Encounter
Dala na rin ng boredom sa engagement party na ito napag-desisyonan kong maglibot-libot na rin, tumayo na ako di na nagpaalam kay Leo dahil busy sa pagpapaka-macho sa harap ng magulang nya. Naawa ako sa kaibigan dahil di nya masabi sa mga mahal nya sa buhay kung ano talaga sya at kung ano ang gusto nya. Takot madisappoint ang mga magulang at maging isang malaking disappointment. Gaya ko...
Inabala ko ang sarili sa paglalakad kahit nilalamig dahil sa malalagong puno ng mansyon, pinagpatuloy ko pa rin ang pamamasyal. San kaya ako magsisimulang maghanap ng trabaho ngayon, kahit may natapos ako di ko naman magagamit dahil sa sitwasyon kong ito, mahigit isang taon na rin pala. Bilis ng panahon.
Napadpad ako sa malaking bakuran ng mga De Vera may mga nakaparadang sasakyan, di lang basta-bastang sasakyan. Mga mamahalin at unang tingin pa lang masasabi mong limited editions ang iba dito.
Nahuli ng isang sasakyan ang pansin ko parang pamilyar, nilapitan ko ito upang makasigurado. Tama nga ang hinala ko, ito yung sasakyang walang habas na tinalsikan ako kahapon!
Dahil sa gigil sinipa ko ang gulong nito, buti na lang dala ko ang bag ko. Kinuha ko ang red lipstick ko at sinulatan ang windshield nito.
'Fucking bastard!'
After kong masulat gumaan na rin ang kaninang gigil ko, lumilinga ako para ma-icheck kung may nakakita at tapangiti ng malapad ng mapagtantong walang katao-tao dahil busy ang lahat sa party.
"You know I can sue you with that" muntik na akong atakehin sa puso ng may biglang magsalita sa likod ko!
Ayaw kong lumingon! Anong gagawin ko?? Tatakbo na lang ba?? Di naman siguro nakita ang mukha ko di ba?!
"Or you can just pay the damages" nanindig ang balahibo ko sa lalim ng boses nya na mas lalong nakapagkumbinsi sa aking tumakbo na lang!
"In case you're planning to get away with this, think twice, we have CCTVs around the mansion" parang dead end na talaga, wala na akong nagawa kundi harapin ito.
Dahan-dahan akong lumingon habang pinagpapawisan ng malagkit.
Una kong nakita ang seryoso nyang mukha, na nabubuo ng mga makakapal na kilay na nababagay sa malalim nitong tingin. Nang natitigan ng sapat ang gwapo nitong mukha, napagtanto kong Ito si Mr. De Vera na ikakasal! Kung mamalasin ka naman oh, kung nagkataon abogado pa ang may ari ng sasakyang ito! Ang sarap umiyak na lang, kahapon pa ako minamalas ah.
"P-po?" tumikhim ako dahil sa utal kong sagot, kasi naman nakaka-intimidate ang taong 'to.
"I don't repeat what i just said" masungit na sabi nito
"A-ano po-"
"Call your lawyer regarding this matter" pinukol ko sya ng tingin dahil pinutol nya ang eksplenasyon ko sana
Akmang aalis na sya ng mabilis akong lumapit at hinawakan ang braso nya, lumingon sya at tumingin sa kamay kung nakahawak pa rin. Agad-agad ko itong binawi at pinamulahan ng mukha
"A-ano kasi po, wala akong pangbayad!" yumukong saad ko, dahil sa kaba at hiya
"A-ahm sa inyo po ba ang sasakyan? P-pwede po ba nating pag-usapan na lang po?" Lakas-loob kong inangat ang tingin ko at tinitigan sya kahit naghihina na ang tuhod ko dahil sa halo-halong pakiramdam
"What's your name" kung makatanong ito parang nang-uutos ah
"P-po?" tanong ko ulit, pero tinitigan nya lang ako at hinihintay na sumagot ako, ayaw nya pa lang inuulit ang mga sinasabi nya
"E-elizabeth po sir" sagot ko naman na may pag-alinlangan, baka ipakidnap ako nito at patayin tapos itapon sa ilog ang bangkay ko! Mas lalo akong natakot dahil sa iniisip ko naputol lang ito ng may tumawag sa akin
"Bruha! Anong ginagawa mo dyan? Kanina pa kita hinahap bruh-" lumapit ako sa kanya ang tinakpan ang bibig nya, gusto siguro nitong ipangalandakan ang pagiging bakla nito! Hindi nya ba nakikita na may kasama ako!
Nilingon ko ulit si Mr. De Vera ngunit wala na sya ng lingunin ko ito.
"Ano ba, ang baho ng kamay mo ha!" Inalis ni Leo ang kamay ko sa bibig nya habang ako nagtataka san nagpunta ang lalaking yun. Natauhan lang ako dahil sa tili ng bakla
"Lucinda Elizabeth Martinez! Ikaw ba ang may gawa nito??" tukoy nya sa sasakyan na ginawa kong whiteboard, tiningnan ko sya na may halong alinlangan
"Por dios, bakit mo to ginawa?? Baka may makakita at pagbayarin ka! Ang mahal ng kotseng ito!" dahil guro sa taranta hinila na nya ako palayo sa lugar na yun, bumalik kami sa lamesa namin
Nagdadasal na san hindi magtagpo ang landas namin ulit, ngunit sa pag-upo ko ganun rin ang pagtama ng tingin namin! Muntik pa ako mahulog sa upuan ko!"Huy bruha, umayos ka nga" sita ni Leo sa akin
Nag-iwas ako ng tingin, pinagpapawisan ulit ako at kung kanina'y nilalamig, ngayon nama'y parang naliligo ako sa sariling pawis.
Sana di na lang ako naglibot-libot, di ko sana natagpuan ang lecheng kotse na yun!
BINABASA MO ANG
Locked by You
RomanceLucinda Elizabeth Martinez, who ran away from her family dahil sa obligasyong di nya kayang gampanan, dahil sa isang sitwasyon nakilala nya ang abogadong si Gabriel Lorenzo De Vera na nuon ay engaged na. Paano mabubuo ang kanilang pag-iibigan? Will...