Chapter 6

14 2 0
                                    

Wtf? "I wish?" Anong meaning niya? Huh? Overthinking hits me again.

Nasa bahay na ako, nasa bahay na din si tita galing trabaho.

"Claire, kumusta ang araw mo?" Tanong ni tiya habang naglilinis ng kusina.

Nakatulala lang ako, nag ooverthink pa rin ako sa sinabi ni Max. "I wish." Wtf! Enough!!!

"Claire! Nakatulala ka diyan, anong iniisip mo?" Pagtatakang tanong ni tita. "Oo nga pala, tumawag ang mommy mo, may sasabihin daw sayo, tawagan mo siya ngayon. Sabi niya.

"O-okay tita." Dumeretso ako sa kwarto at tinawagan si mom.

Ringging......

[Mom: anak, marga, kumusta ka?]

[Me: okay lang ako mom, kayo kumusta? Nasaan si Dad?]

[Mom: nasa New york pa siya para sa conference. By the way anak, tanda mo si Ma'am Delos Reyes, my bestfriend when i was in highschool and college?"]

Ma'am Delos Reyes??? Surname ni Max?! What?! No way!! This can't be!

[Me: no mom, i don't remember her. What about her?]

[Mom: Uuwi siya next week galing US. May padala akong mga things mo kaya kuhanin mo sa kanila."]

[Me: mom saan ba bahay ni Ma'am Delos Reyes? Ayoko kapag malayo, busy ako ngayon sa school.]

[Mom: "don't worry, malapit lang diyan sa apartment niyo, sa kabilang kanto, malaking bahay yun na grey at white ang kulay."]

BAHAY NGA NI MAX!!! MOMMY NIYA?! AYOKO PUMUNTA GRRRR!!!

[Mom: "anak, i have to go bye-"]

[Me:"Wai-t..."]

-Call ended-

Tinawagan ko ulit si Mom pero hindi niya na sinasagot, nakakainis, pupunta ako sa bahay ni Max?! Gusto ko nalang bumagal ang oras para hindi dumating yung next week.

Friday na, and its still the same boring day, nakakapahod ang dami ng activities and projects, nagsimula na din kaming mag thesis para daw ready kami sa senior highschool.

From Mom:
Marga. Tuesday evening ang dating ni Ma'am Delos Reyes, dress well and have a good manner.

To Mom:
Sure mom. Thanks.

Grabeee ganun ba talaga sila kasosyal para magdamit ako ng ayos, ang lapit lapit lang nito sa bahay. SO HASSEL!!

Nag dismiss na si Sir, buong week na hindi ko pinapansin si Max. Assuming ka self, hindi ka rin naman pinapansin!

"Uy Claire, malapit na birthday ng Crush mo!" Sabi niya habang natatawa.

"Si Max? Bakit mo naman alam ang birthday niya, isa ka pa ding stalker Sandra!" Sabi ko.

"Ano ka ba, sikat siya dito, maraming nakakaalam nun lalo ang mga girls." Sabi niya.

Wow! ganun ba talaga siya ka gwapo?!?!?! Hinahabol siya ng mga Girls?!

"Hindi ko alam, okay? Wala akong pakealam." Naiinis na sabi ko habang naglalakad ai palabas ng room.

"Hay nako Claire, kilala na kita. July 18 ang Birthday ni Max." She smirked ang give me a small smile.

2 weeks from now na yun. Baka kaya dadating ang Mommy niya. Now I know.

"Hindi tayo invited, so i don't care!" Napasigaw na sabi ko.

"I"m inviting you, come to my birthday." Biglang may sumingit na lalaki.

Pagkalingon namin napapisil ako sa kamay ni Sandra. Si Max yung nagsalita. Ang lakas naman kase ng boses ko, kainis.


Not MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon