"Gagiii, siya nga" sabi ko sakanya.
Umupo yung tatlong lalake, at syempre tinitingnan ko yung crush ko. Tinuloy ni Sir ang pagdidiscuss niya kahit late yung tatlo.
"So class we have a transferee from the states. Hijo, please stand up and introduce your self" sabi ni sir kay crush
Excited na ako malaman pangalan niya grabe!
Tumayo siya at nagsimula magsalita."Hi, I'm Max Jimuel Delos Reyes, you can call me Max." At umupo na siya.
Grabe ang tipid niya naman magbigay ng infos.
"Well class Max is a former student in US, he is here to fix his thesis and babalik din siya after ilang months." Pagpapaliwanag ni sir.
Nalungkot ako bigla, ano ba yan, ilang months lang siya dito sa pinas, hindi ko siya makakasama ng matagal.
Halfday ang class namin ngayon dahil first day palang naman. Dumeretso kami ni Sandra sa admin office para sa mga requirements namin.
Naglalakad kami habang katext ko si tita.
To tita: Mga 4pm pa po ang uwi ko, may aasikasuhin lang po kami ni Sandra.
From tita: okay ingat ka, baka wala din ako sa bahay pagdating mo, mga 1 week akong wala.
Buti naman, makakatigil si Sandra sa apartment namin haha!
Pagkarating namin sa admin, nakasalubong namin si crush, kausap si Ma'am Dee, our school Vice President. Dumeretso naman kami sa admin office, inintay ko sa labas si sandra kasi ang daming tao sa loob. Habang naghihintay, kinuha ko ang ID ko sa bag para sa log in, log out churbanes. Habng kinukuha ko ang ID ko nadagil ko yung nasa likod ko.
"Oh I'm sorry" sabi ko habang abala pa rin sa pag hahalwat ng bag. Hindi ko alam kung sino yun basta nawawala ID ko.
"Excuse me, is this yours?" Napatingin ako sa nagsalita, owwww sheetttt si crushhhh pala yun,hawak hawak yung ID ko! ow my ghod, nakatulala na lang ako mga 30 seconds.
"Hello?, is this yours?" Tanong nya ulit habang naka titig lang ako na parang tanga.
"Y-yess, that's mine, th-ank y-ou" nauutal na sabi ko.
Binigay niya sakin ang ID ko at maglalakad na sana paalis. Pero bumalik at may sinabi.
"Next time, pay attention if someone is asking you something." He smirk and walk away.