SSNHB - 13

51 5 4
                                    

"Nasaan na kaya si Ken ngayon 'no? Halos mag ta-tatlong buwan na rin mula ng mawala siya. Parang kahapon lang." Narinig kong tanong ni Liam kila Paulo, Jake at Dustin.

Naisipan ko silang dalawin isa-isa pero naabutan ko silang magkakasama ngayon dito sa bahay nila Dustin. Mukhang mag s-sleep over ata sila.

"Kaya nga e. Saan kaya siya pupunta 'no? Sa taas o sa baba?" Natatawang tanong ni Dustin.

"Hahaha oo nga 'no?" Pag sang-ayon naman ni Liam.

Tarantado talaga 'tong mga 'to. Kung ano-ano talaga naiisip na mga kalokohan.

"Loko talaga kayong dalawa. Pero for sure naman sa taas ang punta non ni Ken. Sobrang bait non e, maloko lang talaga minsan." Sagot naman ni Paulo.

"May sasabihin ako sa inyo." Seryosong sabi ni Jake, agad namang binaling nila Liam, Dustin at Paulo ang atensyon nila sa kaniya.

"Nanaginip ako kagabi, ang weird." Panimula ni Josh.

"Huh? Bakit ano bang nangyari sa panaginip mo?" Tanong ni Dustin.

"Napanaginipan ko si Ken." Natahimik silang apat matapos sabihin ito ni Jake. Lahat sila ay malalim ang iniisip.

"Doon sa panaginip ko, nabuhay daw siya ulit." Pagpapatuloy ni Jake. Kahit ako ay nakikinig ng maigi sa mga sasabihin niya. Natigilan ako sa narinig ko.

"Gago? So, si Ken talaga si Hesus?" Sabi naman ni Liam. Nakatanggap tuloy siya ng tatlong malulutong na batok mula sa tatlo.

"Bwiset ka talaga Liam. Kung ano-ano pumapasok sa isip mo." Gigil na sabi ni Paulo kay Liam at kinurot pa ito.

"Sorry na. Bigla lang pumasok sa isip ko eh. Sorry na bhiee, ha hatdog, cheesedog, tatay mo sabog." Muling sabi ni Liam sabay tawa. Agad naman siyang binatukan ulit nung tatlo.

Kahit kailan talaga ay puro kalokohan 'tong si Liam. Kaya din siya tinawag na sunshine boy kasi gusto niya lahat nakangiti lang.

"Pero seryoso na kasi, isa pang banat ng kung ano-anong kalokohan Liam iiwan ka namin dito." Pananakot ni Paulo dito. Natahimik naman agad si Liam at seryoso ng humarap kay Jake para makinig ulit.

"Anong nangyari sa panaginip mo?" Tanong ulit ni Dustin.

"Hindi ko na masyadong maalala yung iba, pero ang pinakanatatandaan ko is, buhay siya at sinasabi niyang may misyon daw siya na dapat gawin, pero pagkatapos noon ay aalis na daw talaga siya." Pagpapatuloy ni Josh.

Napa-isip ako sa sinabi ni Josh. Posible bang mangyari yon? Yung mabuhay ako ulit dahil sa isang misyon? Hindi ba sa mga palabas lang nagyayari 'yon.

"Tingin niyo possible yon?" tanong ni Liam na ngayon ay seryoso na.

"Gusto ko, gusto kong mangyari 'yon. Kahit ilang araw lang, gusto ko lang ulit makasama si Ken." Naluluhang sambit ni Dustin.

"Sana kung mangyari man talaga 'to, puntahan niya talaga tayo ano? Kahit ilang minuto lang. Mayakap lang ulit natin siya ng mas matagal at mas mahigpit." Muling saad ni Liam.

"Ken, dre nandyan ka ba? Narinig mo ba yung sinabi ni Jake? Pwede ba 'yon? Posible ba 'yon? Paramdam ka naman dre. Miss na miss ka na talaga namin." Pag tawag ni Paulo sa pangalan ko habang nakatingin sa kisame.

Gustong-gusto kong sumagot at sabihin na naririnig ko sila. Gusto kong makisali sa usapan nila.

"Ken, dre nandito ka ba ngayon? Naririnig mo ba kami? Paramdam ka naman Ken." Pag tawag din ni Jake sa pangalan ko.

"Ken, yakapin mo naman kami." Sabi ni Liam at pumikit. Halatang natatakot sya pero mas nanaig sa kaniya ang kagustuhan na magparamdam din ako sa kanila.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon