Chapter 37

35 2 0
                                    


Paula's Pov.

Pagkatapos naming magbati ni jasmine, Nalungkot na naman ako, Marahil ay nasanay na akong andito sa tabi ko si trevor.

Inuwi ko ang bulaklak at itinanim sa flower vase, Naiiyak ako sa tuwing naaalala ko si trevor.

Pagkatapos kong itanim ang bulaklak, bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga.

Habang nakatingin ako sa kisame namin, Napangiti ako ng mapakla.

"Sana trevor masaya ka, Ayokong nakikita kang malungkot ha? Miss na miss na kita." Sabi ko at naiyak na naman ako.

"Mahal na mahal kita." Sabi ko at ipinikit na ang mga mata ko at nakatulog na ako.

~*~

Nagising ako dahil nagvibrate ang phone ko.

Kinabahan ako, Pakiramdam ko kasi isang masamang balita ang nasa mensaheng 'yon.

I open my phone...

1 new message received...

From:Michelle'Maganda.

Bessy! Hurry up! Ikakasal na daw sila trevor at ely bukas!

Nang mabasa ko ang mensahe, Napatayo ako. Agad kong kinalikot ang phone ko upang mahanap ang number ng doctor ni trevor.

Nang mahanap ko na, Agad kong tinawagan.

"Hello po?"-Ako.

"Oh paula iha, Bakit? May masama bang nangyari?"-Doctor.

"Uhm gusto ko lang pong itanong kung ano ang mga makapagpapaalala kay trevor."-Ako.

Garalgal na ang boses ko pero tinatagan ko pa din ang sarili ko, Ayoko maging mahina....

"Hmm, May bagay ba syang hawak nung huli syang mawalan ng malay?"-Doctor.

"Opo meron ho."-Ako.

"Kung gayon ay, Dalhin mo sa kanya yung bagay na iyon at ipaalala mo yung nangyari sa kanya, Pasensya na iha iyan lang alam ko."- Doctor.

"Salamat ho."-Ako.

Pagkatapis nung tawagan na 'yon, Bumaba ako sa sala namin at agad akong pumanik sa garden namin sa likod ng bahay.

Nakasalubong ko pa nga ang mga kapatid ko, Mukhang pati sila'y nagaalala sa akin.

Nagthumbs up lang ako, Atsaka na pumanik sa garden. Kinuha ko ang bulaklak na ibibigay dapat ni trevor sakin.

"Eto nalang, Sana mabalik na ang alaala mo." Sabi ko at kinuha ang pouch ko at sumakay ng taxi.

Nakapanjama pa ako at gulo gulo ang buhok ko. Nagmamadali kasi ako..

Miss na miss na kita trevor..

"Eto napo yung bayad." Abot ko sa taxi at agad agad bumaba.

Nagdoorbell ako sa bahay nila trevor, Paulit ulit ko itong pinindot.

Nang magbukas, Si ely at trevor magkasama. Si ely gulo gulo ang buhok at si trevor naman ay nakabalandra ang katawan niyang puro abs.

Napalunok ako, Nanggigilid na ang mga luha ko, Nakakainis kasing mga luha 'to! Ayaw sumunod sakin!

"Oh, hi there." Sabi ni ely sa nakamaarteng tono.

Umirap lang ako, At muling humarap kay trevor na nakatingin sakin habang nakakunot noo.

"Trevor pwede ba kitang makausap?" Tanong ko.

"Hon, Pwede dun ka muna sa loob?" Sabi ni trevor kay ely.

Naninikip na naman ang dibdib ko, Sige lang paula pagkakataon muna 'to. Wag mong sayangin.

"T-trevor, Sana bumalik na yung alaala mo, Miss kana naming lahat." Sabi ko at ibinigay sa kanya ang bulaklak.

"Iyan trevor. 'Yan ang huli mong hawak bago ka mawalan ng malay, Ibibigay mo sakin yan pero naaksidente ka. Bago kita dalhin sa ospital sabi mo hindi moko iiwan. " Sabi ko at muling naiyak.

"U-umalis kana nga!" Sigaw ni trevor.

Umiling ako, Ayoko umalis dito. Gusto ko syang makausap.

"Hindi, hindi ako aalis dito." Matigas na sambit ko at hinawakan ang kamay niya.

"Trevor naman oh, Miss kana naming lahat dito. Si ely? Sya ang sumagasa sayo! Pero bakit kami pa yung nawalan?!" Sigaw ko

"Sabi ng umalis kana eh!" Sigaw ni trevor habang hawak ang bulaklak.

Desperada na kung desperada, Basta maiparamdan ko lang sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Lumuhod ako at tumingin sakanya.

"Please lang, Sana bumalik kana trevor, Sige aalis ako. Pero sana bumalik kana sa dating ikaw, Mahal na mahal kita. " Sabi ko at tumayo saka tumakbo.

"Sana trevor, Maalala muna ang lahat."

Itutuloy...

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon