Sinubukang kalimutan ni Loraine si Nico pero hindi nya ito magawa. Hindi nya kayang kalimutan dahil mahal parin nya si Nico kahit si Julia ang mahal nya.
Biglang naisip nyang tulungan nalang nya si Nico kay Julia! Tutal duon naman sya sumasaya at tinanggap na niya na hanggang magkaibigan lang talaga sila. Kahit mahirap para kay Loraine,ginawa nya parin. Dahil na naniniwala sya sa kasabihang "pagmahal mo daw ang isang tao kailangan mong magsacrifice para lang mapasaya sya" kaya ayan tutulungan nga nya! Mahirap man tanggapin at gawin para sakanya,tiniis nya nalang ang sakit na nararamdaman sa tuwing makikita nyang nilalapitan at sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Julia sa kanya.
Loraine's POV:
Lumapit na ako kay Nico at tinanong kung totoo ba na maygusto nga sya kay Julia.
Sinabi ni Nico na totoo yun at tinanong nya sakin kung ok lang bang tulungan ko sya. Sinabi kong oo pero sa loob loob ko ay masakit at nangangarap na sana ako nalang.
Mahirap sakin na magtago ng tunay kong nararamdaman kaya pagnaiiyak na ako tatakpan ko ang mukha ko ng panyo at duon ako iiyak pero pag minsan pag sobrang tindi ng pag iyak ko agad akong tatakbo sa CR at duon ko ibubuhos agad. Si Nico lang ang taong mabilis na napapaiyak ako at hindi ko man lang mapigilan yun kahit gusto kong pigilan dahil ayokong maging mukhang desperada at mahina.
Isang araw pinilit ko si Nico na ligawan si Julia! Pinilit namin ni Linda.
Una ayaw nya kasi may pagkatorpe itong si Nico.
" I'm shy! She will just bust me" sabi nya.
" No! Just try first " sabi namin ni Linda.
" We will help you don't worry " sabi ko sabay fake smile.
" Ok I will try, I will start tomorrow " sabi nya.
" Yes " sabi ni Linda. Oh bakit hindi ka sumabay sakin Loraine? Hindi ka ba Excited? Tanong ni Linda sakin.
" Uhm.... Nothing " sabi ko.
Masakit talaga sakin yun kaso talagang ganun eh wala na akong magagawa! Mahal nya si Julia eh! Hindi ko naman pwedeng pigilan si Nico. Wala naman akong karapatan sa kanya at gustong gusto sila ng lahat na maging sila kasi bagay sila! Bagay ang love team at meron nanga silang love team " JulNic " oh diba parang perfect match! Sana nga maging ako nalang para " LorNic " nalang kaso wala hanggang friends lang kami eh!Kinabukasan:
Pagpasok ni Loraine ng maaga,maaga ring pumasok si Nico at ang kaibigan nyang si JR. May dalang chocolate si Nico at lumapit kay Loraine. Akala ni Loraine ay para sakanya ito. Biglang napahiya si Loraine dahil pinapabigay lang pala nya ito kay Julia,nakalimutan nya pala na tutulungan nyang manligaw si Nico kay Julia.
Binigay na ni Loraine yung chocolate kay Julia pagdating nya palang,una ayaw ni Julia itong tanggapin dahil alam nyang galing ito kay Nico pero pinilit ni Loraine kaya tinanggap nya na! Maraming nainggit kay Julia dahil dito at syempre kasama na dun si Loraine. Kinuha nga ni Julia ang chocolate pero hindi nya ito kinain, ibinigay lang nya ito sa kanyang kapatid. Sinabihan ni Loraine na sana bigyan ng chance si Nico dahil gustong gusto sya nito.Loraine's POV:
Nagseselos ako sa kanya! At hinihiling ko na sana ako nalang! Medyo nainis ako kay Julia dahil hindi nya man lang tinikman ang chocolate na binigay ni Nico para sa kanya.
Nung araw na yun duon narin ako nagsimulang makinig ng kantang pinapahayag ang nararamdaman ko.
Katulad ng:
Tear Drops of my Guitar by Taylor Swift
You Belong With Me by Taylor Swift
Siguro by Yeng
Ako Nalang at Bakit hindi ka Crush ng Crush mo by Zia Quizon.
Palagi akong umiiyak pagpinapakinggan ko yun. Paulit ulit ko ring pinapakinggan yun araw araw! Dahil umaasa nalang ako na sana ako nalang ang Mahal ni Nico. Umiiyak din ako palagi sa school pag nakikita kong magkatabi sila at sila yung pinagpapartner ng teacher namin! Kaya palagi akong may dalang panyo dahil hindi naman pwede samin ang nasa CR nalang palagi kaya tatakpan ko nalang ng panyo ang buong mukha ko at duon nalang ako iiyak ng tahimik kaya hindi rin nila alam yun. Nahihirapan na ng ako minsan magtago at natatakot ako dahil baka malaman nila ang tungkol dito.
Author's Note:
Sasagutin ba ni Julia si Nico? Pano na si Loraine? Makaka move on pa ba sya? Magkakatuluyan ba ang JulNic? Ano na mangyayari kay Loraine? Let's see kung ano ang next na mangyayari! Kaya continue reading this!
Pls. Vote and comment if you like it! Also follow me!
BINABASA MO ANG
Why It's So Complicated?
RomanceThis story is about a complicated love story. There's a girl who named Loraine na first time na nainlove sa isang lalaki na nagngangalang Nico. Nagumpisa ito sa bagong school na kakakagawa lang noong first day of school nung sila ay grade 7. So read...