Chapter 6

11 4 1
                                    

Cousin

Dalawang linggo nang nakalipas simula ng insidente sa kanyang kwarto at ni minsan hindi na kami nagkasalubong muli, dahil na siguro sa effort kong wag kaming magtagpo. Nagtataka nga sila Ann minsan kung bakit para akong daga na may pinagtatagoan, tinatawanan ko lang tuwing nagtatanong sya at hindi na sumasagot.

So far, so good. Free food, free rent and most importantly good wage. Siguro magtatagal muna ako rito ng ilan pang buwan, siguro naman may ipon na ako nun para makahanap ng mas maayos na trabaho. Di naman pwedeng habang buhay na akong ganito no'. Kahit pa nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan lalo na sila Ann at ate Leah, di ko sila pwedeng isalo sa magulo ko nang buhay.

"Elizabeth, ikaw na munang pumalit kay Ann na mag-asikaso sa mga señorito mamayang hapunan. May lagnat sya at di pwedeng kulang ang mag-aasikaso sapagkat may bisitang darating. Naiintindihan mo ba?" taas-kilay na utos ng mayordoma habang nagpupunas ako ng mga kagamitan malapit sa hagdanan.

At ano raw? Ako ang mag-aasist? Di pwede! At kung may mga bisita sigurado akong nandoon si Lorenzo.

Bago pa ako makasagot umalis na ang matanda.

Sabagay may choice pa ba ako, eh oo lang dapat ang sagot sa bawat utos nito.

Pagkatapos kung maglinis doon, pumunta akong kusina para malutoan man lang nang kahit sopas si Ann at madalahan ng gamot.

"Salamat rito Elizabeth ha" natapos na niyang kainin ang dinala ko kanina ang nahiga na sya ulit. Ngumiti lang ako bilang sagot, ngunit nagtaka kung bakit sya nakatitig sa mukha ko.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko ng ilang segundo pa ay nakatitig pa rin sya.

"Alam mo para talagang nakita na kita noon eh. Di ko lang matandaan kung saan." sagot niya habang nag-iisip at nakatitig pa rin.

"H-ha? Baka naman kamukha ko lang?" hilaw akong ngumisi sa kanya.

"Siguro nga. Pero alam mo parang di ka talaga mahirap eh. Ang puti-puti mo tapos ang ganda mo pang-anak mayaman, ang lambot pa ng kamay mo halatang di sanay sa mga gawaing bahay" patuloy niyang pagsususpitya sa akin.

"Nu ka ba! S-syempre naman no kahit mahirap lang tayo inaalagaan pa rin dapat natin ang katawan natin" tumawa pa ako ng malakas.

Nagkibit-balikat na lang sya.

"Sige aalas na ako. Ako kasing ipapalit sayo para sa pag-aasikaso mamaya sa hapunan lalo pa at may bisita pala mamaya" pagpapaalam ko para di na sya maghinala pa at maiba ang usapan.

"Rinig ko nga ang chismis ng mga ibang katulong kanina habang kinikilig. Siguro pinsan yun nila Señorito, gwapo rin yun atsaka magaling na abogado! Si Attorney Arthur! Tsaka ang katawan yummy rin, di pahuhuli sa mga katawan nila Señorito"  namumulang kwento ni Ann, di ko na lang sya sinagot pa at tuluyan ng lumabas. Para kasing kahit may lagnat ay nagsimula na syang magpantasya sa mga Señorito. Natatawa na lang akong umiiling habang papalapit na sa kitchen.

"How's Emil, ijo?" tanong ng Donya habang nagsisimula na silang kumain. Emil raw ang pangalan ng kapatid ng Donya na sya ring papa ng Arthur na to. At tama nga si Ann pinsan to nila Lorenzo at tama rin sya sa mga paglalarawan nito kanina. Gwapo, matangkad, at maganda ang pangangatawan. Namula ang pisngi ko dahil sa mga naiisip.

Naputol lang ang titig ko rito ng napansing may nakatitig rin sa akin. Liningon ko ito at kamuntikan ng matumba ng nagtagpo ang mga mata namin ni Lorenzo. Ayan na naman ang mga mata niyang wala pa man tila nanghuhusga na!

Naputol lang ang titig ko ng napansing tinaasan ako ng kilay ng mayordoma, siguro nagtataka kung bakit para na akong tuod dito dahil sa kaba.

Ngumiti lang ako ng hilaw at umayos ng tayo.

Locked by YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon