Rejected
Isang linggo na rin ang nagdaan simula nung naganap ang party, wala rin namang nagtangkang kumidnap sa akin. Siguro naisip ng De Vera na yun na wala syang masisingil ni singkong duling sa akin.
At isang linggo na rin akong naghahanap ng mapapasukan. Kulang na lang papatulan ko na ang maging kasambahay dahil gipit na gipit na ako.
Napatigil ako sa pagsabunot ng buhok dahil sa frustration ng may narinig na katok, wala naman akong ine-expect na bisita ah. Inayos ko ang buhok at tumayo na upang mapagbuksan ang kumakatok, unang bukas ko pa lamang nalanghap ko na ang amoy ng adobo
''Eliz, kumain ka na ba?'' napaangat ako ng tingin mula sa baonan ng adobo, si ate Leah pala boardmate ko. Mas matanda sa akin ng anim na taon, sa ikatlong kwarto mula sa akin pakanan ang kanilang kwarto kasama nya ang kanyang asawang si Kuya Berto at isang cute na anak na si Mia na magpipitong buwan na sa susunod na buwan.
"Di pa ate eh," sagot ko sa tanong nya
"Oh heto adobong manok, medyo naparami kasi ang luto ko sayang naman kung mapapanis wala kasi kaming refrigerator" sabay abot ni ate sa baonang una kong napansin kesa sa kanya
"Salamat ate, gutom na rin ako eh. Dagdag pa sa problema ko na wala pa akong nahahanap na trabaho" ngiting-ngiti naman ako na tinanggap iyon, gutom na talaga ako
"Gusto mo bang pumasok bilang katulong? Kung gusto mo lang naman, atsaka mas mabuti rin yun kasi di ka na magbabayd ng renta at ang pagkain mo libre na" napag-alaman kong katulong si ate leah di ko lang alam kung saan, kaso di na sya doon namamalagi dahil kay Mia at sa asawa nya
"Pag-iisipan ko ate, salamat sa offer" nakangiting sabi ko, tama rin naman sya mas makakatipid ako kung nagkataon. Nagpaalam na rin si ate Leah dahil may pasok pa raw si Mia.
After makain ang binigay ni ate Leah, hinugasan ko na ang pinaggamitan. Staying away from my family helps me learn new things lalo na ang mga gawaing bahay. Mamaya ko na ibabalik ang baonan at siguradong nakaalis na ang mag-anak.
Naligo na ako at nag-ayos ng kaunti, sa munisipyo ang destinasyon ko ngayong araw. Nagbabakasali na may bakante pang trabaho at matanggap.
Suot ang nag-iisang formal attire ko, bumaba ako sa tricycle ng narating namin ang harap ng munisipyo.
Napapikit ako dahil sa usok ng humarorot bigla ang tricycle.
Hinanap ko muna ang restroom ng munisipyo upang mag-retouch para naman kahit konti magmukha akong presentable.
Nadaanan ko ang bulletin board nila at natuwa sa nabasang kailangan nila sa HR
ng bagong staff.Dali-dali kung hinanap ang HR office nila, agad naman nila akong in-entertain. Masasabi mo talagang kailangan nila agad ng maiha-hire dahil kahit kulang ang mga dokyumento ko ay di na nila pinuna pa. Itetext lang daw nila ako kung ano ang resulta.
Nakangiti akong lumabas ng HR ngunit napawi nung nakita kong may matandang tumatawa na napagtanto kong ito yung Mayor ng lugar, napatingin ako sa kasama nya, si Mr. De Vera! Kahit tuwang-tuwa ang kasama ay di man lang ito ngumingiti.
Napasulyap ito sa akin, napalunok ako sa kaba ngunit di ito hadlang upang di mapansin ang kanyang kakisigan. Nakasuot ito ng puting plain shirt na mas nakabigay detalye sa braso at malapad na dibdib nito, ang sarap sigurong yumapos doon. Pinamulahan ako sa iniisip, kailangan ko ng makaalis dito bago pa nya ako makilala!
Agad-agad ko ring nilisan ang lugar na iyon!
Iyon pa ring pagkikita namin ang iniisip ko hanggang sa makauwi na ako, kahit kabado na nagawa ko pang punain ang kagwapohan nya. Maybe naa-appreciate ko lang ang physical appearance nya, that's all, di na kasali ang ugali. Though I'm thankful dahil di na nya ako siningil sa kotse nya, mabait rin naman pala sya. Konti.
'Good day Ms. Martinez, I wanted to thank you for coming by the HR office of the Municipality yesterday. We appreciated your time but have decided to move forward with another applicant'
Nanlumo ako sa text ng munisipyo, last straw ko na ito eh. Binagsak ko ang cellphone sa kama, helpless na talaga ito
Lumabas muna ako para makabili ng ice cream sa malapit na convenience store, pangpawala stress lang.
Papasok na ako ng gate ng sya ring paglabas ni ate Leah, nagkagulatan pa kami
"Ate! Payag na ako!" di ko alam kung pagsisihan ko 'to pero no choice na ako, I guess tatanggapin ko na ang offer ni ate
"Payag sa ano?" sagot ni ate matapos mahimasmasan sa gulat sa bigla kong sigaw
"Yung sinasabi mong maging kasambahay" medyo mahinahon ko ng saad
"Sigurado ka na ba talaga?" tanong ni ate Leah, nakita nya sigurong may pag-aalangan sa mukha ko
"Oo!" sagot ko na may pinalidad, go na ito. Hangga't di pa ako nakakakita ng mas maayos na trabaho, titiisin ko na lang ito
"Oh sige, bukas na bukas ipapaalam ko sa mayordoma na may nahanap na ako na papalit sa kasambahay na lumayas dahil nakipagtanan sa hardinyero ng mansyon" napapailing na sabi ni ate Leah
Kinabukasan din ng hapon kumatok sa akin si ate Leah para ipaalam na pwede na raw akong magsimulan sa susunod na araw. Nagsimula na rin akong magligpit ng mga gamit at nagpaalam na sa landlady namin.
Nawindang ako pagdating namin ni ate sa sinasabi nyang mansyon! Mansyon ng mga De Vera ito ah!
Di ko magawang ngumiti kahit nasa harap ko na ang mayordoma! Dito rin pala ang bagsak ko kahit anong iwas ko!
BINABASA MO ANG
Locked by You
RomanceLucinda Elizabeth Martinez, who ran away from her family dahil sa obligasyong di nya kayang gampanan, dahil sa isang sitwasyon nakilala nya ang abogadong si Gabriel Lorenzo De Vera na nuon ay engaged na. Paano mabubuo ang kanilang pag-iibigan? Will...