Naglalakad si Loraine sa hallway ng school. Tinitignan nyang maigi ang mga facilities ng kanyang school. Habang hinahanap ang kanyang room bigla syang napalingon sa isang room. Room na kung saan nakita nya ang isang mistirious na lalaki. Biglang bumagal ang takbo ng oras at napahinto sya dahil sa bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi nya malaman kung ano itong nararamdaman nya dahil ngayon lang nya naranasan ito. Muli syang naglakad para mahanap ang kanyang room letter D. Nang mahanap nya agad syang naupo sa kanyang upuan. Bigla sya ulit napaisip tungkol sa lalaki kanina.
Loraine's POV:
Hmmm... Sino kaya yung lalaking yun? Ano kaya pangalan nya? Bakit ko ba sya iniisip? Sinampal ang sarili at nagfocus.
Nagumpisa na ang klase at nagtawag isa isa ang teacher. Pero iniisip parin ang tungkol duon sa lalaki. Hanggang sa natauhan dahil tinawag na ang apilido ko.
"Castillo" sigaw ng teacher namin.
Present! Sagot ko naman.
Author's POV:
Nagpakilala sila isa isa sa isa't isa pero kailangan EOP (English only policy).
Pagkatapos nun wala silang ginawa kungdi maglaro,makipagdaldalan at mag explain ng mga rules ng school.
Hanggang sa nag bell na ang first break at nagsikainan na nang kanilang mga baon pero yung iba ay nagsilabasan dahil pwede naman daw lumabas. Si Loraine ay lumabas din para hanapin ang lalaki kanina. Nang makita nya ulit biglang bumilis ulit ang tibok ng kanyang puso at sya ay natulala. Hindi nya alam kung ano nga ba ang nararamdaman.
Loraine's POV:
Inlove ba ako sa kanya? Natanong ko ang sarili.
Hindi ko alam kung pano ako nainlove sa kanya dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
Hindi! Hindi maaari toh! Hindi pwedeng mainlove ako sa kanya kasi hindi ko pa nga sya kilala tapos maiinlove pa ako sakanya! Impossible!!! Naguguluhang sabi ko sa sarili.
Author's POV:
Biglang natauhan si Loraine nang marinig nya ang pangalan ng lalaking hindi nya malaman kung gusto nya ba. Tinawag kasi yung lalaki ng isa pang lalaki at siguro kaibigan nya. Nalaman na ni Loraine na Nico pala ang pangalan ng lalaki.
Simula nun hindi na natanggal sa isip ni Loraine ang kanyang pangalan. Hanggang sa nagbell na at tapos na ang break. Bumalik na sya sa room nila at wala na syang ginawa kung hindi isipin lang ang tungkol duon. Hindi na sya nakikipag usap sa lahat at hindi nya na alam kung ano na ang nangyayari sa paligid nya. Hinihintay nalang nya ulit mag break.
Loraine's POV:
Hay nako ang tagal naman ng break time! Gusto ko syang makita! Hindi mapigilang isipin sya.
Tinanong ko ang katabi kong babae.
Anong oras ba yung lunch break natin? Tanong ko.
Sabi nya ay 12:00 daw. So 10 mins. Nalang ang hihintayin ko.
Hindi na ako mapakali kaya nakipagusap muna ako sa ka table ko.
Nung nakipag usap ako sabi nila sakin akala daw nila suplada ako kaya hindi nila ako kinakausap pero hindi naman pala.
Author's POV:
Habang nakikipag usap si Loraine biglang may kumatok sa pintuan. Lumingon lahat pati si Loraine. Biglang nagulat si Loraine at napatulala ulit dahil ang kumakatok pala ay si Nico. Hindi akalain na sya pala ang kumakatok. Pumasok si Nico at may sinabi sa teacher namin. Si Loraine naman ay nakatitig lang sa kanya. Hanggang sa umalis na si Nico at tulala parin si Loraine. Biglang nagulat si Loraine nang kinalabit sya ng kanyang katabi na si Abby. Tinanong ni Abby kung anong nangyari sa kanya. Hindi naman nya sinabi ang totoo. Biglang tumunog na ang bell at mabilis na lumabas si Loraine para masulyapan si Nico.
Nang makita nya ang kaibigan nya nung elementary ay classmate ni Nico agad nya itong nilapitan at tinanong.
Loraine's POV:
Uy! Kim! Tawag ko.
Napalingon si Kim sakin at lumapit.
Kim dito karin pala nagaaral! Tuwang tuwa ako.
Tumungo si Kim.
Oo nga pala classmate mo ba yun? Sabay turo kay Nico.
Tumungo ulit sya at tinanong kung bakit.
Nagsinungaling ako dahil ayokong malaman nya tungkol dito. Sinabi ko nalang kung pwede bang duon ako kumain sa kanilang room pero hindi ko na sinabi na para lang makita ko si Nico.
Umoo si Kim at hinila ako papasok.
Author's POV:
Pagpasok ng room nila Kim. Hindi inakalang sa kabilang table lang si Nico nakaupo. Si Loraine ay nakatingin lang kay Nico habang kumakain sya. Hindi na sya nakikinig kay Kim. Tungo lang sya ng tungo para hindi sya mahalatang hindi nakikinig. Sa buong break nakatingin lang sya kay Nico.
Hanggang sa nagbell na ulit. Nabitin si Loraine at gusto nya pang umistay pero kailangan na talaga nyang bumalik sa room nila. Biglang may narinig syang sumitsit sa kanya. Napalingon si Loraine at paglingon nya nakita nyang hawak hawak ni Nico ang kanyang panyo. Nanlaki ang kanyang mata at natulala. Palapit na ng palapit si Nico kay Loraine. Si Loraine naman ay pabibilis na nang pabilis ang tibok ng kanyang puso. Nang inabot ni Nico ang panyo kay Loraine si Loraine naman kinuha nya ang panyo. Tinanong ni Nico si Loraine kung ok lang ba sya kasi namumula daw sya. Si Loraine ay tumungo at sinabing mainit kasi duon para hindi na sya mahalata. Tumalikod si Loraine at sumigaw ng mahina. Kinilig si Loraine pero medyo nahiya dahil pulang pula sya kanina.
Wala syang ginawa sa buong araw ng klase kung di isipin lang ang nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
Why It's So Complicated?
RomanceThis story is about a complicated love story. There's a girl who named Loraine na first time na nainlove sa isang lalaki na nagngangalang Nico. Nagumpisa ito sa bagong school na kakakagawa lang noong first day of school nung sila ay grade 7. So read...