7K 55 4
                                    




Eight.

The warm feeling that I've felt earlier fades the moment I look at his intense and dark eyes. I swallowed the lump in my throat and quickly reached for the glass of water, still trying to calm my heart. Kahit ano pa ang pagpapakalma ang gawin ko, walang magiging epekto 'yon kung kaharap ko si Zavion na kahit ang kaunting galaw ko ay kan'yang pinapanood.

Mabilis ang tibok ng aking puso. Ang kan'yang bawat titig ay nagbibigay kuryente sa aking buong sistema. I didn't know how I got here, why am I in front of him– eating lunch with him. Basta ang huling naaalala ko, I was walking in the quadrangle when a hand gripped my arm to stop me from walking, and there, I saw myself telling my order then now, I am eating again with Zavion.

"Stop staring..." I said in a low tone.

His face was distorted with disgust. Bahagyang tumaas ang kan'yang kilay at hindi niya inalis ang kan'yang tingin sa akin.

"Tinitingnan ko lang kung paano ka kumain. Hindi halatang gutom ka."

Humigpit ang hawak ko sa baso. Nanggigigil ko siyang hinarap at itinutok ko sa kan'ya ang tinidor. He was startled. Dahan-dahang nanlaki ang kan'yang mga mata ngunit maya't maya ay bigla siyang humalakhak.

"Just be thankful that I ate with you. Hindi mo ba kayang kumain nang mag-isa?"

He shook his head and chuckled. Binasa niya ang kan'yang pang-ibabang labi bago sumimsim sa kan'yang iniinom na kape. Humalumbaba siya para matingnan ako nang mabuti. Nagtaas ako ng kilay dahil sa pagtataka ngunit mabilis siyang umiling sa akin at umiwas ng tingin.

"Tapos na ang klase ko. Mamaya, may duty ulit ako sa hospital." He said softly. I raised my brow again. So what? "Kaya sinusulit ko 'yong oras na kasama ka. Magiging busy ako mamaya, e."

"You don't have to pay for my lunch just to have my time. Hindi ko binebenta ang oras ko," I crossed my arm over my chest.

"Hindi ko rin naman binibili ang oras mo." Nilapag niya ang kan'yang kape sa ibabaw ng mesa bago ako tapunan muli ng tingin. "I want to check if you're okay. Are you doing good lately? How are you? Are you fine?"

"Before checking someone, check yourself first," I said. "Minsan, mas kailangan pala natin kumustahin ang sarili natin."

Sa sobrang pag-iintindi natin sa ibang tao, nakakalimutan na nating tingnan ang sarili natin. Hindi natin alam na naiwawala na pala natin 'to. Mas mahirap 'yon. Mas mahirap kapag 'yong sarili na natin 'yong nawala... dahil sino ang nand'yan kapag umiiyak ka sa madaling araw?

Sarili mo, 'di ba?

"You know, I regret the most the time when I was so desperate to fix the things between me and Ambrielle, and little by little, I'm slowly losing myself." I started to throw words. "Desperado akong ayusin si Ambrielle pero 'yong sarili ko, hinayaan ko?" I laughed bitterly. "Hay, fuck love. Fuck boys. They should have died."

"Yes, those shitty mens should rot in hell," he said in his monotone. Diretso ang titig nito sa akin na para bang binabasa ang aking mga emosyon.

I took a deep breath. Matagal bago ko tinanggal ang aking tingin sa kan'ya. I tilted my head on the side, still thinking if I should open up or not.

In the end, I found myself telling him those words that I've kept for so long in myself. Hindi ko na kinaya. Gustong-gusto ko nang ilabas 'to, noon pa, kaso wala akong lakas ng loob no'n sa sobrang panghihina. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Matagal akong nangapa sa dilim, at sino ang nando'n para iligtas ako sa mga demonyong nasa isip ko?

Garden of Wounds (Panacea Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon