Special Chapter

133 2 0
                                    


Paula Reyes Fellajardo Pov.

"BaeMahal! Gising na. Gumawa ako ng breakfast for you!" Dinig kong sigaw ng asawa ko. Wait, Asaw ko na si trevor?! Kyahh!!

Pero tumalikod lang ako at bumalik sa tulog, Napabalikwas ako ng higa ng halik halikan niya ako.

Napatayo ako at nakita ko syang nakatitig sakin habang may ngisi sa kanyang labi.

"Ah, E-eto na. Babangon na nga ako oh! Oh! Kakain na ako oh!" Sabi ko at inabot ang kutsara't tinidor tsaka nagsimulang kumain.

Alam ko na kasi yung ngising 'yun, Kakagising ko lang noh! Tapos papagurin ako agad?! Aba't kagabi nga, Nakailang round sya eh.

Tumingin ako sa kanya, Tapos ayun ang lalim ng titig sakin. Parang alam niyo na? Parang may gustong naisin?

"Bae Mahal? Bakit?" Sabi ko at tinignan ko din sya.

Habang ngumunguya ako napansin kong nakatingin sya sa err sa dibdib ko?

HUWAT?!

Oo nga pala! Nakahubad pa ako! Ay anak ng teteng oh! Nakakahiya! Shet!

"Uhm, Umalis ka muna magbibihis ako." Sabi ko at itinigil ang pagkain at binalutan ko ng kumot ang katawan ko.

"N-no, Ang hot mo dyan." Sabi niya at nginsian ako.

Aba't!

"Hoy lalakeng asawa kong manyakis! Oo alam kong hot ako! Sadyang manyak ka lang!" Sigaw ko at dinuro duro sya.

"Sorry mahal, Sige na magbihis kana. " Sabi niya at tsaka umalis, Pero bago sya umalis ngumiti sya at nagflying kiss pa,

Napapadyak ako sa unan, Nakakainis kasi!

Nakatira na kami ngayon sa iisang bahay, Nagpagawa na sya dahil alam niya daw sa sarili niyang ako na ang papakasalan niya.

Syempre kinilig ang lola niyo!

Pagkatapos ko magbihis at kumain bumaba ako sa baba, Hanggang 3rd floor kasi ito, Sa pinaka taas ang rooftop.

Sa 1st floor sala, garden, garahe, kusina at swimming pool. Sa 3rd floor naman mga dresser doon lahat nakalagay damit at sapatos namin tapos may studio at gym niya para daw macho at sexy pa din daw kami. Alam niyo naman yun may pagka-loko.

Sa 2nd floor naman ang kwarto namin, Kwarto nang magiging baby daw namin, Alam niyo ba kung ilang kwarto yun? Halos Eight room ata yung pinagawa niya eh, Samin kasi ang master bed room. Asus, Eight daw gagawin naming anak, May balak ba syang maging bahay ampunan 'to?!

Then sa rooftop namin pwede kang magyoga dun, Maaliwalas kasi ang simoy ng hangin dun, Makikita mo din ang kagandahan ng city dahil glass ang nakabakod dun.

In short pang mayaman ang peg namin! Oh diba? Kabogera! May maid din kami lima sila. Tapos air conditioned ang bahay namin bawat floor ata dalawa ang aircon pati na din sa bawat kwarto may isang aircon naman.

Sosyal! Talagang nagustuhan ko. Hahaha, Aba pinaghirapan 'yan ng asawa ko noh! Kaya mahal ko 'yan eh!

Kaya ayan bumaba na ako, Bumati naman ang mga maids sakin. Nginitian ko lang sila,

At nakita ko yung asawa ko nakaupo sa may garden habang nagkakape.

Eto nagkwentuhan at naglambingan kami. Masaya ako dahil natupad ang pangarap ko.

Mahal na mahal ko talaga itong lalaking 'to. Ayoko ng mawalay sa kanya.

Pati buhay ko itataya ko para lang sa kanya, Ang sarap ng feeling na parang kahapon lang highschool pa lang kayo at nagmamadali ka kasi malilate kana sa school.

Nakakaiyak kasi tignan mo oh! Ang ganda ng buhay ko, Maraming salamat ho Ama.

At kahit magtatapos na ang istorya na ito, Syempre hinding hindi magtatapos ang pagmamahalan naming dalawa, Till the end gusto ko kaming dalawa pa din.

Masaya ako kasi gantong buhay ang naranasan ko, Maayos lahat walang masyadong pinoproblema. Lahat kami masaya.

Mahal na mahal kita trevor fellajardo. :)

~*~

"Bae mahal! Tapos naba yang sinusulat mo? Kahit kailan talaga mahal napaka tiyaga mo." Sabi sakin ni trevor habang buhat buhat niya si Troy Evans Fellajardo Ang panganay ko sa anak namin.

Habang nasa tabi ko naman ang nagiisang prinsesang anak namin si Princess Trialyn Fellajardo.

Oo dalawa muna ngayon, Syempre next time na yung iba. Mahirap magbuntis noh!

"Oo Bae mahal, Malapit na." Sabi ko at binilisan na ang pagtatype.

Oh paano ba 'yan, Naiinip na ang asawa ko. Isiningit ko lang itong istorya ko. Sige paalam na. Naiinip na yung mga prinsipe't prinsesa ko eh.

Nagmamaganda in whole world,At nagmamagwapo in universe.

Mrs.Paula Reyes Fellajardo&Mr. Trevor Fellajardo.

- Troy Evans Fellajardo&Princess Trialyn Fellajardo.

-Mrs.Michelle Villafuentes Scott&Nathan Scott.

-Melanie Natasha Scott&Nathaniel Melvin Scott&Misha Nicole Scott.

Iloveyou trevor. Forever :)

END.

Finished: March 24 2015

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon