Chapter 36

27 2 0
                                    


Paula's Pov.

Lumipas ang maraming araw, Dipa din niya ako naalala.

Si ely at si trevor , Live in na sila.

Ouch lang diba?

Maski yung magulang ni trevor hindi niya maalala, Grabe lang talaga.

Sira ulo kasing ely 'yun! Sarap ihampas sa pader ng paulit ulit eh! Ang galing niya noh? Sya yung nakasagasa sya pa yung nagpapakasarap sa buhay!

Habang kami nagluluksa.

Bwiset talaga yung babaeng 'yon! Sarap tirisin ng paulit ulit!

Andito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, Nagmumukmok.

Bakit kasi sya pa yung naalala? Samantalang ako..

Hay nako, Maiiyak na naman ako. Makalabas nga.

Lumabas muna ako sa kwarto ko, At nagpahangin sa labas.

Mabuti na yung nabuhay si trevor kesa naman sa mamatay sya.

Dont worry, Aagawin ko si trevor sa bruhildang 'yon.

Habang nagpapahangin ako, Napansin kong andun parin yung bulaklak simula nung naaksidente si trevor

Pinuntahan ko ito at pinulot,

"Nakakamiss kana trevor.."-Sambit ko.

"You miss him?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si jasmine.

"W-wait, ikaw yung.."-Sabi ko habang nakaturo sa kanya habang hawak ko ang flowers.

"Yep, Uhm diba magbestfriend tayo dati? Hayaan mo akong bumawi sayo.."-Nahihiyang sambit niya.

Napangiti ako at dahang dahang tumango.

"It's Ok, Matagal na kitang napatawad."-Sabi ko.

Dahan dahan syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Imissyou bessy, Kayong dalawa ni mich. Namiss ko kayo grabe."-Sabi niya habang naiiyak.

"Wala na saking nagaaya magcutics, Tsaka wala na saking nagaayang maovernight, Wala saking nagaayang magzumba habang nagbabasaan ng tubig."-Sabi niya sa malungkot na tinig.

Napangiti ako,

Namiss ko din ang dating bestfriend ko

"Ano kaba girl, Wag kang magdrama dyan. Hello?! Gagawin uli natin yun!"-Sabi ko habang natutuwa.

Napangiti sya at marahang tumango.

"Tama, Patawarin niyo ako sa nagawa ko ni mich sa inyo, Tsaka tutulungan kita kay Ely the bruha."-Sabi niya habang tawa ng tawa.

Napakunot noo ako.

"Hindi na kayo friend?"-Tanong ko.

"Nah! Mga plastic sila."-Sabi niya at umirap pa.

Natawa naman ako,

"Haha, Ikaw talaga oh!"-Sabi ko at niyakap sya.

Mabuti nga at nagawa ko pang tumawa ngayon,

Sabi kasi nila, Tawanan mo nalang ang mga problema mo.

Trevor, Babalikan kita. Wag kang magalala,

Itutuloy...

A Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon