Aasa VI
“Ashley.” Napaigting panga ako. I so know the owner of that voice.
“Oh come on, baby. Huwag ka namang magalit sa akin oh.” Nilingon ko siya at pinipilit ko ang sarili kong huwag siyang sampalin kasi andito ang mga tao na nakatingin sa amin at mga kaibigan niya. I also don’t want to make a scene here. Tama na iyong kanina.
“Delfin, sigurado ka bang ako ang kinakausap mo o ang ibang babae? Baka kasi nagkamali kalang nang pagsabihan dahil sa dami ng babae mo.” Nawala ang ngiti sa labi niya.
“Bessie.” Singit ni Mitzi sa tabi ko. No. I will not hurt him physically or emotionally. Dahil alam ko namang he is just tripping with me. Gusto ko lang ipaalala sa kanya at sa mga taong nakapaligid sa kanya kung sino at ano siya.
“Can I excuse myself now?” I said trying to be nice with him.
“Y-yes. You are excused.” He is stuttering. Malaking sampal ba sa kanya ang nasabi ko? Kung ganun ay tama lang sa kanya iyon.
**
Sumunod ang mga araw at mas lalo pa akong naiinis. Huwag nalang kaya akong pumasok ng paaralan at magmukmok nalang kaya ako sa aking silid? Walang problema pag ganoon. Pero kahit gustuhin ko man ang ganun, kinilangan ko pading pumasok dahil sa aking pag-aaral. Kung sana mayaman kami, nagpa home-schooled nalang siguro ako. Pero hindi ganoon ang buhay ko. Gusto kong sumigaw at barilin ang Delfin na iyon!
Sinadya ko talagang magpaaga sa paaralan ngayon para maunahan ko ang demonyo dahil baka abangan naman niya ako.
Napabuntong hininga akong makarating ng tahimik sa room at walang ingay. Ako ang unang dumating sa aking mga kaklase at good thing, bukas na ang room namin.
Kinuha ko ang walis at dustpan. Tutal, ako naman ang una, maglilinis nalang muna ako.
“OMG! OMG!” napalingon ako ng wala sa oras sa sigaw ng isang babaeng hindi ko kilala. Halos matumba pa ako sa gulat ng boses niya.
“AHHHH.” Biglang dumami ang mga babae sa labas ng room at nagtatalon. What is happening here?
Naglakad ako palabas ng room para makita ang pinagkakaguluhan ng mga babae. Naiinis talaga ako sa tili at ingay nila. My gosh!
Lumaki ang mata ko nang biglang humupa ang tili at lumabas ang mukha ng demonyo at may hawak itong gitara.
“Hi, Ashley Vhrince. Mas lalong gumanda ang umaga ko nang ika’y aking nakita.”
Napaigting panga ako. Ano na naman ito? What is he up to this time?
“Nais ko sanang ipaabot sa iyo ang puso ko. Handa ka bang tanggapin ito?” Tumaas ang kilay ko at napakuyom ako sa aking palad. Pwedeng masuka at sumabog?
“DELFIN! PWEDE BA?” singhal ko dito. Gusto ko nang ibalibag sa kanya ang hawak kong walis.
“Oo Ashley. Pwedeng-pwede mo na akong sagutin ngayon.” What the heck is wrong with him!!
Binigyan siya ng upuan ng isa sa mga kaibigan niya at matikas siyang umupo dito. He gently strums the guitar at mas lalong naging tahimik ang paligid.
BINABASA MO ANG
Aasa ba? (Wattys2015)
Teen FictionPag-aasa ba ako sa iyo, Ricky Delfin, hindi mo ba ako masasaktan? -Ashley Vhrince Chi.