Chapter 5

10 3 1
                                    

Imagination

Pero bago pa ako tuluyang makaalis may brasong humagip sa maliit kong bewang dahilan nang paghinto ko sa balak nais gawin.

Kahit kararating pa lang at galing sa labas, langhap ko pa rin ang panglalaki niyang pabango na siguradong nakakapangliyo. Naisip ko tuloy kung anong amoy ko at siguradong amoy pawis pa ako dahil sa paglilinis buong maghapon. Ramdam ko rin ang intensidad ng kanyang mga braso na lalong nakapagdipana ng kanyang mga muscles. Halatang nagwo-workout sya. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga dahilan ng pagtindig ng aking mga balahibo habang napapalunok. Amoy ko na rin ang kanyang hiniga dahil sa paglapit.

"Who are you." madiin nitong tanong kahit di pa ako binibitawan. Laking pasalamat ko sa dilim dahil di niya ako namumukhaan, at mukha niya lamang ang naiilawan galing sa labas na mga ilaw.

"I-imagination niyo po!, w-wala po ako dito!" di ko pinag-iisipang sagot.

TANGA! Sa lahat ba naman ng pwedeng isagot, yan pa Lucinda??? Pwede namang sabihing naligaw ka! O di kaya'y namasyal?

Dali-dali akong kumalas aa kanang bisig ng napagtanto kung gaano kami kalapit, at kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko! It's so fast that it hurts.

Yumuyuko akong lumayo sa kanya, natatakot na ba ka makita nya ng maayos ang mukha ko at mamukhaan ang taong walang habas na nang-vandal na kanyang sasakyan!
Ayaw ko ring makita ang kanyang mga mata dahil sa epektong hatid nito sa akin. Bakit ba lage akong na-iintimidate sa mga titig nya?? Iniisip ko pa lang na makatitigan ito ay parang nanlalambot na aking mga buto-buto, jusko. Para na akong hihimatayin sa kaba lalo na ng mapansin uli ang ayos niyang naka-boxers lang! Kahit nakayuko kita ko pa rin ng buo ang kanyang katawan pababa, namula ako sa bukol na nasa baba nito.

"Nice try." seryoso niyang saad pero mahihimigan ang panunuya. Pilit niyang inaaninag ang mukha ko na mas lalong nagpayuko sa akin.

At kahit kabado nagawa ko pa ring umirap dahil alam ko namang katangahan ang naisagot ko kanina, manunuya pa sya! Langya naman oh. Bakit ba sa kung sino pa ang iniiwasan mo gagawa at gagawa talaga ang tadhana upang magtagpo kayo.

Di na ako nagsalita pa, di sinagot ang tanong niya. Pero ng makitang papunta sya sa switch ng ila agad-agad akong tumakbo palabas at sa pagkakataong ito ako'y nagtagumpay.

Sinara ko agad ang pinto at napahawak sa dibdib. Namula ulit ang aking mukha ng marealize that i'm still hoding his boxer shorts! Dali-dali ko itong inilagay sa knob ng pinto nya at kumripas ng takbo.

Isang araw pa lang ako rito pero parang limang taon ang tinanda ko dahil sa mga nangyari!

Di na rin ako lumabas ng kwarto sa takot na baka magtagpo na naman ang landas namin. Sa laki ng mansyong ito siguro naman hindi na ulit iyon mangyayari, di ba? Iiwasan ko na sya, maglilinis lang ako ng silid niya pag nasiguradong nakaalis na sya. At para na ring mapatunayan na baka imahinasyon nya ang nangyari! Tama! Ang galing ko talaga, di ako papakita pero di niya naman ako naaninagan di ba? Hays bahala na nga.

----
Vote and follow me 😊

Locked by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon