SSNHB - 15

57 3 4
                                    

Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas noong huli kong makita si Atty. Mia. Sa loob ng dalawang linggong 'yon ay lagi lang akong nakabantay kila mama at papa, sa mga kapatid ko, at sa mga kaibigan ko. Katulad ngayon, narito ulit ako sa bahay namin. Kasalukuyang nagpapahinga sila mama at papa at ang mga kapatid ko dahil kakatapos lang din nilang mananghalian.

"Ano na kayang nangyari kay Atty. Ramirez ano? Magkakaroon pa ba ng hustisya pagkamatay ng anak natin, mahal?" Narinig kong tanong ni Mama.

"Maniwala lang tayo mahal. Baka busy lang talaga si Atty. ngayon at may mga kailangan munang tapusin at unahin." Sagot naman ni papa.

"Atsaka baka ma naghahanap pa ng ibang ebidensya para mapakulong yung bumangga kay kuya." Sagot naman ng kapatid kong si Katrina. Siya yung sumunod sakin, halos tatlong taon lang din ang agwat ng edad naming.

"Oo nga ma, tsaka diba anak ng congressman ba 'yun? Kaya malakas ang kapit." Sagot naman ni Khloe. Bunso kong kapatid, limang taon lang ang tanda ko sa kaniya, at dalawang taon naman ang tanda ni Kat sa kaniya. Kaya halos magkakasundo lang din kami.

Akmang magsasalita ulit si mama ng tumunog ang cellphone ni papa. Agad namang sinagot ni Papa ang tawag ng makita nito ang caller.

"Hello, po Atty. Ramirez, magandang hapon. Napatawag ho kayo?" sagot ni Papa. Binigay naman niya kay mama ang cellphone para sila ni Atty. ang mag-usap.

"Ngayon ho Atty? Pwede naman ho. Sige Atty. pupunta kami dyan. Maraming salamat." Sabi ni mama at pinatay na ang tawag.

"Si Atty. Mia ba yun ma?" Tanong ni Khloe.

"Oo nak, pinapapunta niya kami ng papa mo sa isang restaurant kasi may sasabihin daw syang importante." Sagot ni mama sa kapatid ko.

So, aasikasuhin na kaya niya ulit ang kaso ko?

"Paano ba yan, Katrina, Khloe kayo muna bahala dito sa bahay ha. Huwag muna kayo lumabas ng bahay." Bilin ni papa sa kanila.

"Opo." Sagot nilang dalawa. Maya-maya pa ay umalis na rin sila mama at papa papunta sa restaurant na sinasabi ni Atty. Mia.

Dahil gusto ko rin malaman kung ano ang sasabihin ni Atty. ay sinundan ko sila mama at papa. Gusto ko rin siyang makita. Gusto ko malaman kung okay lang ba sya.

Nang makarating sa restaurant ay agad ko siyang nakita na kakatapos lang kumain. She looks in deep thoughts and stress, pero hindi ko maikakaila na ang ganda niya talaga. She has this strong aura na talagang maiintimidate ka kung hindi mo siya kilala. Bagay talaga sa kaniya ang profession niya, dahil matapang siya sa halos lahat ng aspeto.

Agad niyang sinalubong sila mama at papa at nakipag-kamay ng makita niya ang mga ito. Hindi na ako lumapit sa kanila dahil alam kong makikita niya ako. Nag tago na lang ako sa gilid kung saan ay maririnig ko pa rin silang nag-uusap.

"I'll see you on the court Mr. & Mrs. Vargas for the hearing. I'll contact you again next week. Ingat po kayo." Narinig kong sabi ni Atty. matapos nilang mag-usap ng magulang ko.

So, itutuloy niya pa rin pala ang kaso ko. Akala ko ay nakalimutan na niya talaga ito. Nang makita kong paalis na sila ay sumunod na rin ako palabas ng restaurant.

Nang makasiguro akong ligtas na nakauwi sila mama at papa ay napagpasyahan kong maglakad-lakad. Halos mag didilim na rin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nakita ko na lang ang sarili ko na nasa may parking ng law firm na pinagtatrabahuan ni Atty. Mia.

Habang naglalakad ako papunta sana sa elevator ay may nakita akong dalawang lalaki na nakabantay sa isang sasakyan. Pamilyar sakin ang sasakyang ito ha, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang sasakyan ni Atty. Mia.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon