SSNHB - 12

48 3 5
                                    

"Shit!" Napabalikwas ako ng bangon at hinahabol ang hininga ko. Tumingin ako sa paligid ko, nasa kwarto pa rin ako ni Ate Marie at katabi ko pa rin sila nila Cassandra habang nasa baba naman sila Cj at ang iba ko pang pinsan na lalaki.

Hinahabol ko pa rin ang hininga ko habang kinukuha ko ang cellphone ko sa may side table. Tinignan ko ang oras at nakitang 5 AM na. Kahit nahihilo pa ako ay umalis na ako sa kama. Hawak ko ang ulo ko dahil sobrang sakit nito – tanginang hang over 'to. Maling mali talaga na uminom ka ng malala kanina Haamiah.

Pinapagalitan ko pa rin ang sarili ko habang nainom ako ng tubig ng mapatingin ako sa bintana at makita ang sasakyan ko na naka park doon. Bumalik na naman sakin ang dahilan kung bakit ako naglasing kagabi at hindi ako makausap ng matino nila Ate kahit anong gawin nila.

Nilapag ko ang baso sa lamesa at dahan-dahan akong naglakad palabas. Gusto kong siguraduhin na hindi lang ako namamalikmata kagabi. Gusto kong kumpirmahin na hindi ako nagha-hallucinate dahil naguguilty ako sa mabagal na takbo ng kaso niya.

Paglabas ko ay pumikit muna ako ng mariin at sinampal ang sarili ko ng tatlong beses para siguraduhin na gising na talaga ako at hindi nanaginip. Nang masaktan ako sa sampal na binigay ko sa sarili ko ay binuksan ko na ang flash light ng cellphone ko dahil madilim pa rin sa labas kahit ala-singko na ng umaga. Mas mahaba na naman kasi ang gabi kaysa sa umaga.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sasakyan ko. Hindi naman ako takot sa multo at totoo din naman na bukas ang third eye ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ilang beses ko siyang nakita kagabi. Nang makalapit ako sa sasakyan ay pumikit muli ako at bumilang ng hanggang sampo para pakalmahin ang sarili ko.

~

"Denise, pakisara naman muna nung kurtina. Inaantok pa ako." Tawag ko kay Denise ng maaninagan ako ng liwanag.

Ilang minuto akong nag-antay na isara ulit ni Denise yung kurtina pero ganon pa rin. Maliwanag pa rin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, nag-a-adjust pa sa liwanag. Nang magising na talaga pati ang diwa ko ay doon ko lang napagtanto na wala ako sa tinutuluyan namin. Nandito pa rin ako sa sasakyan nung lawyer na may hawak ng kaso ko.

Kumunot ang noo ko ng mapagtanto na madilim pa sa labas, kaya dahan-dahan kong nilingon kung saan nanggagaling ang liwanag. Pag lingon ko ay hindi ko pa agad naaninag ang nasal abas, pero unti-unti ko itong nakita ng dahan-dahang mawala ang liwanag na nanggagaling pala sa flashlight.

At doon ko nakita ang mala-anghel niyang mukha. Ilang minuto ko siyang pinakatitigan. Hindi ko mai-alis ang paningin ko sa mukha niya. Sobrang ganda niya kahit halatang bagong gising lang siya. Ilang beses siyang napakurap hanggang sa dahan-dahan ay napatakip na lang sya sa bibig niya, bakas ang gulat sa kaniyang mukha.

Hindi ko alam kung lalabas ba ako at aalis na. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon naniniwala na akong nakikita niya nga ako, pero ano naman ngayon? Imposible namang makausap ko siya diba?

Naputol ang pag-iisip ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng sasakyan sa gawi ko. Tinignan ko sya na pumasok at umupo sa tabi ko kaya naman ay napaurong ako sa kabilang gilid at isiniksik ang sarili ko doon. Ilang minuto pa ng katahimikan ang lumipas bago siya nag salita.

"Hindi ba patay ka na?" Tanong niya. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya o ang sarili niya, kaya hindi ko alam kung sasagot ba ako dahil hindi nga ako sigurado kung maririnig niya ako.

"Tangina, nanaginip pa rin baa ko?" Muling tanong niya, pero this time ay sigurado na akong sarili niya ang tinatanong niya dahil nagulat na lang ako ng sunod-sunod niyang pinagsasampal ang sarili niya na may kasama pang sabunot sa buhok niya.

Dahil ako na yung nasasaktan sa ginagawa niya ay hindi ko napigilan na magsalita at sawayin siya.

"Tama na, nasasaktan mo na yung sarili mo." Sabi ko sa kaniya, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan, dahil gaya ng ng sinasabi ko pa kanina ang imposible naman na marinig at mahawakan ko sya.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon