Nag-init ang pisngi ko. Bakit ako hinalikan sa noo ni Max?!
"Claire! Ano, naibigay mo kay Max?" Naeexite na tanong niya.
Nakatulala pa rin ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Claireee!!! Anoo!!?? Tulala ka na naman, anyare??" Nagtatakang tanong ni Sandra.
"Huh? Ano?" Nagulat ako, parang hindi ko narinig ang mga sinabi ni Sandra. "Ah, oo na-ibigay ko." Kinakabahan kong sabi.
"Mabuti naman." Sabi niya.
Pumasok na din si Sir sa room kaya nagsimula na mag klase.
Awkward na naman to. Bat niya ba ginawa yun. Kaklase ko pa naman din siya. Hindi ako makalingon sa sa likod kase nandun siya.
"Claire, nakikinig ka ba? Kanina ka pang hindi mapakali." Biglang tinawag ako ni Sir kaya nagulat ako.
"Sorry sir." Sabi ko.
Shet, napahiya ako dun ah! Nahalata tuloy ako ni Sandra.
Siguradong magtatanong siya mamayang lunch."Claire, lunch?" Tanong niya habang ako na parang wala pa rin sa sarili. "Uy Claire, ano ba! Kanina ka pang ganyan! Ano ba nangyari!??" Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako.
"Wala, tara kain." I gave him an apologetic smile.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Sandra. Pero baka mamaya.
"Come on Claire, tell me, what's the problem?" Pangungulit niya habang nag aayos ako ng gamit.
"Later na lang pag nakain tayo." Sabi ko.
Lumabas na din kami papuntang cafeteria. Naghanap ako ng seats habang nabili si Sandra ng snacks namin.
Iniisip ko parin yung nangyari kanina. May gusto ba siya sakin? Wtf! Nevermind!"Claire!" May tumawag sakin mula sa kabilang table pero hindi ko nilingon. "Claire!!" May tumawag ulit, pero bigla naman dumating si Sandra.
"Claire! May natawag sayo oh!" Sabi niya habang nakalingon sa kabilang table.
"Sino ba yun? Ayoko lingunin." Sabi ko habang binubuksan ang pasta na binili ni Sandra.
"Si Max yun tangii!" Natatawang sabi niya.
Nanlaki ang mata ko, pero hindi ko parin nililingon si Max. Bakit niya naman ako tinatawag? Ang lakas pa ng boses niya, ang daming nakakarinig.
"Claire, papunta dito si Max!" Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Sandra.
Patuloy parin ako sa pagkain pero may biglang pumatong na kamay sa lamesa namin.
Nakita ko agad yung relo na bigay ko kay Max. Kaya si Max yun."Uy Claire, pansinin mo naman si Max." Natatawang sabi ng kabarkada ni Max. "By the way, I'm Vince at ito nga pala si Leo." Nakipag shake hands ako sa kanilang dalawa habang hindi ko sila tinitingnan.
Sinipa ako ni Sandra sa ilalim na table kaya napatingin ako sa kanya.
Nakain parin siya habang natawa. Kaya nainis na ako at nagsalita."Ba't ba kayo nandito?" Inis na sabi ko habang patuloy parin sa pagkain.
"Claire, Sandra tara meryenda mamaya." Sabi ni Vince.
"Tara! Libre daw ni Max!" Sabi ni Leo.
"No-" sabi ko pero biglang nagsalita si Sandra.
"Yess, sureeee, mamaya 5pm." Sabi ni Sandra sa kanila. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Okay, see yah!" Sabi ni Max habang nakatingin sakin bago umalis.
"Ano ba Sandra, bakit ka pumayag?" Naiinis na tanong ko.
"Magmemeryenda lang naman eh libre pa! Ano nga pala yung sasabihin mo sakin?" Sabi niya.
"A-ahh, ano-o kasi.." hindi ako makapagsalita. "Kanina... nung binigay ko ang gift kay Max... ano kasi.. hinalikan niya ako sa noo." Huminga ako ng malalim habang naghihintay ng reaksiyon ni Sandra.
Tiningnan ko si Sandra, halatang nagulat siya, nanlaki ang mata niya at nabitawan ang tinidor na hawak niya.
"WHATTTT!?? REALLYY!!!????? CLAIREEEE CONGRATSSSS!" Natatawang sabi niya habang pinipisil ang pisngi ko.
"Anong congrats ka diyan! Naguguluhan nga ako gagii! Ba't niya ginawa yun??! Tapos ngayon niyayaya niya tayo kumain!?" Naiinis na sabi ko.
"Why don't you ask him? Ask him later, ako bahala!" She gave a wide smile. Mukahang may binabalak na masama itong babaeng toh!
"Nako ha! Sandra, sinasabi ko sayo! Ayusin mo!" Binantaan ko siya.
Tumayo na din kami at pumunta sa next class.
5pm natapos ang class namin at minadali ako ni Sandra maglakad.
"Dalian mo girl!" Sabi niya habang hilahila ang kamay ko.
"Teka lang. Maghihintay naman sila." Inis na sabi ko.
Pumunta kami sa tambayan para doon mag kita kita.
"Claire, dito ka muna naiihi ako wait langg!!" Tumakbo siya palayo. Naiwan akong nakaupo kaya nag phone nalang ako.
From: Vince
Malapit na kami.To: Vince
Dalian niyo, ambagal!Napakatagal ni Sandra, isang drum ata ang inihi non.
"Claire nasan si Sandra?" Sabi ni Max na kadadating lang. Nagulat rin ako kaya hindi ako makatingin sa kanya.
"Nag cr lang, nasaan sina Vince?" Nagtaka ako bakit hindi sila magkakasabay?
"Sunduin nalang daw kita, nagpapareserve lang sila ng seats." Sabi niya.
"Intayin natin si Sandra." Sabi ko.
"Nandun na siya, nag text sakin si Sandra." Ngumiti siya habang natatawa.
Sabi na nga ba may binabalak yung babaeng yun eh. Nakakainis kami lang ni Max ang nagkasama!!!
"Tara na, mag motor na lang tayo." Inaya niya ako sumakay sa motor niya.
"Marunong ka? Ayoko ko pa mamatay ha!" Kinakabahan ako sumakay sa motor kasi pinagbabawalan ako ni mom.
"Don't worry, ako bahala sayo." ngumiti siya at binigay sakin ang helmet.
♡