. . . ⇢ 35 ˎˊ˗

559 20 1
                                    

jerome
@jrome

jerome
good morning!

charlotte
ang aga haha

charlotte
morning din

jerome
nasaan ka ngayon?

charlotte
nasa lab, hinihintay si sir

jerome
so free ka ngayon?

charlotte
ha?

charlotte
parang..?

jerome
great!

jerome
wait me there ;)

charlotte
eh?

-♡️-

"si shin charlotte po?"

napatingin si charlotte sa may pintuan at doon ay nakita si jerome na nasa bukana ng pintuan. nagsitinginan ang mga estudyante doon, kabilang na sina jake, jay at ni-ki.

"charlotte daw." sabi ng isa nilang kaklase.

napatingin si charlotte kay ni-ki na katabi sina jake at jay. ni-ki just looked away and didn't say anything. si jay din ay hindi na kumibo habang si jake ay binalik ang tingin sa ginagawa.

charlotte just sighs because she knows, she knows that they didn't like the idea that she agreed na magpaligaw kay jerome kahit hindi sila magsabi dahil nahahalata 'yon ni charlotte sa mga galaw nila.

hindi na nagsalita pa si charlotte at lumabas na lang ng lab para harapin si jerome na hinihintay siya. nang tuluyan siyang makalabas ay pilit siyang napangiti habang kaharap ang lalaki.

"bakit?" tanong niya dito.

jerome just smiled sweetly, "free mo ngayon so.. baka pwede tayo sa rooftop? i just wanted to talk to you and.. be with you."

saglit natahimik si charlotte. ilang araw na simula nang pumayag siyang magpaligaw kay jerome at madalas niya din kasama ang lalaki. sa mga araw na 'yon, wala namang ginawang masama si jerome sa kanya.

at natatakot siya dahil sa bawat araw na nililigawan siya nito, nakikita niya na seryoso si jerome sa kanya.

"siguro alam mo na rin na masama akong tao 'no?" natatawang tanong ni jerome pagkarating nila sa rooftop.

natigilan si charlotte sa sinabi nito at napatingin kay jerome. "jerome.."

"that was true though, i'm a dangerous guy. madami akong nagawang hindi maganda at inaamin ko 'yon."

nagugulat at naguguluhan si charlotte kung bakit ito ang mga lumalabas sa bibig ni jerome pero nanatili lang siyang tahimik at patuloy na nakikinig sa mga pinagsasabi nito.

narinig niyang natawa ng pagak si jerome habang nasa malayo ang tingin. "pasensya na, ha? kulang lang kasi ako sa aruga kaya ko nagagawa ang mga bagay na 'yon."

"i was just a kid, when my mother passed away. tapos ayon, sumunod si dad at naiwan akong mag-isa. lumaki ako sa bahay-ampunan kung hindi mo tatanungin." pagpapatuloy nito.

"lumaki ako nang walang aruga ng mga magulang at kulang sa pansin kaya naisip ko noon na.. kapag kaya inaway ko sila may papansin na sa akin?" he laughed awkwardly. "meron naman, pero lahat sila galit at takot sa akin."

jerome looked at charlotte and gave her a smile. "and when i saw you? hindi ko alam pero gusto ko palagi mo 'kong pansinin, kausapin at kasama. naisip ko noon na gawin ang ginawa ko sa iba para lang makuha ko ang atensyon mo pero nito ko lang napagtanto na baka layuan mo lang ako."

"at natatakot akong mangyari 'yon."

"bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng 'to?" hindi makapaniwalang usal ni charlotte.

mas lalo lang ngumiti si jerome. "kasi gusto kong malaman mo na seryoso ako sa'yo, charlotte."

hindi nakapagsalita si charlotte at nakatitig lang sa mga mata ni jerome na nagsasabi ng katotohanan. napakurap-kurap siya nang biglang pumasok sa isipan niya si sunghoon at dahan-dahan napailing.

"j-jerome.. i'm sorry—" akmang maglalakad na palayo si charlotte nang agad siyang pigilan ni jerome.

"p-please.. please give me a chance. please give me a chance to prove myself to you.. p-please, i'm b-begging you.."

hindi alam ni charlotte ang sasabihin, naguguluhan siya at hindi makapag-isip ng tama lalo pa't naramdaman niyang may likidong tumulo sa kanyang kamay na hawak-hawak ni jerome.

he's crying.

the ice prince. pshTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon