Andi's POV
"Ma'am Andi, handa na po ang sasakyan" sabi ni Mang Fred, driver ko.
Nandito ako ngayon sa may living room namin. Naka-nga nga mode, boring eh. Dejokee. XD
Hindi pa din kasi ako maka-get over sa mga nangyari eh. Ewan ko ba. Natatakot akong maging mahina. :(
Kinuha ko yung bag at lumabas. "Manong, 'wag niyo na po akong ihatid. Maglalakad na lang po ako." sabi ko. Medyo malapit lang din naman dito yung school eh. Pwede nang maglakad.
"Pero Ma'am"
"Manong Fred, don't worry. I can handle. Kaya ko na po sarili ko." I said smiling.
"Sigurado ho ba kayo diyan Ms. Andi? Baka po kasi-"
"Manong, huwag na po kayong mag-alala. Kaya ko na po talaga. Atsaka di ba, nagpapasundo po si Mommy sa inyo sa airport mamaya??" Nag-nod siya at pumayag din.
Naglakad ako paalis ng bahay at natutuwa ako. Dahil ito ata ulit yung first time na nakapaglakad ulit ako since first year para mag-commute or pumunta sa kung saan. Pinagbawalan kasi ako noon ni Ven. Hindi daw pwedeng mag-isa, dapat kasama siya lagi or pahatid sa driver. Delikado na daw kasi baka maagaw ako ng iba sa kanya. Joke. Haha. :DD
Napangiti ako. Feeling ko kasi unti-unti nang nawawala ang sakit. Siguro nakakamove on na ako, paunti-unti. :)
Bigla kong naramdaman na may sumabay sa akin sa paglalakad. "Ian."
Nagsmile lang siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi kami makatingin sa isa't-isa. Wala din nagsasalita. Siguro dahil na din sa nangyari kahapon. Ang awkward. :|
Nagulat na lang ako nung pumunta siya sa harapan ko at tumigil. Nakatingin lang ako sa kanya. Huminga muna siya ng malalim at saka nagsalita.
"Kung iniisip mo pa din yung nangyari, 'wag kang mag-alala. Magiging okay din ang lahat" tapos nag-smile siya.
"Pero"
"Trust me. Nandito lang ako." sabi niya tapos naglakad na ulit kami.
Ian's POV
Saktong paglabas ko ng bahay, nagulat ako nang makita ko si Andi naglalakad mag-isa. Halatang malalim ang iniisip niya kaya nilapitan ko agad. Tinawag niya ang pangalan ko kaya nginitian ko siya. Pero pagkatapos nun, wala nang nagsasalita sa amin at naglakad na lang kami.
Hindi ko alam kung bakit pero I feel very protective kay Andi. Simula nung makilala ko siya, feeling ko kailangan lagi akong nandiyan para sa kanya. Na dapat lagi ko siyang protektahan. Basta. Ang hirap i-explain eh. Hindi naman ako ganito sa mga babae. :/
Pumunta ako sa harapan niya at huminga muna ng malalim bago ako nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin.
"Kung iniisip mo pa din yung nangyari, 'wag kang mag-alala. Magiging okay din ang lahat" tapos I smiled.
"Pero"
"Trust me. Nandito lang ako." sabi ko tapos naglakad na kami. Ewan ko ba pero sobrang sincere ako nung sinabi ko yun. Walang halong joke or what. Seryoso ako dun. :)
Pagdating namin sa school, sinalubong agad kami ng barkada pero wala si Ven.
"Nica at Ian!! Ba't kayo sabay? Ha?? At saka parang first time ko atang nakita si Nica na maglakad papuntang school ah?!! UYYY!! I smell sumthin' fisheey." sabi ni Mike kaya hinampas siya ni Raina.
BINABASA MO ANG
Catch Me When I Fall
FanfictionA story about a girl who was betrayed by her first boyfriend & her lifetime bestfriend. At dahil sa nangyari naging man-hater siya. Pero anong mangyayari pag nakahanap na siya ng katapat niya at mainlove siya dito? At anong gagawin niya if her ex wa...