Chapter 5: Magnum All Over Again

366 8 1
                                    

Andi's POV

Monday! :) Ngayon ilalabas yung listahan ng mga nakapasa sa tryout.

Maaga akong pumasok pero pag dating ko, madami na agad tao sa bulletin board. Makasingit nga. Hehe. :3

Hanap...

Hanap...

Hanap...

AYON!!!

Swimming Team

1 Faye Guerrero

.

.

.

6 Raina Laurel

7 Andi Cruz

8 Julia Reyes

9 Kath Gracias

10 Niki Salvador

"YESS!" sa sobrang tuwa ko napatingin sila sa akin. :/ "Alam kong maganda ako, hindi niyo na kailangan ipaalam." sabi ko. At bumalilk na sila sa kanilang business. Haha. :D Mga tao talaga eh. Ang galing sa chismis pero sa katotohanan deny deny pa. :))

"BOO!" panggugulat sa akin ni Ian but I just looked at him. "Tss. Di man lang nagulat" sabi niya.

"Hindi ka kasi nakakagulat."

"Eh ano? Nakakakilig? Yiiee..."

"Kapal mo. Hindi ka nakakagulat kasi nakakatakot ka" sabi ko.

Bigla namang naging seryoso yung mukha niya. "Natatakot kang mainlove sa'kin 'no?" sabi niya. Hay nako. -.-" Masyadong feeler ang panget.

"Kapal mo din 'no? Anong akala mo, maiinlove ako sa'yo? Psh. Never"

"Good. Mabuti na yung nagkakaliwanagan." sabi niya with a smile. ^_^

"Andiiiiiiiiiiiiiii!" nagulat kami parehas ni Ian kay Raina. :| Paano ba naman, ang lakas lakas ng sigaw. Nakalunok ata 'to ng megaphone eh.

"Nakita mo na ba, Andi?!! Pasok tayo!! Pasok! Varsity na tayoooo. Wooooohoooo!" nagsisigaw ang lokaret. Haaaay. Mas malala pa pala ang babaeng ito sa akin kung mag react eh. Tumatalon talon pa siya. Parang bata na binilhan ng bagong Barbie. Lol. :DD

Naglakad papunta sa classroom. Kami kasi kasama ko si Ian. Hello? Classmates kami di ba? So nasa isang room lang kami. At habang naglalakad marami akong naririnig na nag painit sa dugo ko habang naglalakad. >:D

"Gosh. May bago na si Andi." 

"Di ba si Ian yan? Yung transferee at bagong varsity ng basketball?"

"Oo. Ang landi talaga niyan ni Andi. Dati si Rence, ngayon siya naman." sabi ulit nung isa na mukhang hipon.

"Anong dati? Eh nung isang araw lang nakita ko silang magkausap ni Rence ah. Baka kasi two timer."

"HAHAHAH-"

Napatigil sila sa pagtawa nung huminto ako mismo sa harapan nila. "A-Andi?" takot na tanong nung isa.

"Ano naman ngayon kung may bago ako o wala? Psh. Naiinggit siguro kayo? Kasi walang pumapatol sa inyo." sabi ko sabay talikod.

Catch Me When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon