Chapter 16

9 0 0
                                    

Hii guys, sorry ngayon lang ako sinipag mag update haha.

Tinawagan ko kaagad si Tita Maxine para malaman kung anong nangyayari.

Ringgingggg.....

["Hello po? Tita... si Claire po ito."]

["Claire? Bakit ka napatawag."]

["Tita, can you tell me po kung bakit umalis si Max?"]

Naluluha na ako pota. Bakit naman ganito!

["Claire...okay ganito na lang. Magkita tayo sa Starbucks malapit diyan. 5pm."]

["Sige po."]

-call ended-

Napabuntong hininga nalang ako. I tried again to contact Max pero wala.

Nagshower na ako at nagready. Nagpahatid ako kay Kuya Dennis sa meeting place namin ni Tita Maxine.

Exactly 4:50, I arrived at Starbucks. Humanap ako ng sits at hinintay si Tita. Wala pang 5 minutes dumating na siya.

"Tita!" Tawag ko habang hinahanap niya ako.

Umupo siya sa harap ko at umorder kami.

"Tita, ano po ba talagang nangyari." Kinakabahang tanong ko.

"Claire I'm sorry. Kailangan namin pabalikin si Max sa Pilipinas for his own safety." Mahinahong paliwanag niya.

"Safety? What do you mean?"  Naguguluhang tanong ko.

Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.

"I know you already know na.... maraming nagsasampa ng kaso kay Jino. Ang dami naming natatanggap na death threats. Kailangan namin ilayo si Max kasi... in the future, siya ang mag hahandle ng buisness namin." Paliwanag niya. "Si Mix naman, kasal na siya and Torres na ang dinadala niyang apelyido." Tuloy niya.
"Claire, mas mabuti pang itigil niyo muna ang relationship niyo, for your own safety din. Please." Ngumiti siya sakin bago umalis.

Kumurapkurap ako, hindi mag process yung utak ko sa mga nangyayari. Tumayo na rin ako at umalis.

Nasa kotse na ako and biglang tumunog ang phone ko.

Calling: Max

Natulala ako sa phone ko. Dahan dahan kong sinagot.
Hindi muna ako umimik.

["Claire. Claire. I'm sorry-"]

Tahimik lang ako at nakikinig sa mga sinasabi niya. Nagtatampo lang naman ako kasi hindi siya nag message sakin o tumawag man lang. Naiintindihan ko ang family problem nila pero nasasaktan din ako.

Natapos ang tawag niya nang hindi ko siya iniimikan.

To: Max
Max. Sa ngayon, kailangan muna natin itigil toh, for the both of us. I love you.

Tumulo ang luha ko pagkatapos isend yun sa kanya. I deleted his number. Nagpalit din ako ng number.

-------------------------------------------4 years later

Sandra's Pov

Nakaka homesick, miss ko na si Claire. Ilang years na rin ako dito sa London. 1 year na lang at makakauwi na ako.

Nag vi-video call lang kami ni Claire kapag may mga problema siya, lalo na dun sa ex niyang si Max almost 4 years na silang walang contact since nagbreak sila.

Umuwi na rin siya sa Pilipinas pagkatapos ng ilang years.

Almost 7 years akong nasa London and bumalik na rin ako sa Pilipinas. 1 year na ako nandito, kinuha ako ng Mendez Company para maging lawyer.

Si Claire naman isang successful Heart Surgeon sa Salazar-Reyes Medical Hospital.

Nakabili na kami ng sarili naming condo malapit sa work namin. Since surgeon siya, hindi siya madalas umuuwi kaya ako lang ang nasa condo ngayon.

By the way, may boyfriend na ako. 2 years na kami. Hahahaha. He is Adrian Harris. Nasa States siya ngayon para sa isang Conference then babalik din siya after ilang weeks.

Dumaan ang buong week, same, same pa rin.

Kasama ko ngayon si Sedrick. Sedrick Russell Medina. Bestfriend namin ni Claire since elem. Kararating niya lang galing France.

"Oy Sed! Tulungan mo naman ako sa saturday." kinulit ko siya. Malapit na ang birthday ni Claire, balak naming isurprice siya.

"Ay potek, malapit na pala ang birthday ni Claire. Gastos na naman. Hayst!" Natatawang sabi niya.

Nasa mall kami ngayon para bumili ng mga pang decorate.

Nasa cashier na si Sed, habang nagtitingin pa ako ng iba pang designs.

May nakita akong isang familiar na lalaki. Nag pa-process pa yung utak ko at inaalala kung sino siya.

SHETTTT! SI MAX??? EHH??? OO NGA!? SI MAX???  Nakatulala ako at tinitigan si Max. May kasama siya babae, nakaholding hands sila.

Nagtitingin tingin siya at biglang nagtama ang mga mata namin. Tumitig siya sakin na parang kilala niya ako. Syempre kilala niya naman talaga ako. Lalapit na sana siya sakin nang bigla siya hinila ng kasama niya.

"Sandra! Tara na" bigla naman akong tinawag ni Sed kaya umalis na din ako.

Nasa kotse kami at iniisip yung nakita ko kanina. Ramdam ko kay Claire na hindi pa siya nakaka move on kahit ilang years na ang lumipas kaya masakit sakin kung malaman niyang may girlfriend na si Max.

"Sandra kanina ka pang tulala diyan!" Natatawang sabi niya.

"Sed, diba nabanggit ko sayo si Max..."

"Oo yung ex ni Claire." Sagot niya. "Bakit? Sila na ulit?" Gulat na tanong niya.

"Gagi! Hindi. Nakita ko siya sa mall kanina." Sabi ko.

"Gago ka, bakit hindi mo sinabi sakin." Naiinis na sabi niya.

"Ikaw eh, niyaya mo na ako umuwi." inaasar na sabi ko.

Umuwi kami ni Sed sa condo namin ni Claire, hinintay din namin si Claire kasi maaga daw labas niya ngayon.

Around 6pm dumating na si Claire, dumeretso agad siya sa kama niya at humiga.

"Claire! Pagod na pagod?!" Pang aasar ni Sed.

"Tigilan mo ako Sedrick ha! Gusto ko na matulog."

Habang nag aasaran sila, naghanda na ako ng dinner.

Ginising ko si Claire after an hour.

"Claire, kakain na dali!" Tinatapik tapik ko ang balikat niya.

Gagi mukhang nananaginip ampota!

"Ano ba Max, wag kang ganyan....."

Natawa nalang ako sa mga sinasabi niya.

Gumising na din siya pagkatapos. Umupo siya sa tabi ko at kaharap niya naman si Sed. Ang sasama ng tingin ah! Parang mga bata eh.

"Ehem M-max!" Pang aasar ni Sed.

Nanlaki agad ang mata ni Claire habang kumakain.

"Sed!" Saway ko habang natatawa.

"Anong problema niyo sakin ha!? Sabihin niyo lang, kanina pa akong pinipuro dito, lintek!" Naiinis na sabi ni Claire.

"Sabihin mo na Sandra!" Kinindatan ako ni Sed habang natatawa.

Nanlaki ang mata ko pota, dinamay pa ako sa away nila.

"Ano yun?!" Naiinis na tanong ni Claire sakin.

"Ano yun?!" Ulit niya.

"Nakita ko si Max sa Mall kanina may kasamang babae." Mabilis na sabi ko.

Not MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon