-end of pov-
After we broke up, halos araw- araw naiyak ako, ang bigat lagi ng dibdib ko. Hindi din ako masyadong nakapagfocus sa work ko.
Ang sakit lang kasi na, sa ganito lang matatapos yung kung anong meron kami.
Halos isang buwan, si Sandra and Sed lang yung umaalalay sakin, nag cocomfort sakin.
Nasa condo kami ngayon nina Sed at Sandra para mag dinner. Pareha nila kaong pinupuro sa mga jokes nila kaya nainis ako.
"Nakita ko si Max sa mall kanina may kasamang babae." Mabilis na sabi ni Sandra.
Natulala ako at hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko. Para akong napapraning.
Yung araw na yun, buong gabi ako nag-isip, hindi ako pinatulog sa sinabi ni Sandra.
Kaya simula noong araw na yun. Pinilit kong maging matapang at pagtuunan ng pansin yung mahahalagang bagay.
One day before my birthday kami nag break. Sinurprice ako nina Sandra and Sed sa Condo namin.
Hindi ako sanay na.. walang Max na babati sakin. Ang lungkot lang. Pero, ang serte ko parin kasi may nga kaibigan akong hindi ako iniwan.
Birthday Scenes...
Nasa Hospital ako ngayon para magpaalam ng maaga sa Head namin. May pa party rin sila kanina para sakin.
Nasa kotse na ako at nag start na ako mag drive. Mga 5 minutes nasa condo na agad ako. Nag checheck ako sa socila media accounts ko ng mga bumati sakin habang nasa elevator ako.
Pagkabukas ko ng pinto, bigla nalang may pumutok na kung ano.
"HAPPY BIRTHDAY CLAIRE!!!" at nakita ko ang dalawang pagmumukha nina Sandra at Sed.
"Ay pota-" napamura ako. Nagulat naman kasi ako!
Mag hawak hawak si Sandra na Red Velvet Cake at si Sed naman may hawak hawak na Sunflower Boquet.
"Thank you guys!" Medyo naluluha na ako neto, ano bayan!
"Gagu ka, 27 ka na! Tanda mo na!" Pang aasar ni Sed.
"Hoy! Mas matanda si Sandra noh! Wag kang ano dyan!" Pangbabara ko.
Kumain na kami ng mga inorder nilang food at nag chikahan.
"So kumusta ka naman birthday girl!?" Tanong bigla ni Sandra.
Natahimik bigla ako, masaya na kanina eh! Si Sandra talaga pa epal sa mood ko.
"Pota Sandra, pinaiyak mo!" Pang aasar ni Sed kay Sandra.
Tumulo ang luha ko habang kumakain ng pasta. Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit may kulang.
"Claire.... sorry." Tumabi sakin si Sandra at niyakap ako. "Bakit, ano ba problema?" Mahinahong tanong niya sakin habang pinupunasan ang luha ko.
"W-wala... may naalala lang ako." Patuloy parin ang pagpatak ng luha ko.
"Si Max?" Mahinahong tanong ni Sandra.
"Ang s-sakit sakit p-pa din k-kasi!" Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa iyak ko.
"Uy tama na yan, birthday na birthday nag iiyakan!" Pagsaway sakin ni Sed.
Pinunasan ko ang nga luha ko at pinilit ngumiti at maging okay.
-end of the day- Hahahaha
Natapos din ang birthday ko at maraming linggo na ako lumipas.
Day off ko ngayon kaya naglinis ako ng condo namin at nag grocery.
Nasa kitchen ako nang biglang tumunog ang phone ko.
Calling: Sir Marquez
Our Hospital head.
["Hello Sir? Bakit po?"]
["Pumunta ka ngayon dito, may emergency."]
["Ah sige Sir!"]
Hindi ko na tinanong kung anong emergency yun basta dali dali akong nag bihis at sumakay sa kotse.
Nasa hospital na ako ngayon at dali dali akong lumakad papuntang E.R.
"Sir, ano pong nangyari!"
"Doctora Mendez, get ready for the operation now."
"S-sir...but, may iba pong mga dorctor diyan... ba't ako pa?" Mahinahong reklamo ko. Day off ko ngayon tas mag oopera ako. Ano bayan!!
"This is not just a normal patient. Delos Reyes ang ooperhan mo. Ikaw ang isa sa pinaka mahusay na surgeon dito kaya I trust you." Madiing sabi niya.
Nanlaki nalang ako ng marinig ang apelyidong yun.
"D-delos Reyes Sir?" Nauutal na tanong ko.
"Yes. Sir Jino Delos Reyes. Get ready, the operation will going to start."
Wala na akong nagawa kundi suotin ang lab gown, gwantes at face mask ko.
Nasa Operating room na ako at nakita ko ang mukha ni Tito Jino. May tama ng baril siya sa dibdib at sa braso.
Almost 1 and half hour bago matapos ang operation.
Lumabas na ako at saktong nasa labas si Tita Maxine, Max at isang babaeng naka hawak sa kamay ni Max.
"Doc... How's the operation?" Naluluhang tanong ni tita Maxine.
Mukhang hindi niya ako nakikila dahil naka face mask pa ako.
Tinanggal ko ang face mask ko at sinagot ang tanong niya.
"The operation was successful but under observation pa po. But don't worry, we will do our best. Excuse me." Mabilis kong sagot sa kanya habang gulat na gulat sa presensya ko.
Pinigilan niya ako sa paglakad at hinwakan ang kamay ko.
"Claire?" Maingat na tanong niya.
"Yes. Doctora Mendez." Madiing sagot ko bago dali daling naglakad palayo.
Sumandal ako sa pader at huminga ng malalim. Hindi ko inakala na ganito ang mangyayari ngayong araw.
Kinalma ko muna ang sarili ko sa office ko bago pumunta ng parkibg lot. Naglalakad ako sa parking lot ng biglang may bumusinang kotse sa gilid ko.
Lumabas si Max sa sasakyan at pumunta sa harapan ko. Naiwan sa loob ng saaajyan yung babaeng kasama niya.
"Why?" Cold na tanong ko.
"Thank you sa pagligtas kay Daddy."
"It's nothing, that's my job.. to save people..." madiing sabi ko. "I have to go, bye." Sabi ko at naglakad paalis.
Around 5pm nasa condo na ako. Nandoon na din si Sandra kaya sinabi ko lahat ng nangyari kanina sa hospital.
Hindi siya makapaniwala na sa ganun kamu magkikita.
"Stop na! Masaya na nga yung tao, may girlfriend na nga eh!" Inis na sabi ko.
"Baka naman friend niya lang yun.." pagpapalusot niya. "By the way, nag message sakin si Blake... nandito siya sa pinas."
"Seryoso?? May contact pa kayo niyang dating suitor ko. MY GHOD BLAKE HARVEY!!" Natatawang sabi ko.
"Bakit kasi hindi mo ulit bigyan ng chance?" Tanong niya.
Natahimik ako at napatingin sa kanya.
"Sa tingin mo, ready na ako magkaroon ng bagobg relationship?" Natatawang sagot ko."Siguro, para makamove on ka na dun sa Max na yun. Hanep! LOYAL KA GHORL!? Imagine. Highshool si Max na tas hanggang magka trabaho?? Girl! SAYANG GANDA!"
"Okay, makikipagkita ako kay Blake. Happy ka na?!" Sagot ko at natigilan naman siya.
♡