Chapter 2

18 2 0
                                    

Nakakahiya, ano ba yung ginawa ko?

" Uy Marga Claire Mendez! Anong tinitingnan mo diyan? Tulala ka na naman babae ka!" Sigaw niya sabay hampas sa balikat ko.

"Wala, wala. Tara na! Tapos ka na ba?" Pagpapalusot ko.

"Oo, tara na kumain, gutom na ako, 1pm na kaya!" Inis na sabi niya. "By the way, saan tayo kakain?" Tanong niya.

Nag isip kami habang naglalakad palabas, nakita ko na naman si crush sa may gate naka tingin sa watch niya. Hindi ko nalang pinansin.

"Sandra ano kaya kung magluto nalang ako for us, sa apartment ko, tara?!" Suggest ko.

"Sige basta masarap lulutuin mo ha! Nag cacrave ako sa lasagna, can you--"

"Okay fine, i'll make lasagna" sabi ko.

"Yieeeee thank you, love you!" Natatawang sabi nya.

Sinundo kami ni Kuya Rolan, my driver. Since hindi naman susunduin si Sandra, sinabay ko na siya papuntang apartment namin.

Nakatulog si Sandra kaya binawian ko siya. "Uyyyyy Sandra Marianne Lopez!! Gising na, aba ang babaeng ito!"

Ang sama ng tingin nya sakin. Bumaba na kami at pumasok sa loob, umupo siya sa sofa at nanood ng movie. Nagpalit naman ako ng damit bago magluto ng lasagna.

3pm ako natapos. Inip na inip na si Sandra.

"Tagal mo naman, nakulo na tiyan ko girl!"sabi niya.

"Hanep ka, ikaw ang magluto, hirap na hirap." Inis  na sabi ko.

"Hindi naman, akin na nga, sarap kaya neto" pambobola niya.

Around 4 na kami natapos dahil sa kadaldalan naming dalawa.

"I"ll wash the dishes." Sabi niya.

"Mabuti pa nga, maglilinis ako ng kwarto, dito ka na matulog bukas, 1 week na wala si tita." Sabi ko habang hinahanap ang walis.

"Talaga??, G ako diyan. Sa wakasssss makakapag sleepover din ng 1 week ughh!" Sigaw nya habang na eexite.

Pinahatid ko na sa Sandra kay kuya Rolan.

8pm na, busog parin ako sa kinain naming lasagna. I make my night skin routine and browse my social media account. Naisip ko na isearch si crush sa IG. Buti naman at hindi naka private.

@maxjimdlrys
Max Jimuel
2 post
652 followers
162 followings

Latest post nya ay family gathering nila, naka fomal silang lahat. Ang gwapo ni crush shet! Naka suit siya with navy blue collar and black slocs. Hindi man lang nangiti sa mga post niya.

Syempre dahil makapal ang mukha ko, i follow him. After that i browse my twitter and fb. Mag ooff na sana ako, biglang mag nag notif.

[@maxjimdlrys followed you back.]

Kinilig ako slight, grabe naalala niya kaya ako? Uy Claire wag kang mag assume!
Natawa nalang ako pero bigla ulit may nag notif.

From: maxjimdlrys

Stalker.

To: maxjimdlrys

What?! No!

Stalker ako?!!! No wayyyy, denial queen ampota, nalike ko pala yung latest post niya, wtf!

From: maxjimdlrys
Okay fine, see you tom.



Not MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon