"M-max"
Yan lamang tanging lumabas sa aking bibig pagkakita ko sa kanya. Agad akong nanlamig nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit, halos hindi ako makagalaw. nanlaki ang mata ko at agad ako kumalas. sa pagkakayakap niya.
"Max, what are you doing!?" Hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya't yan na lamang na nasabi ko.
Nakatitig lamang siya sa aking mga mata na animoy nagmamakaawa, halata sa kanya ang pagod, puyat at lungkot, pero anong gagawin ko? Okay na ako ngayon, bakit pa siya bumalik?
"Claire..." naiiyak na tawag niya. "Claire.. I'm sorry, I missed you.." aniya habang hinahawakan ang kamay ko.
"Sorry? For what?" Hindi kita maintindihan Max, halos ilang taon na ang lumipas, successful na tayo pareho, pero bakit ka ganyan? nilulunod mo sarili mo sakin. "Max, please stop, ayos na tayo diba, okay na tayo. Wag mo na pahirapan pa sarili mo kasi... please, I just want to forget you but I can't.. look what you're doing right now. Nagpakita ka pa sakin kingina"
"Hindi mo na ba ako mahal?"
Hindi agad ako nakagalaw, ni hindi ako makatingin sa kaniya. Mahal ko pa ba siya? potangina.
"Hindi na." pagmamatigas ko.
Natahimik siya at hindi parin inaalis ang titig sa aking mga mata. Gulat na lamang ako ng bigla niya iniharap ang mukha ko sa mukha niya. "Ngayon mo sabihing hindi mo na ako mahal."
"H-hindi na kita m-mhal." Halos maubusan ako ng hininga pagkatapos, agad ko siyang tinalikuran at naglakd palayo.
Ramdam ko ang yabag ng paa siya, siguradong sinusundan niya ako. Gulat ko na lamang ng hilahin niya ang aking braso at itinulak sa may pintuan ng kotse niya. Naka corner ako ngayon sa kanya, nakatitig lang siya sa akin, habang ako ang pinipilit na makawala.
"Bitawan mo nga ako" palag ko, pero hindi siya umingli. "Ano bang kailangan mo?" naiinis kong tanong sa kaniya. Halos wala siyang pakialam kung magwala ako sa pagkakacorner niya sakin.
"Max bitiwan mo si Claire."
Agad kong narinig ang boses ni Blake. Hinila niya ako at itinago sa likod niya. Sumama ang tingin ni Max kay Blake kaya't pumagitna ako. "Max umalis ka na please." ani ko sa kanya. "Blake tara na." agad ko siyang hinila ay sumakay sa kotse niya.
"Blake pede mo ba akong dalhin sa Tagaytay, gusto ko lang magpahangin." Paalam ko.
"Sure." Agad namang tugon nito. "Tulog ka muna mahaba byahe natin."
Agad ko namang pinikit ang mata ko at nakatulog naman ako kaagad.