SSNHB - 37

40 4 0
                                    

Agad kong sinagot ang tawag ni Jake nang mag ring muli ang aking cellphone. Napahinto rin sa pagkain sila Liam para makinig.

"Hello dre." Narinig naming saad ni Jake sa kabilang linya.

"Hello dre, anong nangyari?" Tanong ko rito.

"Nag 30 minutes break muna, tapos sunod na yung kasong isasampa ni Atty. Mia laban kay Ramon Herrera." Sagot nito.

"Nasaan si Mia? Kumusta siya?"

"Nandoon sila ni Dave sa pwesto pa rin nila. Nag-uusap sila."

"Kumain na ba? Abutan mo naman ng pagkain. Sigurado akong hindi na mag-aabalang kumain yan dahil busy sya." Tugon ko rito.

Sa halos araw-araw na kasama ko si Mia sa loob ng dalawang buwan ay kabisado ko na siya. Kapag marami itong ginagawa ay hindi na talaga ito nag-aabalang kumain dahil tututok na tututok ito sa ginagawa.

"Sige dre. Inutusan ko na si Pau." Sagot naman nito. Binalita pa nito ang ilang nangyari sa loob ng korte bago nito pinatay ang tawag dahil kakain muna sila. Nagsabi naman ito na tatawag muli kapag nagsimula na ulit ang hearing, kaya tinapos na muna namin ang pagkain rin namin.



~



"Atty." Napalingon kami ni Dave ng marinig namin ang pag tawag ni Paulo sa akin. Itinaas nito ang isang styro na may lamang pagkain. "Pinapaabot ng boss amo namin. Kumain ka daw muna." Makahulugang dagdag pa nito.

Napailing na lang ako dahil sa pagiging thoughtful ni Ken. Somehow it reduced the stress and nervousness I am feeling right now.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Paulo para kunin ang pagkain at bottled water na dala nito. "Thank you, Pau. Bayaran ko na lang later." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

Umiling naman siya saka sumagot. "Huwag na Atty., kain ka na lang ng marami." Saad nito bago nagpaalam na babalik muna sa canteen kung saan sila kumakain ni Jake kasama sila Tita Mylene at Tito Danilo.

Bumaling ako sa pwesto nila Grace. Nakatungo lang ito habang alo-alo ng kaniyang ina. Nilapitan ko sila para tanungin kung kumain na ba sila.

"Mrs. De Vera, Grace, kumain na po ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Nag-angat naman ng tingin sa akin si Grace at masuyong ngumiti.

"Inaantay lang namin ang asawa ko Atty., siya na lang ang bumili ng makakain namin." Sagot ni Mrs. De Vera. Tumango naman ako sa kanila at saka bumalik sa pwesto namin ni Dave.

Umupo ako sa kinauupuan ko at saka binuksan ang styro. May laman itong dalawang manok at dalawa ring kanin.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Dave. Pinaningkitan ako nito ng mata bago sumagot.

"Kanina pa tayo magkasama Mia, nakita mo ba akong kumain?" Sarkastikong tugon nito. Mahina naman akong napatawa dahil sa sinagot niya.

"Oh, sayo yung isang manok tsaka kanin. Hindi ko kayang ubusin 'to." Sagot ko sa kaniya at saka hinati ang styro para doon niya ilagay ang pagkain niya.

Tumango naman siya at nagsimula ng kumain. Ganoon rin ang ginawa ko. Mabilis lang ang naging pagkain namin ni Dave dahil kailangan pa naming mag-usap ulit tungkol sa kasong isasampa ko kay Ramon Herrera.

"Ako na magtatapon. I'll go to the washroom din, mag re-retouch lang ako." Saad ko ng akmang aalis sana siya sa kinauupuan niya para itapon ang pinagkainan namin.

"Sige, bilisan mo lang. We only have 15 minutes left." Maiksing tugon nito. Tumango naman ako saka kinuha ang pinagkainan namin at ang cellphone ko.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon