Chapter 35

23 2 0
                                    


Paula's Pov.

"Si...

Ely."

Halos magulantang ako nang marinig ko ang pangalan ng bruhang 'yon.

"P-pano?"-Tanong ko.

"Nung panahon na nabangga nya si trevor, agad siyang nagmadaling umalis, kaya hindi mo sya napansin, dahil nakatingin ka lang kay trevor at nakatulala, Habang ako papalapit yung kotse ko, napalingon ka sakin at inakalang ako ang bumangga dahil na din sa gulat ko."-Sambit niya.

So, ayun pala ang nangyari.

"I-im sorry, T-tulungan mo ako."-Sambit ko.

"It's Ok, Anong klaseng tulong ba?"-Tanong niya.

"G-gusto ko bumalik yung alaala ni t-trevor."

"I'll help you."-Sabi niya saka ngumiti.

~*~

Pagkatapos kong umiyak, Bumalik ako sa room ni trevor.

Pipilitin kong ngumiti, Ayoko maging mahina sa harap ni trevor. Ayoko...

Pagkabukas ko ng pinto, Agad akong napabuntong hininga at malungkot na napatingin kila trevor.

Ansakit lang ha? Shet.

"Oh paula, Imissyou bitch."-Rinig kong sabi ni Ely, hininaan niya ang bitch para hindi marinig ni trevor.

Akala niya magpapatalo ako? No way, Ayoko maging mahina sa harap ng taong mahal ko.

"Oh sorry, I dont missyou slut."- Sambit ko.

"Haha, Bitter much?"-Tanong niya habang nakangisi.

"No, Nakaka-Istress kasi mukha mo."-Sabi ko at tinarayan sya.

"Ely, Pwede ba lumabas ka muna?"-Tanong ko.

"No, Dito lang si Ely."-Matigas na sambit ni trevor.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Uhm, Trevor? Kamusta ka naman?"-Sabi ko.

"Hindi maayos kasi kausap ka."-Sabi niya na sobrang nakapagpasakit sakin.

Napayuko ako,

"Uhm pwede ba? Umalis kana lang? Istorbo ka samin ni Ely eh."-Sambit niya.

Naiiyak na naman ako, Ang sakit kasi eh.

Tagos na sa baga ko eh.

Tumayo ako at umalis, Nakita ko naman sila nathan sa labas habang umiiling iling.

Marahil ay narinig nila ang usapan namin.

"Bessy, Sabi ng doctor. Makakalimutan niya daw ang taong mahal niya, Pero ang matatandaan niya lang ay yung taong kinaiinisan niya. Katulad ni Ely."-Sambit ni mich.

Walang'ya yung babaeng 'yon! Nagawa pang dumalaw! Shet. Wala na atang sinasamba 'yong bruhildang 'yun!

Itutuloy...

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon