Chapter 26 - Again?

58 2 2
                                    


Paula's Pov.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ang pangyayaring 'yon,

Hindi na mapakali si mich, simula nang magkita sila ni nathan.

Ako? Wala pa din, Hindi ko na alam kung nasaan na ' sya ' ngayon.

Marahil ay busy sya sa paghahanda para sa engage nya.

Napangiti ako ng malungkot, parang dati lang nung nililigawan niya ako, tapos... tapos.. g-ganto na.

Naiyak na naman ako, Ang sakit kasi eh.

Lumabas muna ako ng bahay para makapagpahangin, nang tawagin ako ni paulene.

"Ate! May nagpapabigay sayo oh."-Sabi ni paulene.

Hawak niya ang isang bouque at cookies.

Napangiti ako, palagi pa din nagpapadala yung admirer ko sa sa school.

Well papadala lang niya, Hindi pa din sya nagpapakita.

"Ah, Thankyou paulene, Sige bumalik kana doon."-Sabi ko at sumunod naman sya.

Tinignan ko ang bouque at cookies at pumunta sa park.

Malungkot ko uling sinulyapan ang bouque at cookies, Naaalala ko sya.

Umupo ako sa isang upuan at tumingin sa papalubog na sunset, Parang feeling ko ako lang ang magisa.

"Ate!"-Rinig kong sigaw ni paulene.

"Oh bakit ka andito?"-Sabi ko, ngunit hinatak niya lang ako at pinauwi sa bahay.

"Bakit ba?"- tanong ko.

Tawa kasi sya ng tawa, May sira naba sa ulo 'to?

Pagkauwi ko nasurprise ako sa nakita ko.

"Happy birthday!"- Sigaw nila.

"Happy birthday paula!"-Sigaw ng parents ko at may nakita ako nakahanda na mga pagkain.

"Ayiiee 17 na si ate."-Asar ng kapatid kong si paulo.

"Haha. Thankyou. "-Sabi ko at naisip ko na, andito naman yung mga kapatid ko? Magulang ko, Si bessy, Si lucas. Ano pa bang dapat kong hingin?

Kuntento na ako, Makita ko lang silang masaya, masaya na din ako.

"Happy Birthday bessy."-Sabi ni mich at sabay akong hinagkan ng sobrang higpit na yakap.

"Salamat."-Sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap,

"Uhm, gift ko nalang sayo ay isang set ng makeup, Actually limang set 'yun. "- Sabi niya at tumawa.

Baliw din 'to eh noh? Ang dami kaya.

"Tsaka uhm, Si ....

Trevor."

Nagulat ako, At lecheng kalabaw naman! Parang kabayo na naman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Badtrip!

"Oh babygirl, may bisita kapa pala."-Sambit ni mama,

Napatingin ako kay mich, at tumango lang ito. Tumingin ako sa pinto, At nakita ko na naman ang lalaking nagpabaliw sakin.

Dug. Dug. Dug. Dug.

"Happy Birthday."

Itutuloy...

Mensahe para sainyo, At hindi para sakin.

Yow! Pag walang nagcomment ng book 2 edi ok xD echoss lang, Bahala na kayo kung gusto niyo basta pag may nagrequest k fine lalagyan ko ng book 2.

Heiress Pauline.

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon