at gaya ng plano ni charlotte, pagkatapos pa lang ng morning class nila ay agad na siyang tumakbo papunta sa music department class-1 para lang makausap sina heeseung.
at para na rin masilip si sunghoon, syempre lol.
"heeseungieeee!" todo sigaw ni charlotte kay heeseung na kakalabas lang ng classroom nila at hindi lang nag-iisa dahil kasunod din nito ang girlfriend na si julie at ang jjjs squad; jungwon, joy at sunoo na nakabusangot.
"charlotte?" natatawang sambit ni heeseung at nang tuluyang makalapit si charlotte sa kanila ay agad niyang ginulo-gulo ang buhok ng dalaga.
charlotte just chuckles and glanced at heeseung's back only to see julie who's raising her brow at her. nandoon din si jungwon na plain lang ang mukha, si joy na nakangiti kay charlotte at si sunoo na hindi lang nakabusangot kundi lutang din.
"uhm, who are you?" hindi maiwasan ni julie ang magtanong dahil para sa kanya bago lang si charlotte sa kanyang paningin.
dahil doon ay napatingin ang lahat kay julie at pati na rin si heeseung na hindi maiwasang matawa sa itsura ni julie. "she's charlotte, our old friend pero friends na ulit kami. she's also our princess—"
"your princess?" agad putol ni julie at mas lalong tumaas ang kilay.
"our princess kasi, gaga nabingi ka na rin?" pagsabat ni joy pero hindi siya pinansin ni julie.
"u-uh.. ano kasi hehe, kung ano man ang akala mo wala lang 'yon. i know you and you're heeseungie's gf and i'm charlotte, one of his closest friends kaya 'wag ka na magselos—"
"hindi ako nagseselos." agad na sagot ni julie na namumula na ang pisngi dahil sa hiya.
akala niya kasi isa na naman si charlotte sa nagpapa-cute kay heeseung 'yun pala, si charlotte 'yung matagal ng kwinekwento ni heeseung sa kanya na nagkaroon ng past kay sunghoon na half brother niya.
heeseung just smirks at julie. "don't worry, charlotte is just our princess. but for me, you're my queen."
at dahil sa sinabi ni heeseung ay naghiyawan silang lahat kaya madami na ring nakichismis at 'yung mga nakarinig ay napangiti na lang na animo'y mga kinikilig.
si charlotte ay natatawa lang na pinanood si heeseung na patuloy na tinutukso si julie na pulang-pula na dahil sa hiya na pinaghalong kilig.
pero agad ding nawala ang atensyon ni charlotte doon nang makita niya si sunghoon na lumabas ng classroom at tuloy-tuloy lang na naglakad palayo sa kanila. hindi niya alam pero natagpuan niya na lang ang sarili na sinusundan ito.
patuloy lang siya sa pagsunod at patuloy lang si sunghoon sa paglalakad. busy si charlotte sa pagsunod kung kaya't nagulat na lamang siya nang may tatlong lalaki na biglang humarang sa kanyang daanan.
"may ibibigay daw si jerome sa'yo, sumama ka sa amin." sambit ng lalaking nasa gitna.
"h-ha?" nagtataka nitong sagot. "sorry pero may kailangan pa kasi akong gawin." sagot ni charlotte at akma na sanang lalagpasan sila pero nahila siya agad ng isa.
"well sorry din pero kailangan ka namin dalhin sa kanya—"
"excuse me??" hindi makapaniwalang usal ni charlotte.
hindi niya kasi alam kung anong gusto ni jerome sa kanya dahil noong huli silang nag-usap ay nilinaw ni charlotte na hindi sila pwedeng maging magkaibigan dala na rin ng takot sa lalaking 'yon.
and yes, nagsinungaling siya kay sunghoon na gusto niya makipag-kaibigan kay jerome.
hindi pinansin ng tatlo si charlotte at sinimulan siyang higitin dahilan para mamuo ang kaba sa dibdib ng dalaga dahil may feeling siyang may masamang mangyayari.
"pwede ba—"
"don't touch her." isang malamig na boses ang umalingawngaw at nagpatigil sa kanila na nagmumula sa likuran.
napatingin ang tatlo at ganun din si charlotte na unti-unting nakahinga ng maluwag dahil nandito na ang lalaking muli na namang pro-protekta sa kanya.
si sunghoon.
nakatitig lang si sunghoon sa tatlo ng masama at lumapit sa kanila. kinuha niya ang braso ni charlotte mula sa pagkakahawak ng isang lalaki at agad itinago sa kanyang likod.
"touch her again and i won't hesitate to cut your head."
-♡️-
missing: shin & park
group chatjungwon
SUNGHOON HYUNG MAGSISIMULA NA ANG AFTERNOON CLASS NASAAN KA NA???jungwon
kapag nag-skip ka ng afternoon class i will mark you as absent for the whole stressful dayni-ki
charlotte noona nasaan ka na? nagsisimula na rin ang klaseheeseung
wait wala pa din si charlotte?jake
wala pa nga eh ganun din ba si sunghoon??heeseung
oo at kanina ko pa nga hindi nakikita yung dalawang yonjay
WAITjay
what if..?jungwon
magkasama sila?jungwon
hindi yon imposibleheeseung
walang imposible kasi marupok si sunghoonni-ki
ay—
BINABASA MO ANG
the ice prince. psh
Fiksi PenggemarCOMPLETED. sunghoon bravely confessed his love only to be met with the crushing pain of rejection. with a heavy heart, he tried to distance himself from her but fate had other plans as her return made it impossible for him to keep his distance. desp...