Epilogue

50 2 0
                                    


Trevor Pov.

Halos nagmadali akong magmaneho dahil papunta ako sa bahay nila paula.

Oo naaalala ko na, Pinalayas ko na si ely lalo na't sya ang dahilan kung bakit ako nagka-amnesia.

Halos mapamura ako ng makita kong traffic sa daan ngayon.

Dahil hindi na ako makapaghintay tinawagan ko na si paula.

"Hello?"

Gahd! I miss her voice!Shit!

"Paula? Please forgive me, Patawarin mo na ako, Nabulag ako dahil sa punyetang ely na 'yun! Please?" Sabi ko habang patuloy na kumakabog ang puso ko dahil sa kaba.

"It's ok! Wala kang kasalanan. Wag kang magsorry. Iloveyou trevor." Sabi niya.

Napaluha ako sa saya, Potaena! Ang sarap sumayaw sa gitna ng kalsada dahil sa saya!

"Iloveyoutoo." Sambit ko at ngumiti abot hanggang tainga.

"Sige na, Magdrive kana. Baka kung mapano kapa. Hahaha!" Sabi niya, And her beautiful laugh, Gahd! I fucking miss her!

~*~

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay nila sumalubong sakin ang matamis na ngiti na galing sa minamahal ko.

Hindi ko na napigilan at hinalikan ko na sya. Walang labis walang kulang.

Tumigil ako sa paghalik at tinitigan sya sa mata.

"Uhm, Sya nga pala. For you." Sabi ko at binigay ang redroses at cookies sa kanya.

Oo ako ang admirer niya. Nilihim ko lang, Para kapag nakita kong bitbit ni paula ang mga bigay ko, Napapangiti ako kasi ako ang dahilan kung bakit sya nakangiti.

"I-ikaw?!" Sigaw niya habang nanlalaki ang magaganda niyang mata. Tumango ako bilang sagot.

"Andito na ako paula, Mahal na mahal kita. Hindi na kita iiwan." Sabi ko at hinalikan sya sa noo.

"Oy! Oy! Oy! Bawal PDA dito!" Sabi ni paulo habang nakatakip ng kamay sa mata.

Natawa nalang ako. Mabuti nalang at mabait ang babaeng mahal ko.

~*~

Lumipas ang maraming taon, Pero nanatiling ganto ang relasyon namin. Oo sinagot niya na din ako,

Si nathan at michelle naman ay nagsasama na sa iisang bahay dahil sila ay malapit nang ikasal.

Nakagraduate na din kami ng college at hahanap nalang kami ng trabaho, Actually hindi pahirapan dahil ako maghahawak sa company nila dad.

Nakulong din sila Ely at Carla dahil sa ginawa nila, Masama sila kaya dapat lang 'yon sa kanila.

Si lucas? Ang pinsan kong gwapo? Naks, Ngayon lang yun ha. Ayun lumipat ng school sa st. holy nalang daw sya magpapatuloy, Umulit uli sya dahil gusto niya lang daw. Alam niyo naman iyon may pagkabaliw.

Ayun tumagal ang relasyon naming masaya, 8 years na kami oh diba ang tagal? Habang patuloy ang relasyon namin nasubaybayan ko sya kung paano naging matured ang mukha niya. Mas lalo syang gumanda, At mas lalo ko syang minahal.

Hanggang sa nagpropose na ako sa kanya at sabi niya, sabay nalang daw kaming ikasal nila nathan.

Ang ganda niya ngayon sa suot niyang gown na kulay puti, Ako naman taimtim na naghihintay sa kanya.

Yung mga magulang niya naman naiiyak maging ang mga magulang ko.

Ang ganda ganda niya sa suot niya para talaga syang anghel. Sobrang ganda niya, May nageexist pa palang gantong babae.

Nang makatungo na sya sakin inilahad ko ang kamay ko at tumingin sa papa niya.

"Pa, Maraming salamat po." Sabi ko at nagbow.

Pinat niya lang ako at ngumiti sakin.

Pumunta kami sa harap ng altar at nagtinginan kami ng punong puno ng pagmamahal.

Hangggang sa matapos ang misa ng pari.

"You may now kiss the bride." Pag anunsyo ng pari.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya ng buong pagmamahal.

Sila michelle kasi kinasal na din pero iniba nalang namin ang date ng kasal namin March 08 2014. Ang eight kasi ang anniversarry namin, Parang infinity ganun ba.

Pagkatapos ng kasal namin syempre Paula Reyes Fellajardo na sya. Mr&Mrs Fellajardo.

Ayun nga pagkatapos ay nauwi kami sa honeymoon.

Itutuloy....

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon