Chapter 10.5: September 7

348 8 10
                                    

Ian's POV

Nandito ako ngayon sa locker room. Kakatapos lang kasi namin maglaro ng basketball. "Nakilala mo na pala si Tita Clair, bro?" tanong ni Mike na katabi ko.

"Ah oo. Bakit?" I asked.

"Naka naman ohh! Lume-level up ka na bro!!"

"Tado!!!" sabi ko tapos tumawa kami. "Pero pre, ano? Sinungitan ka ba? Ha?" tanong niya. XDD

"Di naman. Mabait naman si Tita Clair."

"Talagaa? Naku!! Himala yan. Ang alam ko masungit din yun sa mga lalaki eh. Alam mo na, may pinagmanahan talaga si Andi." sabi ni Mike na malapit na matapos mag-ayos ng gamit niya.

"Ahh. Kaya pala. May pinagmanahan" at sabay kaming tumawa. Naalala ko tuloy bigla nung nagkita kami ng Mommy ni Andi.

*flashback*

Nagkwekwentuhan kami ni Andi sa may street nila. Nakaupo lang kami dito kaya nag-suggest siya na pumasok muna kami sa loob ng bahay nila.

"Wag na. Nakakahiya eh" sabi ko.

"C'mon. I won't take 'no' for an answer." sabi niya tapos nag-smile siya. Haay naku. May magagawa pa ba ako? -___-

Tumango ako at sumunod kay Andi. Malaki yung bahay nila Andi pero simple lang. Modern at may pagka-cozy ang style ng bahay nila. Napansin naman namin ang isang babae na nakaupo sa sofa nila.

"Mommy?" sabi ni Andi.

Lumingon yung babae. Grabee. Kamukhang-kamukha siya ni Andi. Mas mukha nga lang siyang mataray. Hehe. XDD

"Annica!" sabi nung babae tapos yumakap kay Andi.

"Kelan pa kayo umuwi Ma?"

"Kakadating ko lang kanina," tapos bigla siyang napatingin sa ako. "And you are?" sabi niya tapos tumaas yung isang kilay niya.

Sasagot na sana ako kaso naunahan na ako ni Andi. "Oh. That's Ian, mom. Classmate ko po."

"Ahh"

"Good afternoon po Ma'am" bati ko. Nagkatinginan sila at sabay na tumawa.

"Hahaha!! Ian, let's be casual, iho. Masyado kang formal eh. Call me tita, Tita Clair."

"Ah okay po, Tita Clair" tapos nagsmile na lang ako.

Niyaya ako ni Tita na dito na lang mag-dinner. Nung una, ayaw ko dahil nakakahiya pero pinilit nila ako tutal nasa tapat lang naman daw ang bahay ko. Nandito kami ngayon sa living room nila, kumakain ng cake na inihanda ni Tita. Nag-ring yung cellphone ni Tita.

"Excuse me" tapos umakyat siya kaya naiwan kami ni Andi.

"Umm.." sabi ko. Napatingin siya sa akin. "Umm??" tanong niya. Tumingin ako sa relo ko. 9 na pala. -____-

"Umm.. sa tingin ko kailangan ko nang umuwi." tapos tumingin siya sa relo niya.

"9 na pala" tapos tumingin siya sa akin. "Sige, ihahatid na kita sa labas."

Catch Me When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon